I was walking on the Park when I heard a Christmas song. Yea, 2 weeks from now on, Pasko na. But the hell I care? I don't believe in Christmas anymore! Hindi na ako naniniwala sa Pasko. Punong puno ito ng paghihinagpis at mga masasamang alaala. Umupo muna ako sa isang bench. Lagi ako dito tuwing gusto kung mapag-isa. Well, lagi naman akong mag-isa. I don't have friends. Hindi naman sa walang gustong makipagkaibigan sakin. Ayoko ko lang! Hindi na kasi ako yung dating kilala na nila. It's been 2 years. I know that I've changed a lot after that incident. Pero bakit ba? Kung andito ba sila sa tabi ko, maiintindihan nila ako? Hindi naman eh! Walang nakakaintindi sakin. Kahit mismong ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Nabigla ako ng may bata nalang na nasa harap ko. "Ate, palimos po. Malapit na po ang christmas." nakangiting saad neto sakin habang nakangiti. That smile. It irks me. Inirapan ko lang sya at hindi na pinansin.
Pero sadyang makulit ata ang batang ito. At hinila pa yung laylayan ng damit ko. "Ate sige na po. Nagugutom na po ako. Kahit magkano lang po. Magpapasko naman po kaya, bigyan nyo na po ako." naiirita na ako sa batang ito kaya naman na tinanggal ko yung kamay nya sa damit ko. Hindi ko alam na napalakas pala kaya natumba sya sa sahig. Umiiyak na sya.
"Ano?! Naiirita na ako sayo ha? Tapos ngayon may gana ka pang umiyak?! Asan ba mga magulang mo ha?" sigaw ko pero tanging iyak lang yung ginagawa nya. Napatingin ako sa paligid ko, pinagtitinginan na ako. Pero, ano bang pake ko? Wala!
Kinuha ko yung bag ko atsaka kumuha ng barya sa wallet ko. Itinapon ko yun sa umiiyak na bata. "Ayan! Pwede ba tunigil kana? Yan naman gusto mo diba? Oh, baka gusto mo pa papel? Ano?! Atsaka----" hindi ko na natapos yung pagsigaw ko ng bigla nalang may sumigaw sa pangalan ko na halatang galit.
"MARY!!" pagtingin ko. Sya na naman?!
"What?" iritang tanong ko. Lumapit sya sa amin at tinulungan nyang tumayo yung batang umiiyak.
"Ayos ka lang?" tanong nya sa bata. Tumango lang ito sa kanya. "Eto oh, sayo nalang." binigay nya yung hawak nyang pagkaen. "Pagpasensyahan mo nalang si Ate Mary ha? Mainit lang ang ulo." kinuha nung bata yung pagkaen at nagsmile. "Opo, salamat po Kuya. Merry Christmas"
Hinawakan nya sa ulo yung bata atsaka sya ngumiti. "Merry Christmas din. sige na"
Pagkatapos nun umalis na yung bata. Napa-iling nalang ako. Kahit kelan, pakialamero talaga tong isang to. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo sa lalaking yun pero hindi pa ko nakakalayo ng naramdaman ko nalang na may humila sa braso ko kaya naman napaharap ako sa kanya. Nagkasalubong yung kilay ko. Ano naman kailangan neto?
"What do you need?" napatingin ako sa kamay nyang hawak ang braso ko. "Don't touch me!" cold na saad ko. Binitawan nya naman.
"Mary! Kelan ka ba babalik sa dati?" tanong nya.
Umiling nalang ako. At tumawa ng sarcastic. "Can you get lost?" sambit ko.
Nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata nya. "Mary, I miss you. The old you." mahinang nyang sambit sabay patak ng luha sa mata nya. I can't beleive this guy, he's crying infront of me?! Pero hindi dapat ako magpa-apekto. Hindi!
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Teen FictionHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)