TIG?: Chapter 8

60 9 0
                                    

[Third Person's POV]

Kasalukuyang nasa T-company ang banda dahil sa mga fans nilang nakabantay sa labas ng building 24/7.

"Erick.. siguro tama si Brenz?" sabi ni Archie habang minamasdan nila si Zaina na nakaupo sa sofa.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Erick.

"Kasi tignan mo. Simula nung dumating si Zach satin sunod-sunod na yung bad luck natin. Baka siya pa nga maging dahilan ng pagkawatak-watak natin eh." sab ni Archie

"Grabe ka naman. Baka nagkataon lang ang lahat." sabi naman ni Erick.

Naputol naman ang pag-uusap nila nang biglang may sumugod kay Zaina na galit na galit.

"Sumama ka sakin! Bilis!"sabi ni Brenz kay Zaina. Hinawakan pa ng mahigpit sa braso si Zaina.

"Brenz!"sabi ni Erick.

"Wag kayo mangi-alam dito." Nanggigil na sabi ni Brenz tsaka umalis.

Maglalakad na sana si Erick kaso pinigilan siya ni Archie.

"Wag na tayo mangi-alam." sabi ni Archie.

"Archie! Kailangan natin pigilan si Brenz! Baka kung ano magawa niya kay Zach at baka pwedeng mangyari yung sinasabi mo kung walang aawat sa kanya. Intindi mo ba yun?" Paliwanag ni Erick. Naintindihan naman agad ni Archie ang mga sinabi ni Erick kaya hinabol nila ang dalawa.

Nahabol naman nila Archie sila Zaina na papasok ng office ni Andrew at  pinigilan si Brenz pumasok.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong agad ni Archie.

"Itatama ko lang ang mali, Archie." sabi niya.

"Teka. Nasasaktan na si Zach sa ginagawa mo." sabi pa ni Archie.

"Diba sabi ko wag kayong mangialam!" sabi ni Brenz.

At tuluyan nang pumasok si Brenz pero pinipigilan pa rin siya nila Archie at Erick.

"Yan!" sabay tulak ni Brenz kay Zach papunta kay Richard. "Paalisin niyo na yan! Ngayon na!!" sigaw niya. Gulat na gulat sila Irene sa mga nangyayari kahit sila Archie at Erick.

"Bakit na naman ba Brenz?" sabi ni Andrew sa kanya.

"Di pa ba sapat yung rason ko noon?! Sige. Kung ganito pala gusto niyo, ako ang aalis!" sabay talikod niya para maglakad na palabas.

"Brenz naman." sabi ni Andrew.

At tuluyan na siyang lumabas. Sumunod naman sa kanya si Zaina.

"Bakit ba ganun siya? Ang init lagi ng ulo. Gusto niya siya nasusunod." tanong ni Richard

"He can do everything, he gets everything he wants.He can sing, he can dance, he can act, he can play musical instruments, gwapo at higit sa lahat tagapagmana. Nasa kanya na ang lahat."paliwanag ni Andrew

habang nag-uusap sila sa loob ay sumusunod pa rin si Zaina kay Brenz.

"BRENZ!" Sigaw ni Zaina.

"Brenz wag ka na umalis." sabi pa niya

Huminto naman si Brenz na ikinabunggo naman ng ulo ni Zaina sa likod nito dahil nakayuko siya.

Tumalikod agad si Brenz para makaharap niya si Zaina.

Nagulat naman si Zaina sa ginawa ni Brenz. Masama pa rin ang tingin ni Brenz kay Zaina.

"Tandaan mo ito sa rules ko ha. Ayoko nang lumalapit ang mga katulad mong tao sakin. Kaya lubayan mo na ako." Sabi ni Brenz

"S-s-sorry Brenz." nakatungong sabi ni Zaina.

Pero walang narinig na salita mula kay Brenz tanging pagalakad niya lang palayo ang tanging narinig niya.

Nung nawala na sa paningin ni Zaina si Brenz, dumiretso na lang si Zaina sa dance studio.

"Bakit ganun? Wala pang isang taon pero parang ang dami ng nangyari.  Hays." sabi ni Zaina habang naka-upo at nakatapat sa salamin.

"Pagsubok lang yan." Sabi ni Richard. Nagulat naman si Zaina dahil di niya napansin si Richard na pumasok ng dance studio.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Zaina.

"Alam kong wala kayong practice kaya alam kong mags-stay ka sa walang tao." paliwanag ni Richard.

Tumabi naman si Richard kay Zaina.

"Alam mo.. Hindi pa huli ang lahat para magsimula ka ulit, Zaina. Alam kong malakas ang loob mo." sabi pa ni Richard.

"Paano kung di ko na kaya?"

"Ikaw pa! Nakaya mo nga itago identity mo eh. Kaya mo yan! Fighting! Aja!" sabay gaya ni Richard ng Aja dun sa Lover's in Paris.

"Hahahahahaha, Bagay. XD" tawa ni Zaina

Bigla namang may pumasok kaya napatingin sila sa may pinto.

"Richard, pinapasabi ni Andrew na dun muna raw tayo sa Bahay.. tsaka kakausapin ka raw ni Andrew para sa photoshoot ni Zach bukas. " paliwanag ni Erick.

"Sige sunod na lang kami." pagkasabi nun ni Richard ay umalis na rin si Erick.

"Ano okay ka na? Siguro magpahinga ka na lang sa bahay niyo." sabi ni Richard kay Zaina. Tumango lang si Zaina bilang sagot.

----------

---------------> WAITING CHAPTER 9..

A/N: Advance happy new year. Sorry late update. XD Ngayon lang sinipag. Tsaka sana kung lalong bumagal update ko next year.. Puro ako practice para sa k-event. May Cover Group na ako eh. BTS.. KAWAY MGA ARMYS!!! JUNGKOOK BIASED HERE! PERO SI SUGA RPㅣROLEPLAYERㅣko. ㅠㅠ XD BTW. Enjoy reading para sa mga next update ko! ㅅ ㅡ ㅅ

PS: Sorry short update. Bawi ako next chapter :)))) 

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon