TIG?: Chapter 4

75 10 0
                                    

[Third Person's POV]

Pagkapunta ni Zaina sa terrace ay nandun din si Brenz at tinitignan ang mga building.

"Oy. Hahaha. Ikaw!" sigaw ni Zaina kay Brenz.

"Wag ako Zach." sabi ni Brenz kay Zaina.

"Sus! Wag kasi nagmumuni ka dito. Hahahahahaha. Bakla ka ba?" at nilapit ni Zaina ang mukha niya kay Brenz.

"Lumayo ka nga." Sabay tulak ni Brenz sa balikat ni Zaina. At napa-atras siya ng konti.

"Hahaha. Parang di ka mabiro.." sabi ni Zaina sabay taas baba niya sa dulo ng damit niya dahil sa naiinitan siya.

"Bren--" bigla naman napatakip si Zaina ng bibig niya na parang sign na magsusuka siya.

"Wag ka sa akin sumuka ha. Nakakadiri. Eww." sabi pa niya kay Zaina.

"Di ko na kaya!" sabi niya. At tila masusuka na siya.

"Waaaaait! Wag mo muna ilabas yan!" naghanap si Brenz ng pagsusukahan niya. At sa paglilibot ng mata ni brenz ay nakakita siya ng paso na may lupa. Kinuha niya yun at tinapat kay Zaina.

"Go na." sabi ni Brenz at sumuka siya sa paso habang hawak ni Brenz yung paso. Si Brenz naman diring-diri kahit di nakatingin kay Zaina.

Pagkatapos sumuka ni Zaina ay binalik ni Brenz sa dating pwesto yung paso at binigyan ng panyo si Zaina.

--

Habang nasa terrace sila  Brenz at Zaina. Nagsasaya naman sa loob si  Erick at Archie.

"Tol, nasan si Zach? Kanina ko pa yun hinahanap. Diba sabi niya wait lang daw? Tapos di na bumalik." sabi ni Erick.

"Nandun sa terrace. Lasing na nga ata e." sabi ni Archie kay Erick.

"Ahh. Eh nasaan naman si Brenz?" tanong ulit ni Erick.

"Ayun ang di ko alam. Tara na nga. Punta na lang tayo kay Zach." tumango na lang si Erick bilang sagot.

--

Pagkapunta nila sa terrace..

"Kala ko ba nandito si Zach?" sabi ni Erick.

"Nandito nga kanina." sabi ni Archie.

"Eh nasaan?" sabi ni Erick.

Nilibot na lang ni Archie ang paningin.

"Nasa hagdan! Ayun oh! Kasama si Brenz!"sabi ni Archie

"Tara." maikling sabi ni Erick dahil pagkatapos nun ay hinabol na nila si Zaina at Brenz paakyat.

Pagkaakyat na pagkaakyat nilang dalawa nasa corner si Zaina na parang sabog habang si Brenz naglalakad papunta sa kabilan side. Malayo kay Zaina.

"Brenz!" tawag ni Erick na dahilan ng pagkahinto ni Brenz sa paglalakad.

Lumapit agad ang dalawa kay Brenz.

"Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Archie.

"Ewan ko dun." sabay turo kay Zaina na nakangiti at pinagpapatong yung dalawang upuan. "Bigla na lang ako hinila dito paakyat ng rooftop. (-___-)!" sabi ni Brenz.

"Dapat pinigilan mo siya at lalo na iiwan mo siya doon sa cor--"naputol ang sasabihin ni Erick.

"HOY ZACH! MAHULOG KA DIYAN!" sigaw ni Archie habang papalapit kay Zaina.

Nakita nilang nakatungtong na si Zaina sa sa dalawang upuan na magkapatong.. At nasa corner pa siya nakapwesto pwedeng pwede siya mahulog kung ma-out of balance siya.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon