CHAPTER 2
Biglang namilog ang mga mata ako, maging si Yohann lumapit saakin ng may pagtataka ang mukha. Natitinginan kami na tila ba nag-uusap ang aming mga mata.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ko habang hindi mapakali. Paano nila nalaman na nandito ako? Bakit ka kasi kailangan pa nilang guluhin ang buhay ko? Hindi ba sila maka-intindi?
Nilapitan ako ni Yohann, hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "I'm sorry baby, nasundan ata ako." kagat labi niyang giit. "Don't worry, don't panic. Okay? I'll take care of him," ngumiti siya na parang inaassured ako kaya't napatango nalang ako.
"Do'n na ako sa kwarto.." giit ko habang dinampot ang mga chocolates na nasa mini table sa harapan ng sofa. "Sa kwarto nalanga ka ako manunuod.." ngumiti ako sa kanya at tinapik ko ang braso niya bago ko siya iniwan do'n sa sala.
Inihagis ko ang katawan ko sa kama at inilatag ang chocolates sa gilid. Bakit nga ba ako nagtatago? Bakita nga ba ako umiiwas sa kanila? Kung napagod ako malamang mapapagod din siguro sila.
Bigla akong napabangon sa kama nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, at the same time naduduwal ako. Patakbo akong pumunta sa banyo at doon sa lababo nagsuka. Taas baba ang aking dibdib sa kaba, ano ba 'tong nangyayari saakin? Palagi nalang akong nasusuka. Palagi nalang sumasama ang pakiramdam ko.
Napalunok ako sa iniisip ko. Hindi pwede.... hindi ako pwedeng buntis ako. Diyos ko, 'wag naman po. Natatakot ako.
"Baby, are you okay?" mabilis akong napalingon nang may biglang humagod ng likod ko. Nakita ko si Yohann na may nag-aalalang ekspresyon. Niyakap ko siya kaagad. Mahigpit.
"Y-yohann..." mahina kong pagsambit sa kanyang pangalan.
"Hm?"
"I think.... I think I'm pregnant," pikit mata kong giit.
PALAKAD lakad ako may sala habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test kit na pinabili ko kay Yohann no'ng isang araw. Hindi na rin muling bumalik pa si Jeric dito sa apartment, hindi ko alam kung anong sinabi ni Yohann sa kanya pero buti nalang talaga napa-alis niya.
Sinulyapan ko ang prenancy test kit. Hindi ako mapakali. Halos tinatambol ang puso ko sa sobrang kaba. Kinakain ako ng takot. Napakagat nalang ako sa kuko.
"Elle, relax..." hinila ni Yohann ang kamay ko kung kaya't napa-upo ako sa tabi niya. "Breathe okay," giit niya.
Hinarap ko siya. "What if positive?" halos bumara sa lalamunan ko ang sinabi ko. "Yohann hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako ng sobra," nanginginig ang boses ko habang sinasabi sa kanya 'yon.
"If postive then be it," aniya habang nakangiti. "It's a blessing, I know hindi kapanipaniwala ang mga sinasabi ko ngayon dahil sa pagiging playboy ang image ko but buhay na ang pinag-uusapan dito Elle, maybe you are not yet ready but you need to be resposible, and you should tell Jeric about it.."
Kinuha na ni Yohann ang pregnancy test kit, pinagmasdan niya itong mabuti. Kahit hindi niya sabihin nararamdaman ko na natatakot din siya para saakin. Tumingin siya bigla saakin kung kaya't nakaramdaman na naman ako ng sobrang kaba.Tila, hinabol ako ng sampung kabayo sa sobrang lakas ng pintig nito.
"It's positive Ellaira," seryosong giit niya. "You are indeed pregnant," Napahawak ako ng mahigpit sa damit ko at tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.
I am pregnant?
Oh, God.... How could I face this?
Bakit saakin pa ito nangyari? Si Jeric na ba talaga ang Mr. Right? But.... but I don't love him. Hindi ko siya mahal. Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng luha ko hanggang sa napahagulgol nalang ako habang yakap yakap ni Yohann.
IMINULAT ko ang mga mata ko, napakabigat ng pakiramdam ko. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa loob na ako ng kwarto ko, igagalaw ko na sana ang kamay ko ng maramdaman kong may mainit na palad na nakahawak dito.
"Jin?" pagtawag ko sa pangalan niya. Buong pagtataka ko siyang tinitignan habang unti unti siyang gumagalaw at tila nagising rin mula sa pagtulog.
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko halos masaktan ako dahil sa higpit. "J-jin..." galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Jin nasasaktan ako..." mahina kong sambit na halos bulong nalang sa pandinig.
"AKO ANG AMA NG BATANG DINADALA MO. AKO! AKO! AKO!" sigaw lang siya ng sigaw at tila nagwawala sa galit.
Napabalikwas ako ng bangon, mabigat ang aking paghinga at pinagpapawisan ng sobra. Panaginip lang pala. Bigla nag-init ang sulok ng aking mga mata. Napahawak nalang ako sa aking tyan.
"Gustuhin ko mang si Jin nalang ang daddy mo dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Ang kaso, hindi. Kahit kailangan hinding hindi siya magiging si Mr. Right. Mas mabuting bumalik na siguro ako para harapin silang lahat, sasabihin ko na sa totong daddy mo ang tungkol saiyo. Makikipagbalikan na ako kay Jeric..."
END OF CHAPTER 2
Sorry po maikli. Hehe~
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Fiksi RemajaHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)