[Zaina's POV]
Pagkatapos ko magpagupit ay nagpalit na rin ako ng damit. At dumiretso na sa place ng event.
"Zaina. Ikaw na ngayon si Zach kaya wag kang mailang sa mga lalaki ha. Di mo kailangan mag panggap masyado. Mahahalata tayo. Bayaan mo. Magbibigay ako ng pera sa nanay mo at aalagan nga gaya ng sinabi ko." sabi ni Richard habang nagdri-drive papunta sa event na pupuntahan namin.
++++++++++
"Oh? Nandito na tayo. Baba ka na, susunod ako. Last floor yung event kasi para sakop din daw yung rooftop. (- w -) nandun kasi ang pinakamagandang view kapag gabi. (>__^)" Sinunod ko naman si Richard.
Pagkapasok ko.. Nakita ko yung elevator na kakasara lang kaya hinabol ko. Pinindot ko kaagad yung button na 'up' para bumukas ulit.
Pagkabukas ng elevator si Brenz lang ang nasa loob at naka-serious face kaya tinitigan ko lang.
'Papasok ba ako o sa ibang elevator na lang?'
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya.
"Papasok ka ba o ano!?" sabi ni Brenz.
Nataranta naman ako kaya pumasok na agad ako at gumilid. Dahil nasa kanang corner siya. Sa kaliwa ako pumwesto.
'Dapat talaga di ako dito papasok.. Unang-una, may galit siya sa akin. Pangalawa, makakasama ko siya sa elevator na napakatagal dahil last floor pa kami. 39th floor pa.'
--
Huminto naman yung elevator sa 37th floor. Bigla naman nagbukas yung elevator at may pumasok na babae at umiiyak.
'Hala paano ito?' pumagitna siya samin ni Brenz at iniisip ko paano ko ito patatahanin. Nakakaawa kasi.
"Uhmm Miss?" sabi ko. Sabay tumingin naman siya sakin at bigla akong niyakap. Nakapatong lang yung ulo niya sa balikat ko.
Niyakap ko na lang siya. At hinimas ang likod habang si Brenz nakatingin sa babae ng masama.
Tsaka ko lang nalaman na nasa 39th floor na kami nang biglang tumunog yung elevator. At biglang bumukas ang pinto ng elevator.
Nakita ko naman na may mga camera man. At nandun din si Archie at Erick na naghihintay sa amin.
Bigla naman ako hinarap ng babae at biglang tinulak at sinampal na malakas sa kanan ng mukha ko. Kaya napaharap ako sa corner ng elevator.
"Manloloko ka." rinig kong sabi ng babae dahil di pa rin ako tumitingin sa kanila. Pero na-eyesight ko yung mga flash ng camera at medyo nagkagulo sa mga reporter at camera man.
Narinig ko lang na parang tumahimik. Kaya lumingon ako sa kanila.
Nakita ko na lang na nilayo ni Erick yung babae sa akin.
"Ikaw na naman?!" sabi ni Archie. Anong meron sa kanya? (@---@)

BINABASA MO ANG
The Impostor Guy?
HumorIsang babae na magtra-transform na lang bigla dahil sa kanyang kapatid. Keri mo bang gawin lahat makita mo lang ang pinakamatagal mo nang gustong makita? O may makikilala ka pang iba bukod sa kapatid mo? Pakatutukan yan mga readers. (^_____^ ) -- A...