#7 IT'S TOO LATE

145 9 4
                                    

Kimberly's Pov

"Kimmy tara na, malalate na tayo oh. Tsk!" pagrereklamo ng bestfriend ko sabay hatak sa akin. Andito kasi kami sa 4th floor kung nasaan yung mga 4th year. May crush kasi ako dun si Kuya Harris. Kaya lang ang sungit nun, lagi akong sinusungitan. Pero ayos lang, masaya na ako na makita sya. 

"Waaaaiit. 5 minutes pa please? Darating na yun."  pagmamakaawa ko sa bestfriend ko. 

"Hayy, nako! Bahala ka dyan, sunod ka nalang sa baba mamaya. Okay?" sabi nya atsaka na naglakad pabaBa. Ano ba yan, iwan ba naman ako? Pero okay lang, kung makikita ko naman si Kuya Harris, it's all worth it.

"Excuse me, paharang harang ka sa daan." napalingon ako dun sa nagsalita. OMO! Si Kuya Harris kasama si Kuya Michael. Ngumiti ako ng pagkalapad lapad. Pero si Kuya Harris e, halatang nairita sa ngiti ko. "Goodmorning" sabi ko pa.

"You're weird" cold na sabi nya. Lalo kung nilakihan yung ngiti ko, mukha na siguro akong tanga.

 Tumango tango ako. "I know" sagot ko sa kanya. Napailing nalang sya. Ang gwapo gwapo nya talaga. Yung medyo bilugan nyang mata, perfect eyebrow, mahaba nyang pilik mata, matangos na ilong at mapula pulang labi. Inshort Poging pogi. "Tsk" yun lang yung narinig kong sagot nya asaka na naglakad papuntang classroom nya. Kahit nakatalikod sya, ang gwapo parin. Hayyy. 

 "Ang astig talaga ni Kuya Harris, kaya crush na crush ko sya e." mahinang bulong ko habang patuloy parin pinagmamasdan ang paglalakad nya. Nabigla ako ng may gumulo sa buhok ko. Si Kuya Michael pala.

 "Ang cute mo talaga.. Pagpasensyahan mo nalang ulit si Harris ha? May dalaw ata.." sabi nya at tumawa ng mahina. Atsaka na sya naglakad at sinundan si Kuya Harris. Tinignan ko ung wrist watch ko. OMO! Malalate na ko. Tumakbo na ko pababa, pero yung ngiti ko hindi parin nawawala.

Michael's Pov

Andito na kami sa classroom, wala pa yung teacher namin. Magkatabi kami ni Harris ng upuan. Eto talaga kahit kelan ang sungit kay Kimberly eh, crush lang naman sya nung cute na yun.

 "Tsk. Takbo takbo eh, kung madapa. Childish talaga.." biglang sabi nya. Nakatingin kasi sya sa mya bintana sa may pinto.Kaya napatingin din ako Si kimberly tumatakbo.

 "Ikaw ang sungit mo sa kanya no? Crush ka lang naman nung bata." sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

 "Ikaw na mismo nagsabi, bata sya. 2nd year palang. Alam mo naman na ayaw ko sa childish diba?" sagot nya. Ano naman problema kung childish?

"Ewan ko sayo, bro. Sinerseryoso mo namang masyado e." sagot ko nalang. At tumingin na sa harap.Dumating na kasi yung Teacher namin para sa first subject.

 Third Person's Pov

Araw araw hinihintay ni Kimbery sila Harris sa 4th floor para lang batiin sila ng Good morning. Lagi naman syang sinusungitan ni Harris pero balewala lang sa kanya. Ayos na yun para sa kanya atleast nakakausap nya eto kahit papano. 

One shot stories ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon