TIG?: Chapter 11

24 8 0
                                    

[Brenz' POV]

Minove ko muna sa laptop ko yung video tapos minove ko rin sa Phone ko. Yung phone ko yung dadalhin ko para magaan lang at para walang sagabal.

Dinelete ko na yung nasa camera ko pati yung nasa laptop ko. Dagdag lang sa GBytes ng gadgets ko. Sa phone lang talaga ang hindi ko binura.

Pumunta muna akong parking lot para ilagay sa kotse ko yung mga gadgets ko. Mamaya ipangblackmail na naman sakin nung Andrew na yun!

Pagkalagay ko sa kotse ko ng gadgets tsaka ko napagtanto na gabi na rin pala.

Pagkatapos nun ay pumunta naman ako kay Andrew para masabi ko yung nalaman ko.

"Andrew! Wait lang!" sigaw ko. Nilingon niya naman ako saglit tapos naglakad ulit. Nang maabutan ko siya.

"Sabi ko wait lang." sabay hawak ko sa balikat ni Andrew kaso inalis din niya agad yun.

"Huwag ngayon." Sabi ni Andrew

"Pero --" naputol yung sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"Wala ng pero-pero. Busy ako." pagkatapos sabihin ni Andrew yun ay naagaw naman kami ng atensyon ni Michael yung blogger daw.

"Andrew!!!" sigaw ni Michael.

"Oh! Ayan ka pala!" sigaw rin ni Andrew.

"Oh maiwan muna kita ha. At kung tungkol yan sa video na ginawa mo. Kahit wag mo na gawin. :) Sige. Babush!" at akmang ikikiss na ako ni Andrew sa pisngi pero tinulak ko siya.

"Hahahahaha. Gotcha! Ba-bye na nga." at uamalis na talaga siya. Habang tumatagal nagiging weird at asal kanto 'to si Andrew. Tsk!

So back to topic!

Dahil wala ako nagawa. Naisipan kong hanapin si Zach para kausapin.

Pagkapunta ko naman sa 3rd Floor sakto namang nandun siya at masaya.

Nilapitan ko siya pero hindi niya napansin.

"Buti na lang. Hays.." sabi ni Zach

"Buti na lang ano?" sabi ko. At nagulat naman siya ng makita niya ako.

"Hahaha. Wala yun! Hehe." sabay tingin niya sa sahig at hawak ng kanang kamay niya sa batok.

"Kala mo ba hindi ko alam?" sabi ko.

"Alam ang alin?" sabi ni Zach. Patay malisya pa talaga.

"Na babae ka." sabi ko ng diretsahan.

"Ako? B-babae? Ano ba pinagsasabi mo?" sabi ni Zach

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon