TIG?: Chapter 6

45 9 0
                                    

[Brenz'POV]

Pagkababang-pagkababa namin sa Van pinuntahan ko kaagad si Andrew. At pumunta kami sa office niya.

"Ano ba yun?"  tanong ni Andrew sa akin.

"Bakit kasi ayaw mo alisin si Zach? Nakakasira lang siya ng image namin. Ok na yung kami pa lang nila Archie at Erick."protesta ko.

"Kahit ikaw pa taga pagmana ng company, di ko siya aalisin kahit anong gawin mo. Tsaka nag-uumpisa pa lang siya. Bakit di mo bigyan ng pagkakataon?" sabi niya.

"Bahala ka nga." sabi ko at dumiretso na ako sa dorm ko.

(A/N: May dorm na mismo sa company. Kung sakaling ma-stock sila sa company katulad ng dahil sa panahon or mga fans na nakaharang sa dadaanan nila or kung may nagproprotesta. Or kung may Interview sila)

Nag-Online naman ako ng fb tinignan ko yung closed group namin. Syempre iba yung gamit kong pangalan. Code name ba.

12.9k members
4 admins

May nakita akong bagong nakaPinned Post sa group namin at ang nagpost nun ay admin parang siya yung leader ng fansclub namin.

Zhinuuh: What's the meaning of this!! Zaaaaach! >< Credits this video: Naki . Thanks sa fancam
//insert video *fancam*\\

Pinanuod ko yung video. Akay-akay pala ako ni Archie tapos akay ni Erick si Zach.

'Kuya pabukas naman yung pinto?' sabi ni Archie sa video.
'Anong nangyari?' sabi ni naman nila Richard na sinalubong sila Erick.
'Dun na lang po namin sabihin para makapahinga na sila.' sabi ni Erick
'Bawal yan!' sabi ni Irene sa nagvi-video kaso nakatakbo yung kumukuha ng samin tapos na-stop na yung video. Tinignan ko naman yung mga comments sa video.

'I hope na okay lang silang dalawa.'
'Bakit ganun? Parang may gasgas sa mukha ni Brenz tapos si Zach wala.'
'May feel akong nag-away yung dalawa kaya walang malay pareho.'
'Kabago-bago ni Zach ang dami niyang issue!'
'Dapat paalisin siya sa grupo na yon'

Minsan nakaka-inis 'tong fans na ito. Isa rin 'tong panira ng image eh. Humusga agad, di pa nga nila alam ang dahilan. Di sa pinagtatanggol ko yung lalaking yun o ano. Basta! Di ko ma-explain. Bahala sila.

Habang  busy ako sa pagche-check sa fb. May kumatok naman bigla.

"PASOK!" sigaw ko tapos binalik ko ang tingin ko sa laptop.

Narinig ko naman yung pinto na bumukas pero nakatuon pa rin yung atensyon ko sa laptop.

"Uhmm. B-brenz?" tinignan ko naman yung nagsalita.

"Ano?" sabi ko. Nakita ko naman na may hawak siyang box na tama lang para mahawakan ng isang kamay niya. Yung box kasing laki ng mga lalagyanan ng cake.

"Kasi..ano? Kasi.." bwisit na Zach ito oh.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon