#10 MY OH-SO-NOT POSER BOYFRIEND

106 8 8
                                    

My Oh-so-not Poser Boyfriend

Once upon a time in a oh so far land. Lol. Ano to fairytale? Hindi ah! Eto na yung totoo. Meron akong boyfriend na oh-so-gwapo, oh-so-hot, oh-so-yummy-with-six-packs-abs and oh-so-makalaglag-panty. Joke lang.  Pero totoo na gwapo ang boyfiend ko. Promise man. Mamatay ka man. Joke lang ulit. YUng boyfriend ko kasi parang model dun sa mga picture nya at napakaHOT ng mga pose nya sa kanyang mga social networking sites.  Kaya nga ang swerte ko dahil ako ang Girlfriend nya. (Flips hair with matching smirk.) Oh, pang bidang kontrabida lang e no. Pero hindi Ruby ang pangalan ko ah.

Kaya lang may problema ako! Malaki, malaking malaki. 6 months na kami ng oh-so-gwapo, oh-so-hot,  oh-so-yummy-with-six-pack-abs and oh-so-makalaglag-panty kung boyfriend pero hindi pa kami nagkikita in person!

Yeah, tama kayo ng iniisip, sa online ko lang nakilala si Zeus. Oh, diba pangalan palang pang Greek God  na. Pano pa kaya yung itsura? 

Speaking of my Honey Zeus. Aeto oh, nagchat na sya. Online kasi ako sa Facebook, Instagram, twitter, wattpad at sa iba iba ko pang accounts.

Zeus : Hi Honey. :-*

Me : Hello Honey. Videochat tayo, pls? :)

Pag-aaya ko sa kanya. Kaya lang as expected! Tumanggi sya.

Zeus : Sorry honey. Next time nalang ah. Wag kang tampo. I love you. :-*

Napasimangot ako sa sagot nya. Kasi naman pagniyayaya ko syang magvideo chat lagi syang tumatanggi. Hindi na nga kami nagkikita sa personal, kahit man lang sana dito diba? Kaya nga lagi akong inaasar ng mga kaibigan ko na, baka daw poser sya kasi kahit daw hibla ng buhok ayaw ipakita ng live! Pero, anong magagawa ko? Kahit hindi sya  oh-so-gwapo, oh-so-hot, oh-so-yummy-with-six-packs-abs and oh-so-makalaglag-panty. Tatanggapin ko pa din sya, mahal ko e.

Me : Lagi nalang. Bakit ba kasi akong mong makita ako? Hindi naman ako mukhang halimaw sa banga e. Maganda ako honey, sabi ni mama.

Zeus : Haha. Honey talaga. Alam kong maganda ka. Pero wag muna ngayon. :)

Me : Bakit ba kasi? Baka naman poser ka nga?! Ayaw mong magpakita e. Tsk!

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naaway ko na sya. Kainis eh.

Zeus : Pano kung totoo? Pano kung poser nga ako. Ano gagawin mo? Iiwan mo na ako?

Kinabahan ako sa tanong nya. Ano bang iniisip nya? Tae.

Me : Ganyan ba kababaw ang tingin mo sakin? Na Itsura mo lang ang habol ko sayo? Kunga ganun ang iniisip ko. Okay fine. Out na ko! 

Pagkatapos nun ay naglog-out na ko. Hindi ko na hinintay yung sagot nya. Kainis sya ah. 7th Monthsary pa man din namin bukas. Tapos ganun? What the Fox say!!

Kinabukasan, tamad na tamad ako. Parang hindi espesyal yung araw na to. Pero kailangan kong pumasok dahil midterm na namin. Ayaw ko naman magkaroon ng tres no. Mahalaga ang pag-aaral sakin. Mabait akong bata e.

Chincek ko yung FB ko. Hindi sya sumagot dun sa huling chat ko sa kanya. Tapos hindi din sya nagtetext kahit tuldok lang wala. Bakit hindi sya nagpaparamdam? Wag mong sabihin guilty sya? Aish. Naiiyak tuloy ako.

Pagkapasok ko ng gate ng school namin. May biglang tumawag sakin.

"Bee Pacheco.." wag kang tumawa. Ganyan talaga ang pangalan ko. Bubuyog. -___- Kaya nga Honey ang tawagan namin ni Zeus e.

Pagtingin ko. Halos lumuwa yung mata ko sa sobrang panlalaki. Totoo ba to? Palapit sakin ang boyfriend kong oh-so-gwapo, oh-so-hot, oh-so-yummy-with-six-packs-abs and oh-so-makalaglag-panty. Oh, namamalikmata lang ako?

"Hi. namumukhaan mo ba ako? Kilala mo ba ako....honey?" And that last word hit me. Honey? Sya nga to? Oh, GOD!

"Anong ginagawa mo dito?" shock na tanong ko. Pero hindi nya ako sinagot. Bagkus ay ngumiti lang sya. Pang close up commercial ang smile ah.

Nilabas nya yung boquet if flowers na nakatago sa likod nya at binigay sakin.

"Surprise honey. Happy monthsary. I love you.." sabi tapos niyakap ako. Is this for real? Am I in heaven??

"Hindi ka poser?" bulong ko habang magkayakap kami. Narinig ko syang natawa.

"Andito na nga ako sa harap mo oh. Niyayakap kana nga. Tapos tatanungin mo ako kung poser ako? Haha. Natatatuwa ka talaga kaya mahal kita eh." abot tenga yung ngiti ko ng marinig ko yun sa oh-so-gwapo, oh-so-hot, oh-so-yummy-with-six-packs-abs and oh-so-makalaglag-panty kong boyfriend.

"Akala ko kasi eh. Ayaw mong magpakita.." sabi ko habang tinititigan yung gwapo nyang mukha. Hindi na kami magkayakap, masyadong PDA eh. He pinched my nose and smile.

"Okay let's put it in this way honey. Im your oh-so-not poser boyfriend.." sabi nya sabay kindat. Naaah! Hindi kaya. You're my  oh-so-gwapo, oh-so-hot, oh-so-yummy-with-six-packs-abs and oh-so-makalaglag-panty na boyfriend. (Sabay kindat sa readers) Syempre hindi ko yun sasabihin sa kanya. kahiya kaya. >/////<

"Ou na. You're my Oh-so-not Poser boyfriend. I love you yummy este Honey.."

The end..

 

One shot stories ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon