Chapter 13

1.4K 119 15
                                    

GENE POV

"Saan ka galing?" Seryosong tanong ni boss Aizen pagkapasok ko ng bahay.

"Bumili ng almusal at pang tanghalian natin." Sagot ko sabay taas ng plastik bag na dala ko.


Kakauwi ko lang. Namili kasi ako ng maluluto na pagkain dahil wala pa kami stock. Si boss Aizen kasi may jetlag pa. Nahihilo pa daw sya dahil sa haba ng biyahe namin. Ayaw pa nya lumabas. Eh kaso wala na kami pagkain kaya bumili na ako. Buti may tindahan na bukas 24/7 kaya kahit papaano may nabilihan ako kahit sobrang aga pa.

"Sa susunod, mang gising ka. Hindi yung basta ka nalang lumabas." Kinuha nya ang dala ko na plastic at pinasok iyon sa loob. Ang aga nya magsungit.

"May iniwan ako na note sa may ref po." Nakalabi ko na sagot.

"Wala ako nakita." Aniya.

Nagtaka naman ako kaya patakbo akon pumunta ng kusina.

"Don't run, Gene." Malakas na sabi ni boss Aizen.


"Ito po yung note na iniwan ko." Kinuha ko yung papel na nakadikit na sa pinto ng ref at pinakita iyon sa amo ko.

Isang mahinang pitik sa noo ang natanggap ko. Napanguso nalang ako ng kinuha nya sa akin yung note at binasa.

"Sa susunod kumatok ka sa kwarto ko pag lalabas ka." Binulsa nya yung note na iniwan ko at tinignan yung binili ko na pagkain.

"Nakakatakot ka kasi gisingin." Sagot ko pero pabulong lang.

"May sinasabi ka?"

Mabilis akong umiling bilang sagot. Kinuha ko yung hotdog at itlog na nabili ko at nagtungo sa may lababo.

Tatlong araw na kami dito sa California at tatlong araw na din kami na kung hindi hotdog, itlog ay spam ang ulam. Nakakasawa na pero wala naman ako magawa dahil hindi naman ako makalayo. Natatakot ako baka kasi mawala ako. Tsaka yung pera na pinapambili ko ay yung pera na binigay ni sir Ivo sa akin bago kami umalis. Buti nga medyo mura ang halaga ng tinda dito. Hindi nakakatakot na baka hindi magka asya yung pera. Hindi kasi ako makahingi ng pera kay boss Aizen. Nahihiya ako.

Maliit ang bahay na tinitirahan namin ngayon ni boss Aizen. Kung ikokompara ito sa mansyon nila, masyadong maliit. Pero mas okay ang ganito para sa akin. Tsaka dadalawa lang naman kami.


Wala din katulong dito kaya ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Pabor yun sa akin kasi hindi ako sanay na walang ginagawa. Tsaka hindi naman nakakapagod maglinis dahil may vacuum naman. Yung likod at harap naman ng bahay ay hindi naman madumi. Tingin ko ay weekly ko lang sya lilinisan. Kung sa pagluluto naman, ayos lang. Kompleto naman sa gamit, wala lang talaga laman yung ref.


Yung paglalaba lang ang iniisip ko. Ako kasi kaya ko maglaba, pero itong amo ko hindi ko alam. May nakita naman ako na labahan malapit sa binibilihan ko pero hindi ko alam kung papayag ng ganun si boss Aizen. Pwede ko naman labahan ang mga damit nya, may washing din naman. Baka lang kasi maarte itong amo ko.



"Pupunta tayo ng hospital mamaya. I already set an appointment."

"Okay po." Sagot ko. Hindi ko na sya nilingon dahil kailangan ko hanguin yung hotdog.


"Let's do some grocery also para hindi ka na lumalabas."


"Noted." Nilingon ko ang amo ko tsaka ako ngumiti. Buti naman. Ang hirap kaya makipag usap sa mga kano.

Tahimik kami nag almusal. Hindi na ako nagkanin dahil nananawa na talaga ako sa ulam namin. Nagtinapay nalang ako tsaka ko sinawsaw sa milo ko. Si boss Aizen naman hindi rin nagkanin. Pinalaman nya nalang yung hotdog at itlog sa tinapay. Siguro nananawa na din. Araw-araw ba naman ganun ang ulam namin eh. Para maiba naman sa tinapay nya inulam.



Saranghaeyo My CEOWhere stories live. Discover now