Andito ako ngayon sa Hospital. Naghihintay ng resulta dun sa examine ko. I dont know, but I guess Im sick! Palagi nalang kasing sumasakit ang ulo ko kaya I decided to have my check up. Nakaupo lang ako sa labas ng Office ni Doc. ng biglang lumabas yung nurse.
"Miss Pascual, pasok na daw po kayo" sabi nung nurse sa akin. Btw, Im Jonalyn Pascual. Tumayo na ako, huminga ako ng malalim. Kinakabahan kasi ako. Baka kung ano na yung sakit ko. Naglakad na ako papauntang office ni Doc. Dahan dahan kung inikot yung doorKnob. Pagkapasok ko, nakita ko agad si doc nakaupo dun sa upuan nya hawak ang isang brown envelope. He gave me a weak smile and nag-hand signal sya na nagsasabing umupo na ako. Ganun naman yung ginawa ko.
"Miss Pascual, eto na yung Result sa test mo" sabi nya sakin.
Huminga na naman ako ng malalim. "Doc. ano pong sabi dyan sa Resulta?" tanong ko.
"It says here that..." napahinto sya. Kaya lalo akong kinabahan. "You have a brain Tumor.." tuloy neto gamit ang malungkot na tinig. T..teka ano daw?? Brain Tumor?
"Brain tumor? Doc. are you sure about that?? Pano nangyari yun??" nanginginig na yung boses ko.
"Im sorry Jonalyn, but this result is sure. Inulit ko pa nga ito kasi akala ko din mali, pero ganun parin ang resulta.." paliwanag nya sakin.
"Doc. there's a cure right?" tanong ko sa sa kanya. Nangingilid na yung luha ko sa mata.
Huminga sya ng malalim. "Wala na. Masyado ng malala ang tumor mo sa utak. In fact matagal na itong nasa iyo Jonalyn.. Im sorry to say this but... may taning na ang buhay mo.." pagkadinig ko nun, tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Kahit anong pigil ko ayaw parin huminto.
"G..ganu katagal nalang po ang buhay ko??" sabi ko sa kabila ng mga hikbi ko.
"3 months.." mahinang sabi niya. Tumayo na ko
"Thanks Doc. mauna na po ako.." kinuha ko na yung envelope sa table nya..
"Jonalyn, you should tell your family about this. Kailangan mo sila ngayon.." bago ako tuluyang lumabas. I gave him a weak smile. A very weak smile.
Pagkalabas na pagkalabas ko. Bumuhos na naman ang luha ko. Bakit kailangan ako pa?? Naging masama ba ko? Marami pa akong pangarap sa buhay, gusto ko pang mag-kapamilya. Gusto ko pang tumanda kasama si Mark. Bakit po Lord? Bakit ako pa?
Habang naglalakad ako palabas ng hospital may nakasalubong akong pamilyang umiiyak. Kasama nila ang bangkay ng isang babae. Pamilya siguro nila ito. Pag kaya ako nawala, iiyak din ba sila ng ganyan?? Ayoko pa naman silang nakikitang nasasaktan.
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Novela JuvenilHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)