CHAPTER 3
Makikipagkita na ako kay Jeric bukas. Naitext ko na rin siya. Kakarating ko lang dito sa bahay namin kaninang umaga. Kasama ko si Yohann na umuwi, ‘di nga muna siya matutulpg para naman may kasama pa rin ako. Hindi ko nga yata kakayanin kung mag-isa lang ako. Wala pa nga sina Mommy, ‘di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Sa pinagdadaanan ko ngayon, kailangan ko sile pero natatakot ako sa pwede nilang ireaksyon. Ayoko silang idissappoint, ‘di pwede.
Naihilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko. Gulong gulo pa rin talaga ako. Ni sa mga kaibigan ko nga ‘di pa ako nagpapakita, kapag katapos ko nalang sigurong kausapin si Jeric para kapag gano’n ayos na ang lahat.
“Elle, matulog kana,” napalingon ako kay Yohann na nanggaling pa sa kusina namin. May hawak siyan baso ng gatas, inabot niya ito sa akin. “Pero inumin mo muna ‘to,” nakangiti niyang giit kaya’t kinuha ko na.
“Thanks,”
Sumandal siya sa leather na sofa namin habang nakatingin sa may kisame. Napapabuntong hininga at katahimikan ang bumalot sa amin.
“Elle, naisip ko lang..” nabigla ako nang magsalita siya kaya’t napatingin ako sa kanya. ‘Di pa rin siya sa akin nakatingin sa kisame pa rin.
“Ang alin?” tanong ko matapos kong inumin ang gatas na bigay.
“Ako nalang kaya?” sabay lapat ng mata niya sa akin.
Kumunot ang noo ko. Naguguluhan. Halata naman siguro sa ekspresyon ng mata. “H-ha? ‘Di ko maintidihan Yohann,”
“Sabi ko ako nalang, ako nalang ang aako sa magiging baby mo. ‘Di mo na kailangan pang makipagbalikan kay Jeric, alam ko at alam mo na ‘di mo na siya mahal ‘di ba? Mas magiging madali siguro kung ako nalang,”
“Y-yohann...” wala akong masabi. ‘Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Parang ‘di pa rin pumapasok sa isip ko ‘yong mga salitang binigkas niya.
Hinawakan niya ‘yong kamay ko. “Suhesyon ko lang naman,” tapos ay ngumiti siya.
“P-paano ‘yong fiance' mo? Paano—“
“Edi ikaw nalang,” putol niya sa sinasabi ko. Naibaba ko ‘yong baso sa maliit na glass table na nasa harapan namin.
Napakagat ako ng labi ko at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko kaso ‘di ko mapigilan. May sarili atang utak at patuloy lang ang pagragasa. Kita kong nagpanic siya kaya’t mas lalo niyang hinigpitan ‘yong hawak sa kamay ko.
“Baby bakit ka umiiyak? Sorry na, joke lang ‘yong sinabi ko,” bawi niya pero ‘di pa rin tumigil ‘yong luha ko. Niyakap ko na siya nang mahigpit, naramdaman ko rin ‘yong kamay niya sa likod ko.
“Y-yohann, ang dami mo nang ginawa para sa akin. It’s too much and I can’t even ask for more kasi kapag... kapag humiling pa ako alam ko na masyado na akong abuso. Thank you so much Yohann, and I know my words aren’t enough to show you how thankful and greatful I am to be your friend. You are always there for me pero ‘di ko gusto na sa akin nalang iikot ang mundo mo. OA man ang sinasabi pero may sarili ka kasing buhay e, ‘di mo ako responsibilidad. Atsaka, paano ang career mo? Paano ang mga babae mo?” pagbibiro ko at kahit ‘di ko tignan alam kung napangiti siya. “Gets mo ba ako?”
Humiwalay siya sa akin at tumango. Ginulo niya ang buhok habang nakaplaster pa rin ang ngiti sa kanyang labi.
“Oo maliwanag pa sa buwan na binasted mo ‘yong offer ko,” natawa ako sa sinabi niya kaya’t nakurot ko siya. “Okay okay Elle, ikaw bahala sa kung anong gusto mong mangyari pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako para saiyo, okay?” sabay halik niya sa noo.
NANDITO NA AKO sa kwarto ko. Nakahiga sa kami, ang-iisip na naman. Sa kong iniisip at kailangan isipin ‘di ko na alam kung ano ang uunahin ko. Naalala ko na naman ‘yong usapan namin ni Yohann kanina, ang lalaki talagang ‘yon, oo. Ang swerte ko talaga sa kanya, pero ‘di ko naman maatim na masira ang buhay niya para sa akin.
At isa pa, kailangan ng anak ko ang tunay niyang ama. Kahit ‘di pa ako handa kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanya.
Napabuntong hininga nalang ako at ipipikit na sana ang mata ko nang maramdaman ko na may kumakatok do’n sa verand ang kwarto ko. Napamulagat ako ng mata, kinabahan. Magnanakaw ba ‘yon? Tinignan ko ang digital clock ko na nasa gilid lang. Magmamadaling araw na kaya’t mas lalong umakyat ang takot sa sistema ko.
Sisigaw na sana ako kasi nakakita na ako ng anino do’n sa labas ang kaso bigla niyang binanggit ang pangalan ko. Mahina lang ‘yong impact sa kwarto ko pero alam ko na sumigaw niya.
“Elle! Mag-usap tayo please?”
“Elle...”
“Si Jin ‘to,”
Nanigas ako sa kinahihigaan ko. Para akong tuod na natulala. Si Jin ang nasa labas? Si Jin... Si Jin na mahal ko. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Masaya ako at natuwa ang puso ko na nandito siya. Sobrang miss ko na siya, sobrang sobra.
Taas-baba ang dibdib ko at puma-upo sa kama.
Kahit ngayong gabi... pwede ba akong magpakaselfish? Kahit ngayong gabi lang... Pagkatapos nito, gigising na ako sa panaginip ko. Akala ko kaya ko na siyang ilet go kahit ‘di naman siya naging akin na totoo. Peke lang naman kasi lahat ‘di ba? Pero sana... kahit ngayon lang, kahit sa huling pagkakataon man lang makasama ko ‘yong totoong sinisigaw ng puso ko. Kahit ngayon man lang isipin ko na si Jin ang Mister Right ng buhay ko.
Pagkatapos nitong gabing ‘to, magigising na ako sa realidad. Na hindi talaga pwedeng maging kami. Lalo pa’t magkaka-anak na ako kay Jeric... Pinunasan ko ang luha ko kasabay ng pagkagat ko ng labi ko.
Dahan dahan akong tumayo mula sa kama. Dahan dahan akong naglakad para buksan ang sliding door ng veranda sa kwarto ko. Akala ko pagkabukas ko, ang malamig na simoy ng hangin ang dadampi sa katawan ko pero hindi...
Ang mainit at mahigpit na yakap ni Jin ang sumalubong sa akin.
“I missed you Elle. I missed you so bad fake girlfriend,”
End of Chapter 3
Nalate ang update. Sarreh po. Busy kasi sa holy week at nag-eedit ako ng manuscript ko. Hehe. So far, this is my favorite chapter that I wrote. Di ko alam kung bakit pero kasi. Basta po. Haha. Sana nagustuhan niyo. :))))
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Teen FictionHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)