Chapter 3

1.9K 133 33
                                    


GENE POV

Panay lang ang tango ko sa bawat sabihin ni sir Ivo, at bawat lagay nya ng damit sa cart na tinutulak ng tauhan niya ay tinitignan ko lang. Tingin lang dahil kanina, ng tignan ko ang presyo nito ay nalula ako. Isang damit, katumbas ng isang buwang sahod ko.


Nasa mall kami at namimili ng damit. Matapos ng kwentuhan namin sa opisina tungkolsa mga kdrama na pinanuod ko ay inaya ako ni sir Ivo sa mall. Ngayon daw kasi na personal assistant na ako ng kanyang anak, hindi na dapat daw ako naka janitor uniform. Dapat din daw ay presentable ang damit ko at ibibili nya daw ako. Umayaw ako nang una, pero sabi ni sir Ivo, he will not accept no as an answer. Hindi rin daw nya iaawas sa sahod ko ang mga bibilhin nyang damit. Ending, no choice ako. Sya na din ang nagpaalam kay Boss Oppa na isasama nya ako sa mall at pumayag naman ang amo ko.




Anyway, baka nagtataka kayo na sa halip na Boss Aizen o kaya ay sir Aizen ang itawag ko sa amo ko ay Boss Oppa ang tawag ko. Napakagwapo kaya nya, sobra. Para syang oppa sa mga kdrama. Makisig, matangkad, gwapo, not to mention CEO. Mapapa potahamnida ka talaga sa kagwapuhan nya. Pero syempre tatawagain ko pa sin syang Boss Aizen verbally. Baka mapagalitan ako kung Boss Oppa itatawag ko sa kanya.




"Ano pa ba?" Wika ni sir Ivo habang inisa-isa ang mga nakasabit na damit.






"Ang dami na po ni sir, tama napo ito. Naglalaba naman po ako eh." Seryoso, apaka dami na. Yung mga rack na dinaanan namin halos wala ng laman.






"No. Madami ka pang kulang. Tshirt palang yan ay at susuotin mo yan pambahay. Wala pa yung mga pang pasok mo."






"Po? Pambahay po?" Seryoso? 6k na halaga ng tshirt pampabahay lang? Eh yun nga singkwenta pesos sa bangketa ginagawa ko na panlakad eh lalo na pag maganda ang tela.




"Why? Low quality lang mga yan. Pambahay lang yang mga yan."




Shityo! 6K low quality, pambahay. Parang gusto ko mahimatay.




"Wala na akong gusto. Let's pay first tapos lipat tayo ng store. You still need shoes, polo, and pants."Ani sir Ivo tapos ay dumiretso na ito sa counter.




Tahimik lang ako nakatingin habang pinapunch ng casher ang mga pinamili ni sir Ivo. Pakatapos ay binigay ni sir Ivo black card ay sinabihan nya ang cashier na ipadeliver ito sa bahay nila.






Teka? Bakit bahay nila?






"Sa bahay ka namin titira kaya doon na idederetso ang mga pinamili." Ani sir Ivo ng lingunin nya ako.


"Po? Bakit po?"




"Syempre, PA ka ng anak ko, kailangan lagi ka nyang kasama. Tsaka, kailangan namin ng kasama sa kdrama marathon namin ni mommy. Dad don't want to watch with us dahil naiirita lang sya pag kinikilig si mommy sa mga bida. Same with my husband. Ewan ko ba sa mga iyon, kala mo naman iiwan namin sila. So, you will stay with us. Don't worry, pag inutusan ka ni Aizen sa bahay, may dagdag sahod ka sa akin."




"O..okay po." Napakamot-batok nalang ako. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o hindi eh. Yung rason kasi ni sir Ivo.




Muli kaming pumasok sa isang store na ang tinda ay puro mga polo. Tinawag nya ang isang staff at pinakuhaan ako ng sukat para sa polo at pantalon. Agad naman kumilos ang yung babae. Natataranta pa nga ito. Maging ang ibang staff na nasa loob ang naging alerto.




"Give me everything here na kasukat nya." utos ni sir Ivo na kinalaglag ng aking panga.




Everything. Lahat. Ang dami ng naka display.




Saranghaeyo My CEOWhere stories live. Discover now