TIG?: Chapter 1

148 11 0
                                    

"Kuya!" isang mahigpit na yakap para sa kakambal ko.

"Zaina.." sabi ni Kuya Zach sakin.

"Kuya Zach! Wag ka nang umalis. Ayoko na mag-isa. Kuya~" sabi ko at unti-unting naglalaho si Kuya Zach sa paningin ko.

"Kuya Zach!!!!" sigaw ko.

++++++++++

"Hoy Zaina! Gumising ka!"

"Kuya Zaaaach!" at napadilat agad ako ng mata.

"Hoy! Ano ka bang bata ka? Sino ba si Kuya Zach?" tanong ng nanay-nanayan ko. Siya na ang umampon sa akin simula nung bata pa. Napaka bait ni Mama Anna sa akin. Di man kami ganun kayaman nagmamalasakit pa rin siya sa akin.

"Ahh. Siya po yung kapatid ko. Kakambal ko po siya.. Ngayon ko lang po pala nasabi sa inyo." paliwanag ko. Kasi naman, simula nung inampon ako ni Mama parang nakalimutan ko na ang lahat. Kaya ngayon ko lang ulit nasabi dahil sa panaginip ko. (─‿‿─)

"Hala, sige! Mag-ayos ka na. Magsisimba pa tayo. Hihingi tayo ng biyaya para naman may makuha ka nang trabaho sa a-applyan mong mga kompanya." -Mama "Opo ma." sagot ko. Nag-ayos naman ako ng sarili at nagsimba na.

-----

Pagkatapos ng isang oras na pagsisimba ay umalis na ako sa subdivision at dumiretso na ako sa mga aaplyan kong kompanya.

Pero habang naglalakad ako mula sa pinagbabaan ko kanina. Parang may sumusunod sa akin.

Nag sign of the cross ako agad at nagdasal. "Lord. Wag niyo po ako pababayaan." pagkatapos ko yun sabihin ay nagsign of the cross ulit ako. Nagsimula ulit ako maglakad at medyo binilisan ko na ang paglalakad ko.

Sa pagmamadali ko di ko na alam kung saan-saan na ako naglakad. Hanggang sa maglakad ako sa walang tao. Wrong move Zaina!

Lumingon naman ako.. At laki ng pasasalamat ko nang wala na yung sumusunod sa akin. *Sigh*

Humakbang na ako ng isa pero may biglang nagtakip ng bibig ko. At kinaladkad ako papuntang eskinita. Pagdating namin sa eskinita ay nakita ko na ang mukha ng lalaki at inalis ang panyo na nasa bibig ko kanina.

Gwapo naman at mukhang kagalang-galang kaso kaming dalawa lang nandito! Wag ako magbabase sa physical na anyo! Baka masama rin ito.

"Waaah! Tulong! Tul -- opqwsadfzxvguj.." tinakpan na naman niya yung bibig ko ng panyo. "Shhhh. Wag kang sumigaw. Wala akong balak na masama." sabay alis niya ulit ng panyo sa bibig ko.

"Eh bakit mo pa ako dinala dito?"sabi ko

"May kailangan kasi ako sayo. Ang hirap mo kayang habulin! Di ko alam kung saan ka pupuntang bata ka."  PSH.

"FYI lang po MISTER! 19 years old na po ako di na po ako bata. At wala naman po akong sinabi na sundan niyo po ako. At kung ano pa yung kailangan niyo sa akin di ko na problema yan."sinadya kong lagyan ng PO bawat sinasabi ko. Bata raw.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon