TIG?: Chapter 15

4 2 0
                                    

[Archie's POV]

Pumunta naman na kaming tatlo sa bahay habang si Andrew pumunta sa T-Company.


"Finally! We're home!" sabi ni Brenz sabay bagsak niya sa sofa habang si Erick dumiretso sa kusina.


Umakyat naman ako para pumunta sa kwarto ko. Pagkahawak ko sa doorknob ng kwarto ko, naalala ko naman si Zach kaya pinuntahan ko siya.


Pagkapasok ko nakita kong balot na balot si Zach at nangangatog. Sinara ko yung bintana tsaka pinatay yung electric fan.


Buti na lang nakapatay yung Aircon.


"Zach! Anong nangyayari sayo." tanong ko. Sabay kapa ko sa noo niya. Grabe! Nag-aapoy na siya sa inet.


"Zach! Tara na sa ospital!" sabi ko at akmang bubuhatin ko na siya.


"Wag Archie.. Wag.." sabi niya.


"Eh, inaapoy ka na sa sobrang inet mo!" sabi ko.


"Si Zach inaapoy ng lagnat?!" gulat na tanong ni Erick na may dalang tray na may lamang tubig sa baso, cup noodles, tsaka tinapay.


Tinabi niya rin yun nung narinig niya yung sinabi ko at lumapit sa kanya si Erick.


"Pumunta na tayong ospital." sabi niya pero pinigilan ko siya at hinawakan siya ni Zach.


"Wa-" inunahan ko na siya magsalita.


"Wag ka na magsalita, Zach. Ako na magsasalita." sabi ko kaya sumangayon siya.


"Ayaw niya raw pumunta sa Ospital. Sinabihan ko na rin siya kanuna kaso tumanggi siya." sabi ko


"Bakit?" tanong ni Erick sakin.


"Hindi ko rin alam. Baka may Phobia?" sabi ko.


"Tawagin niyo si Brenz." biglang sabi ni Zach.


'Brenz?' tanong ko sa isip. Bakit siya? Bati na kaya talaga sila?


"Archie! Tawagin mo sa sofa si Brenz!" natauhan naman ako sa sinabi ni Erick at tinawag si Brenz sa may sofa.


"Brenz!!!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa sala sa may sofa. Bakit kasi ang laki ng bahay na'to? -,-


"Ano ba?! Nagpapahinga yung tao eh!" sabi niya na nakahiga pa rin sa sofa.


"Mamaya ka na magpahinga. Si Zach hinahanap ka." sabi ko.


"Pake ko dun." sabi niya.


"Inaapoy na ng lagnat si Zach. Ayaw niya pa magpadala sa ospital!" sigaw ko sa kanya.


The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon