Chapter 30

1.3K 119 42
                                    

GENE'S POV

Yung gusto mo magtopak, gusto ko mangulit ng cravings ko pero hindi ko magawa dahil nagkakagulo ang mansyon.


Hindi ko din alam kung sino ang uunahin kong aluhin. Si lolo Myth ba, si papa Ivo, yung asawa ko o si Ace na halos hindi namin makausap mula kanina. Panay lang ang iyak nito at ayaw umalis sa tabi ni lolo Tael. Panay ang sabi nito ng sorry at halik sa pisngi ng wala ng buhay na lolo nya.



Natagpuan namin o mas tamang sabihing nakita ko na wala ng buhay si lolo Tael sa tabi ng pool sa likod ng bahay. Basang-basa ito, parehas sila ni Ace na nung oras na iyon ay tahimik na umiiyak lang sa tabi ng tabi ng kanyang lolo.


Nang mga oras na yun, hindi ko alam kung sino ang tatawagin ko. Kung kaninong pangalan ang unan kong tatawagin. Ang nagawa ko lang ay isigaw ang pangalan ni lolo Tael at takbuhin ang dalawa. Nawala sa isip ko buntis ako. Nawala sa isip ko na may tatlong bata pala sa loob ko. Nakalimutan ko din na may sakit pala ako sa puso. Sobrang pagkataranta ko, nakalimutan ko na ang mga bagay-bagay.


Nagkagulo na. Hinimatay si lolo Myth ng sabihin ni Aizen na patay na ang kanyang asawa. Lalong nagkagulo. Kinabahan kami na baka pati si lolo Myth ay mawala sa amin. Matanda na din naman ito, kaya nakakatakot talaga.


Tinakpan muna ni Aizen ang labi ni lolo Tael sa gilid ng pool. Ako naman ay inasikaso si Ace. Dinala ko sya sa taas, niliguan at binihisan. Sinubukan ko syang tanungin kong anong nangyari pero ayaw nya magsabi. Natatakot sya na baka daw mapaano ako. Sa salita palang ni Ace may hinala na ako. Hinalang ayaw ko paniwalaan. Hinalang pilit na inaayawan ng pagkatao ko, pero pinipilit ng isip ko. Pero kasi minsan na nyang nagawa. Ang iniisip ko lang, paano nya iyon nagawa.


Pakatapos ko linisan si Ace ay binaba ko ito at pinakain. Sa kusina ko nalang sya pinakain kasi mas gusto nya doon tsaka may gusto na din akong malaman. Bagay na maaring hindi ko alam dahil tulog na ako kagabi.



Nang magising si lolo Myth, pina autopsy nya si lolo Tael. Hindi naman daw kasi mahilig sa pool si lolo Tael. Pumupunta lang ito sa likod pag trip nitong doon kumain o tumambay pero hindi ito naliligo lalo na at wala si lolo Myth sa paligid. Tsaka masyado daw maaga para doon din tumambay si lolo Tael kasama si Ace. Si Ace naman kasi pagkagising ay didiretso sa kusina para mangulit ng pagkain tapos ay didiretso sa sala para manuod ng tv pagkatapos.


Ako naman ay aligaga. Hindi ko talaga makausap ng maayos si Ace. Panay lang ang iling nito tapos iiyak na naman at magsasabi ni sorry. Alam ko may alam sya at natatakot lang magsabi.


Nang lumabas ang autopsy, nagwala si Aizen. Si lolo Myth ay halata ang pagsisi, habang si papa Ivo naman ay pinigilan ni papa Slater. Kinulong nga nya itonsa kwarto dahil galit na galit ito.


Pinatay si lolo Tael. Hindi matukoy kung paano ba ito pinatay. Kung sinakal ba muna bago nilagay sa pool para palabasing aksidente ang  naganap o kung sinakal ito habang nasa ilalim ng tubig.

At isang tao lang talaga ang pinaghihinalaan ko. Siguro, kami lahat ay sya ang pinaghihinalaan. Nataon naman kasi na walang kuha ng cctv sa likod dahil nasira ito.



Pinahid ko ang aking luha. Tumayo ako at nilapitan si Ace. Kinuha ko sya at nilayo sa kabaong ni lolo Tael. Hindi ako makatingin ng maayos kay lolo Myth na tulad ni Ace ay nasa tabi din ng kabaong ni lolo Tael, umiiyak habang hawak ang matigas ng kamay ng kanyang asawa. Naka bukas kasi ang kabaong nito. Hindi pa pinapasara ni lolo Myth. Ayaw nya. Kahit anong pilit ni papa Ivo na ipasara ang salamin ng kabaong ni lolo Tael at hindi pumayag si lolo Myth. Hindi daw nya bibitawan ang kamay ni lolo Tael kasi baka daw natatakot ito sa mga oras na ito. Gusto nya daw malaman ni lolo Tael na kahit sa huli, hindi nya ito pababayaan na maglakbay mag isa. Nag aalala nga ako eh baka mapaano sya. Halatang sobrang lungkot sa mukha nya. Panay ang bulong nya ng I LOVE YOU BABY KO. WAG KA MATATAKOT, SUSUNOD DUN AGAD AKO.


