TIG?: Chapter 12

27 9 0
                                    

[Zaina's POV]

Pumasok na agad ako ng building at hinanap si Richard.

Habang nasa tapat na ako ng conference room ay saktong bumukas na 'to.

"Oh Richard!"
"Oh Zaina! este Zach!"

Sakto lumabas din si Andrew kasama si Brenz at Archie

0_____O

"Sino si Zaina?" tanong ni Andrew.

"Hindi ko rin alam eh. May nagtext saking unknown number tapos nung tinanong ko kung sino, si Zaina raw siya." paliwanag ni Richard.

"Ahh. Ok." sabi na lang ni Andrew. Napaniwala siya nang ganong explination?! Well okey lang. Buti na lang naniwala siya. Hays

"Ay, oo nga pala. Shoot niyo bukas ng tanghali." sabi ni Andrew.

"Ahhh. Opo. Sinabi nga po sa akin ni Erick kanina." sabi ko.

"Tara uwi na tayo. Namimiss ko na yung bahay natin. Baka amagin na yun." sabi ni Archie

"Osige. Magpahinga na kayo para may energy kayo bukas. :)" sabi ni Andrew kaya umuwi na kami.

Habang nasa Van kami pauwi. Ganto yung sitting arrangement namin.

Yung driver tapos si Richard

Tapos ako yung malapit sa bintana, Si archie tapos si Brenz yung malapit sa pinto.

"Zach. Bakit nga pala kayo nag-aaway ni Brenz kanina?" tanong ni Archie sakin.

"Kami? Kanina?" sige lang Zaina. Ideny mo!

"Oo. Ang narinig ko lang na sinabi mo 'Brenz. Please wag mo sabihin kahit kanino'? Basta naputol na rin pakikinig ko sa inyo nun." sabi ni Archie

"Bakit naputol?" tanong ko. Baka kasi may narinig pa siya.

"Pinigilan ko kasi yung ibang dancer na dumaan sa pwesto niyo. Mukha kasing seryoso usapan niyo." paliwanag niya.

"Ahhh" yan na lang nasagot ko para wala na siyang mareply sa sagot ko. Kaso hindi eh. Archie ang kausap ko. Makulit. T^T

"So, nag-away nga kayo? Bakit kayo nag-away ni Brenz?"

"Uhhmm.." sabi ko na lang.

"Tsaka ano yung sinasabi mo kanina na huwag sabihin kanino?" tanong niya pa. Archie tama na! T^T

Nagulat naman ako ng binatukan siya ni Brenz.

"Huwag nga sasabihin kahit kanino tapos itatanong mo pa sa kanya." sabi ni Brenz.

"Kailangan mamatok?!" sigaw ni Archie.

"Ang kulit mo kasi eh." sabi pa ni Brenz.

"Bakit ganun? May mga sikreto kayo?" sabi ni Archie sabay pout. Para siyang bata. Ang cute magtampo.

--

Pagdating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko tapos  sumunod din si Richard.

"Richard si Brenz.." sabi ko kaagad.

"Bakit? Alam na ba niya?!" natatarantang sabi niya.

"Oo." maiksing sagot ko.

"Ano?! Paano niya nalaman?!" tanong niya sakin.

"Basta mahabang kwento. Nangako naman siya na hindi niya ipagkakalat."

"Okey. Basta mag-ingat ka pa rin." sabi ni Richard. Tumango ako bilang sagot.

"May isa pa pala!" sabi ko.

"Ano na naman?" sabi niya.

"Yung swimming bukas. Paano paghubarin kami dun? Paano na ako?" tanong ko.

"Natanong ko na rin yan kanina kay Andrew. Kung paghuhubarin ba kayo o hindi, basta ang sabi niya nakadepende yun sa magdi-direct sa inyo."paliwanag ni Richard.

"Basta huminahon ka lang." sabay tumayo siya. "See you tomorrow. Pupunta pa ako sa nanay mo." sabay alis niya sa kwarto ko.

May kumatok naman sa pinto ko pakalabas ni Richard.

"Pasok!" sigaw ko.

Nakasilip lang si Archie sa may pinto. Kala ko si Richard.

"Bakit ka nga pala napapunta dito? Upo ka." Sabay tap ko sa kama ko.

"Hindi, wag na." sabi pa niya.

"Sige. Sabihin mo na." sabi ko ulit

"Sabi nga pala ni Erick. Magtuxedo raw bukas." sabi ni Archie.

"Tuxedo?" tanong ko.

"Di ko rin alam eh. Sige labas na ako. :)" at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Napahiga na lang ako sa mga naiisip ko.

"Karma na ba 'to? Haaaaay." sabi ko sa sarili ko pinikit ko yung mata ko.

----------

---------------> WAITING CHAPTER 13

A/N: Sorry short update. T^T Malapit na naman ang bakasyon! Namomoblema na naman ako sa pera. HAAAAAYS! May alam ba kayong pwedeng pagkakitaan? T^T

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon