Naglalakad ako sa may park namin ng bigla nalang may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko si kristine pala, ang bestfriend ko.
Tumakbo pa sya palapit sakin. "Samantha! Kanina pa kita tinatawag kaya.." hinihingal na sabi nito sakin.
"Chill!" natatawang sambit ko. "Exhale...inhale ka muna dali!" At ginawa naman ng loka.
"Oh, ayos kana? Bakit mo nga pala ako tinatawag?" tanong ko ng mukhang okay na sya.
Ngumiti naman sya sakin nun. "Wala lang. Hehe.." sagot nya. Napakunot naman ako ng noo. Baliw na ata 'to. Tatawagin ako tapos wala lang?
"Yung totoo, nakahigh ka friend?" biro ko. Sinamaan naman ako ng tingin.
"Samantha naman eh! Hindi ako nagdadrugs no. Loka ka.." nakapout nyang sabi.
"Ou na ou na!" natatawang sambit ko. "Gusto mo sumama?"
Nagtaka naman sya. "Saan naman?"
"Sa puso ko." masiglang saad ko.
Sinamaan na naman ako ng tingin. "Samantha!" sigaw nya sakin. "Ikaw ata tong nakadrugs eh!"
"Hoy! Hindi ah. Nagbibiro lang e." mabilis kong depensa. "Tara na nga. Sama ka nalang.."
"Saan ba tayo kasi pupunta?" tanong nya habang naglalakad kami.
Natawa ako sa tanong nya. "Ewan ko. Hindi ko din alam eh."
"Ay, Gaga. Sa mall nalang tayo?" suhesyon nya.
"Okay tara.."
Pagkadating namin ng mall. Ang daming tao, tapos may mga sumisigaw pa. Ano ba yan. Anong meron ba dito at parang takas sa mental ang mga tao.
"Anong meron?" tanong ko kay Kristine.
Nagkibat balikat naman sya. "Hindi ko alam e."
"Waaaahhh! Ranz!! I love youuuuu.."
"Cav is mine!!"
"Marry me oliver!!"
"Biboy! My subshine!!"
"Owy babe! You're so cute!!"
"Ully!! Ang hot moooo!!"
Yan ang mag nariring naming mga sigaw. Nakakabingi nga e. Sino ba yung mga yun at kung makatili naman tong mga babaeng to parang wala ng bukas.
"Kilala mo yun sinisigawan nila?" tanong ko ulit kay Kristine.
"Ou! Chicser yun friend! Lika, tignan natin!" sabi nya na halatang naeexcite tapos hinila na ako papunta dun sa crowrd. Pero ano daw? Chicken? May libreng chicken dito? Ayos ah. Naexcite din tuloy ako! Favorite ko kaya ang Chicken.
Nung una, nagtataka pa ko parang chicken lang pinagkakaguluhan nila. Siguro, masarap yun. Baka imported.
Nakipagsiksikan pa kami ni Kristine dun sa maraming babae. Yung iba nagalit at ang sama ng tingin samin kasi tong babaeng to. Sumisiksik pa. Nasisiko pa nga kami nung iba e. Ang sakit! Langya, kung hindi lang dahil sa Chicken na yan hindi ako makikipagsiksikan dito kasama si kristine e. Baka paglabas ko dito sa ospital na ang bagsak ko.
Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ni Kristine at napunta kami sa harap. Mismong harap! Nabigla pa nga ako kasi walang nahagilap na chicken ang mata ko! Anubayan!
Tapos bigla nalang may nagsalita. Emcee ata! Tapos sabi nya.. Chicser!! Tapos nagsigawan na naman yung mga tao. Ano yun? Bagong brand ng Chicken? Bakit ang sikat ata nila.
Biglang may music na tumugtog at kasabay nun ang paglabas ng anim na naggwagwapuhang lalaki! Nasa heaven na ba ko? Bakit ang popogi ng mga nilalang na ito!
"Waaah! SAMANTHA! ANG GWAGWAPO NILA!!! MYGOD!!" biglang sigaw ni Kristine sa tabi sabay yugyog pa sakin.
