TIG?: Chapter 16

11 0 0
                                    

[Archie's POV]

Pangalawang balik ko na 'to sa kwarto niya dahil pang-apat na oras na 'to.. Iinom na ng gamot si Zach at kakain.


Hawak ko ngayon ang isang tray na may lamang pagkain at tablet na gamot.


Tinabi ko muna yung tray para gisingin siya.


"Zach?" sabi ko sabay tapik sa braso sa niya.


"Zach.." tawag ko pa ulit. At medyo dumilat na yung isang mata niya.


"Zach kumain ka na para maka-inom ka ng gamot." sabi ko.


"Di pa ako gutom.." sabi niya na parang inaantok pa.


"Eh paano ka gagaling niyan? Di ka kakain, di mo maiinom 'tong gamot mo." sabi ko. At dahan-dahan siyang umupo kaya medyo inalalayan ko siya at sumandal head board ng kama niya.


Nang makaupo na siya ay kinuha ko na yung tray at nilapit sa kanya.


"Masarap ba yan?" tanong niya.


"Oo masarap yan. ^_____^" sabi ko.


"Pag yan hindi masarap hindi ko na itutuloy pagkain diyan." sabi niya. Pansin ko lang nagiging maarte siya. Medyo nakakainis. Tapos naka-poker face pa.


"Masarap nga yan. Luto kaya yan ni Erick kaya kumain ka na please?" sabi ko ng mahinahon


"Ok." maikling sabi niya.


Susubuan ko sana siya para di na siya mahirapan kaso iniwas niya yung ulo niya.


"Ako na." sabay kuha niya sa kutsara't tinidor tsaka plato. "Umupo ka lang dyan sa may sofa." sabi niya. Sinunod ko na lang at naglaro ako ng games sa phone ko. Nakakainis na yung ugali niya pero iniintindi ko na lang kasi may sakit siya.


"Sorry ah." sabi niya. Tumingin ako sa kanya at sa plato niya. Ang bilis naman niya kumain.. Well. Hindi naman ganun karami yung pagkain na nakahain eh.


"Okey lang. ^___^" sabi ko.


"Siguro naiinis ka sa ugali ko. Namimiss ko lang kasi si Mama lalo na ngayong may sakit ako." sabi pa niya.


"Ganyan talaga. Pero sige magkwento ka. Makikinig ako." sabi ko sabay ngiti.


"Tuwing nagkakasakit kasi ako si Mama ko yung nag-aalaga sakin di ko siya tunay na Ina.." putol niyang kwento. Ibigsabihin adopted siya?


"Yung pagkain inihahanda niya sakin kapag may sakit ako ay masarap. Ang galing nga eh. Kahit di niya ako anak naalagaan niya akong mabuti." at hanggang dun lang yung kwento niya


Bakas sa mata ni Zach na namiss na niya yung mama niya kahit di kadugo. Nangingilid tuloy ang mga luha niya pero pinunasan niya rin 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Impostor Guy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon