GENE'S POV
"WAAAAAAH! ACE AWI AWI! DADDY!"
Mabilis ako napabalikwas ng bangon dahil sa sigaw na yun ni Ace. Baba na sana ako ng kama ng kakaramdam ako ng hilo.
"Sorry baby. You're so cute kasi."
Napakunot-noo ako. Si sir Ivo ba yun?
"Papa naman." Boses ni boss Aizen.
Pinilit ko bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Kung andito si sir Ivo, nakakahiya gising na anak at apo nya pero ako ay tulog pa din.
"Yoyo bad. Awi Ace."
"Sorry na baby. You're so cute. I can't stop myself pinching you."
"Okay. Yoyo said I'm cute. Ace fine of it."
"Good morning po." Sabat ko sa usapan nila. Andito nga si sir Ivo at si sir Slater.
"Good afternoon In-in." Tumakbo papalapit sa akin si Ace at yumakap sa binti ko.
"Hi Ace." Alanganin ko na sabi. Hapon na ba? Nakakahiya talaga kung ganun. Sana pala hindi nalang ako matulog ulit kanina.
"Ayos ka na?" Napapitlag ako ng ilagay ni bodd Aizen ang kamay nya sa noo ko.
"Okay na po ako." Pagsisinungaling ko. Medyo nahihilo pa ako sa ngayon.
"You're not. Medyo mainit ka pa din." Ani boss Aizen.
"In-in sick? Because of Ace?" Mabilis akong umuklo sa harapan ni Ace para magpantay kami.
"No Ace. In-in is not sick because of you." Ngumiti ako sa kanya at ginulo ko ang buhok nya.
"Tyur (sure)?"
"Tyur."
"Okay. No pank pank for Ace." Ngumiti sya sa akin pero yung ngiti nya ay alanganin. Parang natatakot na hindi ko alam.
"Ace did mommy pank pank you if she is sick?" Takang tanong ko.
"Mm." Mabilis na tumango si Ace. "Mommy pank pank Ace and said my fault."
"Kaya may mga pasa ka sa bum-bum mo?" Muling tanong ko.
"What is pasa and bum-bum?"
"In-in is asking of your bruises in your butt Ace." Si boss Aizen ang sumagot.
"Yes daddy. Mommy always pank pank Ace on bum bum if she is sick."
Napapikit ako. Mas lalo ko naramdaman ang hilo sa sinabi ni Ace. Kaya pala may mga pasa sya sa pwet. Papawala na din naman iyon pero kita ko pa din kagabi ng liguan ko sya.
"Gago talaga yung babae na yun." Lumapit sa amin si sir Ivo at sir Slater. Binuhat ni sir Slater si Ace. Ako naman ay marahang tumayo. Para akong mabubuwal kaya agad ako sumandal sa dingding para hindi nila mahalata.
Gusto ko maiyak dahil kay Ace. Maling-mali ang ginagawa ni ate Beverly. Ang bata pa ni Ace para paluin nya ng sobra. Normal na minsan makakanti mo yung bata lalo na kung makulit tapos pagod ko o kaya ay masama ang pakiramdam. Pero yung magkakapasa sya sa palo, hindi tama. Kung may concern na tao makakakita, maari makasuhan si ate ni child abuse.
Alam ko na dapat displinahin ang bata, pero sa edad ni Ace at sa mga pasa nito, hindi tama na paraan ng pagdidisiplina iyon.
"Wanna come with us baby?" Tanong ni sir Slater.
"As yong as there is In-in, Ace will come." Nakangiting sagot ni Ace.
"Noted on that." Ginulo ni sir Slater ang buhok ni Ace tsaka marahang pinisil ang mukha nito.
YOU ARE READING
Saranghaeyo My CEO
RomanceLake Aizen Sinclair Morgan and Gene Alcaraz Story A CEO who is cold as ice, quite as mute and a maintenance staff turned into PA love story. DATE STARTED: DEC. 5,2021 DATE FINISHED: FEB. 20, 2022