Dinala ko sa kwarto nya si Ace para bihisan. Mamaya lang kasi ay ioopen na sa public ang mansyon para sa mga gustong makita si lolo Tael. Sa totoo lang, madami ng tao sa labas ng mansyon. Hindi lang muna nila binubuksan ang gate dahil ayaw pa ni lolo Myth. Sila daw muna. Sya daw muna. Hindi ko alam mung anong oras nila bubuksan ang gate, o kung bubuksan ba talaga nila ito ngayong araw. Pinalagyan ko nalang muna ng tent sa labas ng bahay para sa mga taong andon. Nagpahanda na din ako ng pagkain. Nagdesisyon na ako mag-isa dahil wala ako mapagtanungan sa kanila. Puro sila tulala.





"Baby, can you tell mommy In-in a secret?" Malambing na wika ko kay Ace habang pinupunasan ko sya. May sinat kasi sya kaya hindi ko na pinaliguan. Mamaya papatawag ko ang doctor nya kung tumaas ang kanyang lagnat.



"No." Madiin nitong sagot.


"Why?"

Yumuko lang sya at hindi sumagot.


"Is mommy Beverly kill lolo Tael just like what he did to papa daddy?"


Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Ace sa braso ko. Hindi man sya sumagot, sapat nang kumpirmasyon sa akin na ang ina nya ang may kagagawan.


Bumangon ang galit sa buong pagkatao ko. Kasabay nun ang pagsakit ng aking dibdib. Pinilit ko pakalamhin ang aking sarili. Hindi ito ang tamang oras para sumabay ang sakit ko.


Ilang beses kong minura si ate sa utak ko habang binibihisan ko si Ace. Ilang beses nya ba balak ipasaksi sa anak nya na kaya nyang pumatay? Yung sa asawa nya, aksidenteng nakita lang iyon ni Ace, pero itong kay lolo Tael, sa tingin ko ay sinadya na nya. Hindi natatakot ng ganito si Ace kung aksidente nya lang ding nakita ang pagpatay ng mommy nya sa kanyang lolo.

"Kuha lang ako ng pagkain mo ha. Kain ka muna bago ka baba may lolo Tael." Wika ko kay Ace. Hinalikan ko muna sya sa pisngi.

Patayo na ako ng hitakin ni Ace ang dulo ng damit ko. Nilingon ko lang sya pero wala akong sinabi. Bumaba sya sa kama at may kinuha sa drawer ng kanyang night table tsaka iyon inabot sa akin. Tinignan ko iyon. Ito yung waterproof camera na binili sa kanya ni lolo Tael. Binili nya ito para kay Ace para daw pag gusto nito maligo sa dagat o kaya ay kumuha ng picture sa ilalim ng tubig ay may magagamit ito. Mahilig din kasi si Ace kumuha ng mga pic. Gustong-gusto iyon ni Ace. Hindi nya ito inaalis sa katawan nya. Binilhan tuloy sya ni papa Ivo ng sabitan para maging kwentas ang camera.


Tinignan ko si Ace pero nasa kama na nya ito at nakahigang patalikod sa akin. Hindi ko alam paano ito gamitin.

Bumaba ako at lumapit kay Aizen. Kinakabahan ako na lapitan sya dahil galit na galit sya. Natatakot ako na baka pati sa akin ay magalit sya. Pilit kung nilalakasan ang aking loob na lapitan sya pero nauuhan ako ng takot. Sumisikip din yung dibdib ko dahil sa takot. Kaya sa halip na pilitin ko na lapitan sya, nagdisesyon ako na si Bogart nalang ang lapitan.



"Sir Gene?" Tawag sa akin ni Bogart na nakatayo lang sa tabi ko habang pinapanuod ko ang video na nakuha ni Ace kaninang madaling araw. Video kung paano pinatay ni Beverly si lolo Tael habang tumatawa itong parang baliw.



"Aalis ako. Makikipagkita ako sa pinsan ko." Seryoso ko na sagot.



"Pero delikado po."



"Kaya ko." Desidido ko na sabi sabay tayo. Dumiretso ako sa garahe kung saan nakaparada ang mga sasakyan. Tinext ko si ate Bevs para makipagkita na din sa kanya. Kailangan nya malaman pinag gagawa ng kapatid nya. Baka ito na din ang huling araw ng kakambal nya sa mundong ito, at least magkita man lang sila.


Ako ang makikipagkita sa pinsan ko. Sa ganitong paraan man lang, makabawi ako kila Aizen. Kung kailangan kong patayi si Beverly, gagawin ko.


Hinawakan ko ang umbok ng aking tyan at ang aking dibdib.

Makisama sana kayo kahit ngayon lang.

Saranghaeyo My CEOWhere stories live. Discover now