GENE'S POV"Mahiga ka lang dyan." Masama ang tingin sa akin ni Boss Aizen sa hindi ko malamang dahilan. Sinunod ko nalang ang gusto nya kahit mainit na ang likod ko kakahiga. Hindi kasi ako makakilos ng maayos dahil madaming nakakabit maliban sa swero at oxygen. May machine din sa tabi ko na nag bebeep.
Nagising ako na nasa ospital. Si Boss Aizen agad ang nakita ko dahil nakaupo sya sa gilid ng higaan ko at seryosong nakatingin sa akin. At ayaw nya ako pakilosin. Kulang nalang itali nya ako sa kama para hindi ako maglikot. Gusto ko sana magtanong kung anong nangyari pero pakiramdam ko, pati pagsasalita ay pagbabawalan ako.
"Are you aware na may sakit ka sa puso?" Seryosong tanong sa akin boss Aizen. Nakakunot ang kanyang nuo at kulang nalang magdugtong ang makakapal nyang mga kilay.
"Opo." Sagot ko.
"Tapos ganun ang tirahan mo?"
"Yun lang kaya ng pera ko." Umiwas ako ng tingin. Biglang bumilis ang beep ng machine sa tabi ko kaya nagulat ako.
"Kumalma ka. Hindi kita kakainin ng buhay."
Napalabi ako at pilit na pinakalma ang sarili ko. Natatakot ako dahil pataas ng pataas ng boses ni boss Aizen. Natatakot din ako na baka alisin nya ako sa trabaho dahil sa sakit ko.
May sakit ako sa puso. Coronary artery diseases. Hindi normal ang heart beat ko. Dati nakakainom pa ako ng gamot ko, pero simula ng magtrabaho ako dahil nagkasakit sila mama at papa, hindi na ako nakakainom ng gamot dahil mas inuuna ko sila. Hindi ko na alam kung ano na ang status ng puso ko, alam ko lang mas malala na ito. Palagi akong nahihirapan huminga at nitong mga nakaraang buwan pakiramdam ko ay namamatay ako pag gabi. Kahit kasi hindi ako pagod, yung tulog ko kakaiba.
"May trabaho ka pero hindi mo magawang asikasuhin ang sarili mo."
"May binubuhay ako na pamilya." Halos pabulong ko na sagot.
"Yung pamilya mo binubuhay mo pero yung sarili mo pinapatay mo."
Hindi nalang ako sumagot. Kaya ko pa naman kasi. Kung hindi naman nya ako tinakot kanina hindi ako magkakaganito.
"Wag ka muna papasok bukas. Sa bahay ka na umuwi. Pinahakot na ni papa Ivo gamit mo."
Napatingin ako kay boss Aizen. Sinalubong ko ang kanyang tingin. Gusto ko magtanong pero nag aalangan ako.
"Don't worry. I'm fine about it. Hindi suitable sayo ang tirahan mo. Madami naman kwarto sa bahay."
"Salamat po."
"But it doesn't mean nagtitiwala na ako sayo. Hindi lang kaya ng konsensya ko na pwede naman kitang matulungan sa lagay mo pero hindi ko magawa."
Tumango nalang ako. Gaano kaya kalaki ang trust issue ng amo ko na 'to? At ano ang pinagmulan?
"Also, sasagutin ko ang gamot at operasyon mo. Kaya ayusin mo yang sarili mo. I will not demand anything from you dahil may secretarya naman sa opisina. Just let me know kung may nararamdaman kang kakaiba."
"Operasyon po?" Gulat na tanong ko. Ganun na ba kalala ang sakit ko?
"Oo. Yun ang sabi ng doktor. You need a heart transplant as soon as possible."
"Wala na bang ibang paraan?"
"Meron pero mas mainam na maoperahan ka. Kaya habang wala pang nakukuhang donor, alagaan mo sarili mo. We can only provide you medicine and comfortable shelter, pero kung hindi mo aalagaan ang sarili mo, wala din silbi ang tulong namin. Taking good care of all your family needs is good pero alagaan mo din ang sarili mo. Dahil sa oras na hindi mo na kaya, pare-parehas kayong mahihirapan."
YOU ARE READING
Saranghaeyo My CEO
RomanceLake Aizen Sinclair Morgan and Gene Alcaraz Story A CEO who is cold as ice, quite as mute and a maintenance staff turned into PA love story. DATE STARTED: DEC. 5,2021 DATE FINISHED: FEB. 20, 2022