TIG?: Chapter 7

47 10 1
                                    

[Brenz'POV]

"Zach! Zach! Gising!" sabi ko. Tinapik tapik ko yung mukha niya. Kinuha ko naman yung trophy na nahulog sa ulo niya.

Di ko naman sinasadya na matamaan siya ng trophy eh. Di ko naman alam na may Trophy pa run.

"ZAAAAAAACH!" sabi ni Richard at lumapit sa amin. Bigla naman gumalaw yung ulo ni Zach. May dugo pala siya sa noo niya (O.o)

"Wala akong ginawang masama." sabi ko.

"WALA?! EH ANO YAN?!"

"Wala nga sa.."

"ANONG GINAWA MO BRENZ? ANO?!" napatayo ako at sasampalin ko sana siya sobrang ingay kaso nagtakip na agad siya ng braso niya sa may ulo niya kaya pinigilan ko ang kamay ko na nasa ere pa.

Dun ko napagtanto na hawak ko pala yung trophy. Napaupo na lang ako at tumabi kay Zach.

Nilapag ko na lang sa tabi yung trophy at kinuha ang phone ko sa bulsa.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya. "Kailangan ko ng Ambulansya ngayon dito sa t-company building, ngayon na." sabay end call ko. Di ko naman talaga kasalan yun eh.

++++++++++

[Richard's POV]

"A-aray.." sabi ni Zaina habang nakahiga sa loob ng ambulansya at ginagamot ang ulo niya.

"Magdahan-dahan ka nga." inis na sabi ko dun sa naggagamot kay Zaina. "At ikaw. Wag ka na rin malikot para madali ka na lang gamutin at makapagpahinga ka dun sa ospital." sabi ko.

"Ha? Baket dun pa?!" sabi ni Zaina.

"Bakit may problema ba?" sabi ko.

"Meron." sabi niya tapos mukhang nag aalinlangan siyang sabihin kung ano yun.

Mga ilan sandali lang ay pinalapit niya ako sa kanya.

"Pag na-confine ako sa ospital.. Malalaman.nila yung gender ko." bulong niya sa akin. Oo nga no. Bakit di ko naisip yun?

"IHINTO NIYO ITO!!!" sabi ko.

"Ha? Bakit po?" tanong ng naggamot kay Zaina habang nakahinto na yung ambulansya.

"Okey na siya. Diba?" sabi ko kay Zaina at Um-oo lang siya. Binaba naman kami agad at dumiretso kami sa park.

Umupo naman kami isa sa mga upuan doon. Kung saan tahimik at wala masyadong tao. "Hintayin mo ko dito ha." sabi ko at pumunta ako sa isang drug store na malapit sa park.

Pagkabalik ko, nandun pa rin siya at nanunuod lang sa mga naglalarong bata sa malayo.

"Oh, Tama na muna yan. Gamutin ko muna yung sugat mo. Konsensya ko pa pag may nangyari sayong di maganda. Hmmmmp!" sabi ko at tinuloy ko yung paggamot dun sa sugat niya at tinakpan na.

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon