"Mary Jane!!!" napatingin ako sa mga kaibigan kong tumatakbo palapit sakin. Nag-uunahan pa. May marathon ba ngayon?
Hinihingal tuloy sila ng makalapit sakin. "Bakit ba naman kasi kayo tumatakbo? Mga sira talaga kayo.." sabi ko ng nakaupo na sila sa tabi ko. Andito kasi kami sa mini Garden school namin. Dito kami tumatambay pagvacant o kaya pagwalang teacher.
"Ehkasimaysasabihinkamisayo!" mabilis na sabi sakin ni Almira. Ano daw?
Tinignan ko naman sya. "Ayusin mo daw ah! Bagalan mo friend." biro ko.
"Ou nga..Hooo! Almira kasi para nakafastforward yang bibig mo ng mga 10x no?" natatawang saad ni Chrishelle na hinihingal pa.
Napapout nalang si almira. Pacute na naman 'tong isang to. "Sorry. Excited lang."
"Ano ba kasi yung sasabihin nyo at talagang nagmarathon pa kayo papunta sakin ah?" tanong ko naman. Nagkatingin silang tatlo.
"Joy, Ikaw na magsabi." utos ni Chriselle kay Joy. Tinignan ko si Joy pero nag-iwas lang sya ng tingin.
"Hayy, nako. Bahala nga kayo pero ako may sasabihin ako.." nakangiting sambit ko sa kanila. Tinignan naman ako nung tatlo.
"Ano naman yun?" tanong nila sakin. Hindi ko mapigilang ngumiti nakakatawa kasi yung facial expression nila e.
"Wala..Joke lang." biro ko kahit naman may sasabihin talaga ako. Nakita kong nag-iba yung facial expression nila kaya naman natawa ko. Binigyan naman nila ako ng masamang tingin. Jusko! Kung nakakamatay lang ang tingin nila, malamng nilibing na ako!
"Ou na sasabihin ko na.." tawa parin ako ng tawa.
"Ano ba kasi yun?" -Almira
"Pasuspense ka pa eh!" - Joy
"Kaya nga Mary Jane, Dali spill it!"
Magsasalita na sana ako ng bigla nalang may dumating.
"Mary Jane.." tawag nya sakin. Nakangiti na naman ako, saktong dating nya ah.
"Jake, lika nga.." Lumapit naman sya sakin.
"Hey Guys, eto yung sasabihin ko sa inyo. Remember Jake? Sinagot ko na sya." masiglang saad ko. "Ibig sabihin, may boyfriend na ko!!" Nakangiti pa din ako hanggang ngayon. Si Jake din ganun.
Pero ang pinagtataka ko lang yung mga mukha nilang tatlo ay parang may mali? Hindi ko lang alam kung ano.
"Teka, wag kayong madaya! Ano na yung sasabihin nyo sakin?" tanong ko.
Nagkatingin na naman silang tatlo at mabilis na tumayo.
"Wala yun. Hehe.." - Joy
"Ou nga Mary Jane. Wag mo ng isipin.." - Chriselle
"Kaya nga. Una na kami, Byee sa inyo Lovebirds!" -Almira
Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang silang tumakbo. Ano bang meron? Weird ata ng mga kaibigan ko ngayon.
"Bakit sila tumakbo?" tanong bigla sakin ni Jake habang tinitignan namin yung palayong tatlo. Nagkibat balikat nalang ako.
"Hindi ko alam sa mga yun." Natawa naman sya.
"Tara, lunch na tayo." aya nya sakin. Napangiti naman ako dun.
"Sige, gutom na din ako e."
Junior High palana ako, samantalang si Jake naman ay Senior na. He's sweet. Atsaka ramdam kong mahal nya talaga ako.
"Babe, I love you so much.." napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa sya.
"I love you.." sagot ko.
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Teen FictionHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)