TIG?: Chapter 2

93 11 2
                                    

[Zaina's POV]

"Ha?" sabi ko.

"Sabi ko tara na. Pumasok na tayo sa building. Mag CR ka muna. Ito mga gamit oh." sabay bigay ni Richard ng paper bag.

"Opo na po." sagot ko.

++++++++++

Pagkatapos ko suotin lahat ng pinapasuot sakin ni Richard..

"Richard okey lang ba ito?" tanong ko.

"Ayan! Kamukhang-kamukha mo na kuya mo!" sabi niya.

"Pero --"  naputol naman ang sasabihin ko nang pigilan niya ako.

"Wala ng pero-pero. Tara na." sabay hila sa akin.  Habang hila-hila ako sasabihin ko na yung naputol na sasabihin ko dapat kanina lang.

"Richard. Di ako komportable." huminto naman kami sa isang pinto.

"Ngayon ka pa ba aarte? Nandito na tayo eh." sabay bukas niya ng pinto at pumasok na.

Pagkapasok namin. Dalawang lalaki ang nandun na naka-upo.

"Ahh nandito na pala kayo." at sabay rin naman tumayo. "Ako nga pala si Manager Andrew pero kahit Andrew na lang. At ito naman ang taga-edit ng mga kanta nila." sabi ni Manager Andrew.

"Richard. At ito naman si Zai-- este Zach. Ehehehehe." sabay shake hands niya at syempre ako rin.

"Mukha siyang babae." sabi ng editor. Wala na buking na!

"Ano ka ba. Yan ang gusto ng mga babae ngayong yung parang angelic face. Pretty boy." sabi ni Manager Andrew. "By the way. Ito na nga pala yung mga papers na pipirmahan niya.. Nabasa mo na ba ito?" tanong ni Manager Drew.Tumingin naman ako kay Richard at nanlaki ng mata sabay taas ng kilay. Ito na.

'Kalma Zaina. Pipirma ka lang at pagkatapos nito. Tapos na!' sabi ng utak ko habang tinititigan yung papel. Bigla naman umubo ng malakas sa tabi ko si Richard.

" *Cough!* Bilis! *Cough!* Ehem.." sabay hagod sa lalamunan niya. Nataranta naman ako sa kanya kaya napapirma agad ako sa papel.

"Ayan! Dalhin ko muna kayo sa recording studio. Tara. (^___^)" sabi ni Manager Andrew.

++++++++++

Sa studio..

Habang nag-uusap si Manager Andrew at Richard, ako naman pa-ikot-ikot ang paningin.

Nakatingin ako ngayon sa transparent glass. Iniinagine na kumakanta si Kuya. Hays. Namimiss ko na talaga siya.

Nawala naman ako sa pagdadaydream nang may marinig kaming sumisigaw na lalaki.

"Diba nasabi ko na! Di ko na kailangan ng Co-Vocalist! Kaya ko na!" sabi ng lalaki na nanggagaling sa labas ng pinto. Napatingin naman lahat kaming nasa loob sa pinto.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon