"Justine, balita ko may Gf na ni Luke si Karla?" napatigil ako sa pagkaen ng Ice cream ko ng marinig ko yun kay Jam. Pinilit kong ngumiti.
"Siguro? Hindi ko alam e." sabay tingin sa kanya. Bigla naman akong inakbayan ni Mika.
"Sis, kung gusto mong umiyak. Okay lang.." sabi nya sakin. Nakikita ko ang awa sa mga mata nila. Bakit ba nila ako kinaaawaan? Porkey ba may ibang mahal yung mahal ko?
"Hindi." sabay iwas ko ng tingin. "Okay lang ako. Sanay na din siguro.."
"Hihintayin mo pa ba sya?" biglang tanong ni Mika. Tinignan ko sya sa mata. "Ou. Sabi nya diba?" nangingilid na yung luha ko sa mata.
"Sinabi nya nga pero hindi nya matandaan! Justine, let it go. Wag mo na syang hintayin dahil wala kang mapapala. Nabura na sa ala ala nya yung mga pinangako nya sayo nung mga bata pa kayo. So, stop waiting! Kasi huli na ang lahat para sa inyo. Ang dami dyang gustong magmahal sayo oh. Give yourself a chance. C'mon Jus, wag mo na syang hintayin dahil masasaktan ka lang lalo. " sigaw nya sakin.
Umiling ako. "No. I'll keep waiting. Maghihintay pa din ako sa kanya. Babalik yung mga ala ala nya nung bata pa kami! Nangako sya eh. Hangga't hindi sya ang nagsasabi sakin na huli na ang lahat, hindi ako titigil sa paghihintay.." sigaw ko sa kanila at tumakbo.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na alam ang pupuntahan ko. Napahinto lang ako ng may marinig kong tumawag sa pangalan na iyon.
"Babe, si Justine yun diba? Justine!" tinignan ko sila. They look perfect together. Na-iinsecure na naman ako. Nilapitan nila akong dalawa. Sa paglapit nila unti unting nadudurog yung puso ko. Ang sakit!
"Justine, bakit ka tumatakbo?" tanong sakin ni Karla. Hindi muna ako nakasagot dahil nakatingin lang ako sa kamay nila. Magkahawak.
Napansin siguro ni Karla yun dahil may sinabi pa sya.
"Look, sinagot ko na si Luke. We're officially together." masayang saad nito sakin. Seriously? Bakit kelangan sakin mangyare to? Parang nanghihina yung tuhod ko sa sakit. Hindi ko namalayan naluha nalang pala ako.
"Mae, bakit ka umiiyak? Okay ka lang?" tanong ni Luke sakin. Sa pagbigkas nya palang ng pangalan ko. Nasasaktan na ko, napayuko nalang ako at tuloy tuloy ang mga luha ko. Bakit ganito? Hindi ko mapigilan. Sinubukan nyang hawakan yung braso ko pero iniwaksi ko.
"Don't touch me." malamig kong sambit at tumakbo ulit. Palayo sa kanila.
Tinawag ako ni Karla pero hindi na ako lumingon. Kinalma ko ang sarili ko at pumunta sa isang sekretong lugar. Sira nga siguro ako. Kasi dito sa lugar na to. Dito sya nangako na paglaki namin, kami ang magkakatuluyan. Naiintindihan ko naman na nagkaroon sya ng aksidente at nakalimutan nya yung ala ala nya nung mga bata kami. Pero, kahit naman nakalimutan na ng utak hindi naman pati puso diba? Naghintay ako. Naghintay ako sa kanya. Lahat ng lalaking gustong mag-alaga sakin, tinatangihan ko para sa kanya. Mahal ko yun e. Pero ang sakit sakit na.
Pumikit ako at huminga. Pero ang hindi ko inaasahan ng makita ko sya sa harap ko.
"A-anong ginagawa mo dito? Natatandaan mo tong lugar na to?" tanong ko kasabay ng pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Lumapit sya lalo sakin at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Mae, sorry.." ramdam ko ang sinseredad nya. "Naaalala ko na ang lahat. Sorry talaga.." lalo akong naiyak sa mga sinasabi nya. Naaalala nya na pero nagawa nya pa ding manligaw sa iba. Hindi na ko makapagsalita sa sobrang sakit.
"I was a coward. Hindi ko agad nasabi sayo na naalala ko na ang lahat ng mga pinangako ko sayo nung bata pa tayo. It's just that....people change, feelings fade.." napatakip ako a bibig ko para maiwasan ang paghagulgol.
"Akala ko kasi, kinalimutan mo na yun. Akala ko kasi hindi mo na ko hihintayin. Akala ko kasi baliwala alng sayo yun. Sorry talaga.."
"Maraming namamatay sa maling akala.." mahina pero puno ng emosyon kong sabi.
"Naghintay ako sayo Luke. Akala ko kasi pag-naalala mo, Okay na ang lahat. Pero hindi. Kung pwede lang mamatay sa akala, namatay na ko."
Napayuko sya sa sinabi ko. "Sorry mae."
"Sorry? I love you but It hurts so bad. Naghintay ako sa wala! Sana diba, sinabi mo sakin na wala talaga! Maiintindihan ko naman yun eh! Masakit pero hindi sana ganito kasakit." napahagulgol nalang ako at niyakap nya ko.
"Sorry talaga Mae. I know it's too late to say this pero minahal naman kita e. Mahalaga ka pa din sakin and I'm sorry because of me you're hurt."
Wala na akong nagawa kundi umiyak nalang ng umiyak. Huli na pala para sa amin. Maybe, we're not really meant to be. We're just supposed to be childhood sweethearts. Just that. And it's really too late for me to realized that. Kaya pala sobrang sakit.
- End :)
Hi. Salamat sa pagrequest ah? Kill me now kasi maikli. Haha. Yan lang kinaya ko e. Mental block kasi. Sorry. :) Pero sana nagustuhan mo pa din. :D Thank you ulit. Godbless. ♥
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Teen FictionHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)