GENE POV
"Basag na ang salamin, Gene. Maawa ka." Pabirong wika ni Chrys habang ako ay aba asa pag sipat ng aking uniform.
"Oo nga Gene. Tara na sa Board Room." Susog ni Fe.
"Later na. Wala pa naman din doon yung ibang empleyado." Sagot ko sa kanila. Tumgilid ako ng tayo at sinipat kung paayos pa ang parteng likod ng aking suot.
"Mas mainam na mauna tayo para doon tayo sa unahan." Kinikilig na wika ni Chrys.
"Oo nga naman Gene. Tsaka diba ikaw ang magiging P.A ng bago nating amo,dapat nasa unahan ka para pag hinanap ka kita agad ang ganda mo." Ani Fe.
Nakanguso ko silang tinignan. "Ito na. Kunting hintay nalang."
"Sige. Antayin ka na namin sa labas."
Hindi ko na sila pinansin. Humarap ako muli sa salamin and this time, I check my face. Nang masatisfy na ako sa kabuan kong hitsura ay lumabas na ako dahil for sure maiinip ang dalawa kong fairy god mother.
"I'm done. Tara na." Wika ko pakalabas ko ng aming quarters.
"Excited yan?" Biglang lumitaw sa harapan namin si Jean, isa sa kasamahan namin sa maintenance team.
"Diba dapat itanong mo yan sa sarili mo Jean." Mataray na wika ni Fe. Amoy sagutan na naman ng isang felengera at maldita.
"How come?" Kunwari ay nagtataka na tanong ni Jean.
"Tignan mo naman hitsura mo. Welcome party ito ng bago nating boss, pero yung make up mo pang asawa ng boss natin. Felengera dot com ka na naman teh."
Gusto ko matawa pero pinigil ko. Totoo naman kasi. Ang kapal ng make up ni Jean. Yung tipong pag pinagpawisan sya para syang mga crayons na tinunaw sa init. Sa tingin ko nga, sagala ang pupuntahan nya at hindi welcome party.
"Inggit ka lang." Inis na sagot ni Jean.
"Spell asa Jean. Maganda na ako with or without make up. No need to try hard." Confident na sagot ni Fe.
"Kaya pala wala kang jowa."
"Ayos lang yun Jean. Wala man jowa, madami naman nahuhumaling. Jowa mo nga kaya kong agawin eh."
Malakas na tumawa si Chrys. Ako ay nagpipigil pa din. Baka kasi ako na naman ang mapagbalingan ni Jean.
"Happy ka nyan Chrys?" Mataray na tanong ni Jean. "Tatawa-tawa ka, isa ka din naman walang jowa. Hilig mo sa gwapo pero yung gwapo walang hilig sayo."
"Atleast hindi naagawan ng jowa." Sagot ni Chrys.
"Oh ikaw Gene. Feeling maganda ka na naman nyan?" Abnormal talaga ito si Jean. Nanahimik ako eh.
"May tatanong ako sayo Jean." Nakangiting sagot ko.
"Ano?!"
"Kung ang banig ay MAT, bakit ikaw FLAT?"
Nang yumuko si Jean sa dibdib nya na ang tanging napapalaki ay ang foam ng suot nyang bra ay aagad kong inaya na lumayo si Chrys at Fe. Tawa naman ng tawa yung dalaw sa sinabi ko at halos hindi na makanda ugaga pag takbo.
YOU ARE READING
Saranghaeyo My CEO
RomansLake Aizen Sinclair Morgan and Gene Alcaraz Story A CEO who is cold as ice, quite as mute and a maintenance staff turned into PA love story. DATE STARTED: DEC. 5,2021 DATE FINISHED: FEB. 20, 2022