Tinignan ko sila isa isa habang sumasayaw pero sa isa lang napako ang mata ko. Yung pinakamaliit sa kanila na singkit! Ang gwapo nya. Yung ngiti nya nakakabighani! Tapos hindi ko alam kung asumera ako pero nakatingin sya sakin!!! Napahawak nalang ako sa dibdib ko, bakit ang lakas ng tibok? May mini heart attack ata ako! Pero wala naman akong sakit sa puso! Don't tell me NALOVE AT FIRST SIGHT AKO?!!
Pagkauwi ko sa bahay! Yung singkit pa din yung iniisip ko. Ano bang nangyayare sakin? Kanina ko lang nakita yun pero bakit iniisip ko na sya agad? Baliw na ata ako.
"Oy, Samantha.."
"Ay singkit ka!" biglang sigaw ko. Pano pa naman nang-gugulat si Mama. Parang timang. Kitang nagdadaydream yung tao e.
Napakunot ang noo nya. "Singkit? Hindi ako intsik!" sabi naman nya.
"Wala po. Bakit kasi nanggugulat ka dyan ma?" tanong ko sabay kamot ng ulo ko.
"Trip ko lang. Bakit?" Tignan mo tong nanay ko. May pagkaisip bata din talaga. "Joke lang, may bisita kasi tayong darating. Hintayin mo sila dyan sa may labas ah?" sabi nya. Tinignan ko yung relo ko. Mag66pm na pala.
"Sino naman po?" tanong ko.
"Yung best buddy ko nyng college ako atsaka yung anak nyang si Kyle." sagot nya. "Parating na yun. Nagmall show lang kasi yung anak nya na malapit dito satin kaya sabi ko dito nalang sila magdinner.."
"Kyle? Mall show? artista ba yun ma?" tanong ko ulit. Di ko naman kasi kilala.
"Nako, Samantha! Daig pa kita di ka updated! Si Kyle ay isa sa mga myembro ng Chicser yung mga kabataang lalaking magaling sumayaw." paliwanag ni Mama. Bigla na naman lumakas yung tibok ng puso ko nun. Posible kayang......
Ding dong~~~
Bigla nalang may nagdoorbell.
"Oh, baka sila na yan Samantha. Buksan mo yung gate, daliii.." utos ni mama. Huminga ako ng malalim. Tapos naglakad na papunta dun sa may gate namin.
Pagbukas ko. Bumungad sakin yung singkit na, nagpabigay sakin ng mini heart attack. Hindi agad ako nakareact.
"Mommy, sya yung sinasabi ko sayo kanina.." sabi ni Singkit sa mama nya pero hindi ko narinig ng maayos dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Hi, Iha. Ikaw ba si Samantha? Yung anak ni Selena?" tanong nung mommy nya ata. Tumango naman ako bilang sagot.
"P--pasok ho kayo.." sabi ko ng nauutal.
"Sige salamat.. Tara na Ranz.." sabi nung mommy ni singit.
"Sige ma. Mauna kana."
Nauna ng pumasok yung friend ni Mama at ako naman kasama ko tong lalaking to at kaharap ko pa. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Sobrang lakas pa din ng tibok. Parang sasabog na!
"Hi.." bati nya habang nakangiti. Ang gwapo nya pala sa malapitan!
"H--hello.." sagot ko ng mahina. Nabigla nalang ako ng bigla nyang hawakan yung kamay ko at tinapat nya sa dibdib nya. At mas lalo akong nabigla ng ang lakas din ng tibok ng puso nya!!!
"Nararamdaman mo ba yung tibok ng puso ko? Hindi ganyan kalakas yan pagnagpeperform kami sa harap ng maraming tao. Siguro nga ang bilis ng pangyayare, ayaw kong mabigla ka pero kung hindi ko ito sasabihin ngayon baka sumabog nalang 'tong puso ko. You know what Samantha... I am Ranz, I think I love you and It's love at first sight...
** End ♥
Samantha Redada
Ranz Ongsee
Kristine Turingan
~Are now officially signing off. :)
Inulit ko sya kasi hindi sya mabasa. Dunno why. Pero ayun. Pareho lang nung una. Hi Sam thanks for requesting. :)
xoxo~ Vee
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Teen FictionHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)