[Third Person's POV]
Kasalukuyang malapit na sila matapos ng sayaw ng hindi man lang kasabay si Brenz.
After 5mins..
"Nice! Medyo may sablay pero mapra-practice pa naman yun. Pero infairness improving na si Mr. Zach!" sabi ng choreo at pinalakpakan siya.
"Salamat!" nagbow naman siya at dinumog siya sa sobrang tuwa.
Habang pumapalakpak si Irene sa tuwa ay biglang nagising si Richard at pumalakpak.
"Bravo! Bravo!" sabi ni Richard at napatayo pa. Binatukan na naman siya ni Irene.
"Aray!" sabi ni Richard kay Irene.
"Bravo ka ng bravo! Di mo naman alam nangyari!" pasigaw na sabi ni Irene
"Buti nga pinuri pa. Tsss." bulong ni Richard sa sarili.
"May sinasabi ka dyan?!" sabi naman ni Irene.
"Sabi ko nga tama ka." nasabi na lang ni Richard
Pagkatapos magtalo ni Irene at Richard ay tinignan nila ulit si Zaina.
"Irene.. Yung ano.. Yung pangipit na ginagamit niya. May lawit na oh." sabi ni Richard
"Oo nga. Wait.. Ayusin ko bago pa may makahalata. Dyan ka lang."
--
Habang nagsasayaw pa lang sila Zach ay nasa conference room na si Brenz.
"Bakit mo ba ako pinapunta dito?!" tanong ni Brenz kay Andrew
"Easy ka nga lang, easy nga lang ako eh." sabi naman ni Andrew.
"Wala akong oras makipagbiruan. Kung wala ka namang magandang sasabihin aalis na ako." sabi naman ni Brenz at akmang tatayo na.
"Ito naman. Wag ka muna umalis, ito na nga kasi yung sasabihin ko." sabi ni Andrew at umayos naman na si Brenz ng upo.
"Kaya kita pinapunta dito.. Dahil gusto ko na gumawa ka ng video na okey kayo ni Zach. Kahit magpaliwanag ka lang, kahit wala si Zach." paliwanag ni Andrew.
"What?! No way!" sabi ni Brenz.
"Wala kang magagawa. Ito ang solution sa problema mo." sabi ni Andrew at inilabas niya yung DSLR camera ni Brenz.
"Paano napunta yan sayo?!" pasigaw na sabi ni Brenz.
"Burara ka kasi." sabi ni Andrew.
"What the! Alam mo namang maayos at malinis ako sa sarli at sa mga gamit ko! Tapos sasabihin mo burara ako. Oh come on Andrew, ang skwater ng word mo."sabi ni Brenz

BINABASA MO ANG
The Impostor Guy?
HumorIsang babae na magtra-transform na lang bigla dahil sa kanyang kapatid. Keri mo bang gawin lahat makita mo lang ang pinakamatagal mo nang gustong makita? O may makikilala ka pang iba bukod sa kapatid mo? Pakatutukan yan mga readers. (^_____^ ) -- A...