Short description
Pano ka mabubuhay kung bigla ka nalang nyang iwan? Pano ka hihinga kung ang taong nagsislbing hangin mo ay iwanan ka? Masakit para kay Mikaela na iwanan si Michael, pero kailangan. Hindi nya alam kung pano ipapa-intindi sa kanya ang sitwasyon nila. Pero kailangan ng hindi sya lalong masaktan. Ngunit, sadyang mapagbiro ang tadhana dahil ang mismong mang-iiwanan sana, ay ang syang naiwan. Makakaya nya pa kayang mabuhay? Can she breath with no Air?
---
No air
"Please Mikaela, don't leave me! I'm begging you.." napapikit ako habang inaalala ang mga katagang 'yan. Yan ang mga paki-usap nya sakin. Yan ang mga salitang ginamit nya habang nag-mamakaawa saking wag ko syang iwan.
Yung mga luhang tuloy tuloy ang daloy sa mga magaganda nyang mata. Yung tawa nyang napalitan ng lungkot at pighati. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko ipapaintindi sa kanya na kailangan ko syang iwan. Hindi ko alam kung pano ko, magagamot yung sugat na ibinigay ko sa kanya.
Ramdam kong mahal nya 'ko at ganun din naman ako sa kanya. Pero, hindi ko kayang tumagal pa sa relasyon namin na alam kong mas higit syang masasaktan. Mas gugustuhin ko nalang na lumayo na ka-agad bago ko pa tuluyang mawarak ang puso nya.
Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ako makahinga. Alam kong ganun din sya pero sakin literal. Mahal na mahal kita Michael, ayoko kitang iwan pero hindi ko kayang maging makasarili para lang makasama ka na alam ko sa sarili 'ko na iiwan din naman kita sa kalaunan.
"Iha, are you ready?" napatingin ako ng magsalita si Mama. Tinignan 'ko ang mata nya, nakikita ko dun ang awa at lungkot. Pinilit kong wag umiyak ngunit hindi ko kayang kalaban ang traydor kong luha.
"Handa na po ako Ma, handang handa na akong mamatay." kasabay ng pagbigkas ko sa mga salitang 'yun ang pagtulo ng luha sa mga mata 'ko. Hindi na ako nag-atubili pang punasan, dahil hindi din naman natatapos.
Walang katapusan ang luha 'ko kahit na may katapusan na ang buhay 'ko. Oo, kaya 'ko iniwan si Michael dahil, mamamatay ako. May taning na ang buhay 'ko. Masyado ng cliche' ang ganitong drama 'ko. Marami na akong nabasa at napanuod na ganitong klaseng eksena. Dati nga, naiinis ako sa mga taong iniiwan yung mga mahal nila dahil may sakit o anong mabigat na dahilan. Pero, ngayon ko lang narealize na hindi ka dapat magsalita ng patapos o kaya hindi ka dapat humusga ka-agad. Kasi, hindi ikaw yung nasa posisyon nila. Hindi ikaw 'yung nahihirapan. Magaling lang naman tayong magsalita eh. Pero kapag tayo na o kaya kailangan na nga aksyon, hindi naman nagagawa kung wala ka talagang lakas ng loob.
Naramdaman 'ko ang kamay ni mama sa kamay ko. Mainit ang kamay nya na kahit papaano ay nakakapagbigay ng kapayapaan sakin.
"Anak, do you want me to call Michael? Sabihin muna sa kanya ang kalagayan mo. Maiintindihan naman nya yun panigurado. Mahal ka nun e. Ilang taon ka nyang niligawan, ilang taon na din kayo. Kaya siguro, may karapatan din syang malaman."
Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi nya. "Ma, hindi ko kaya." tuluyan ng nabasag na ang boses 'ko. "Baka hindi ko kayanin na maiwan sya dito kung aalis na 'ko. Hindi ko kayang makita syang nasasaktan ng dahil sakin, ng dahil sa pagkawala 'ko." lalong hinigpitan ni mama yung hawak nya sa kamay 'ko. "Ma, alam mo na mahal na mahal 'ko si Michael. Sakin nya itinuon yung buhay nya. Nakakaloko man pakinggan pero, ako yung hangin nya. Ako yung buhay nya. Ako ma, ako! Kaya lang hindi ko kayang makitang maglaho lahat nun. Alam ko sa sarili 'ko mahahanap pa din sya ng
mas higit sakin and he deserved it."
Nakita ko ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni mama. Yumuko sya upang punasan yun pero hindi ata maubos ubos. Ganito nalang ba lagi? Ako ang dahilan ng kalungkutan nila simula ng magkasakit ako? Alam ko kung pano ngumiti pero, sa mga oras na 'to. Parang hindi ko na kaya.
BINABASA MO ANG
One shot stories ♥
Fiksi RemajaHOPELESSLONER'S ONE SHOT STORIES COMPILATION. ENJOY READING! :)