Chapter 6

43 7 3
                                    

Jady's POV

I sighed after locking the gate of my house. 

Kinailangan ko pa talagang magsinungaling kay Nixera. Hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kaniya kung ano talaga ang trabaho ko. Siguradong lalayo s'ya at aalis sa bahay ko. Isa pa naman sa pinagkukuhanan ko ng income ang pagpaparenta roon sa kuwarto. 

Siguro nga ay malaki ang nakukuha ko sa trabaho ko, pero hindi naman p'wedeng doon lang ako aasa. Balak ko na nga ring magtayo ng business para makaalis na ko sa trabaho ko.

"Your mind is flying." I heard a voice near my right ear and it sent shivers to me. "We should get going."

Napalunok ako nang makita ko si Nixera na nasa tabi ko lang pala. Ang bango-bango naman n'ya. Hindi yata nararanasan ng babae na 'to na umasim, eh. "Sorry. Sige, tara na."

Napatingin ako sa suot ni Nixera. She's wearing black rubber shoes, white cargo shorts, and just a simple white shirt with a cat drawing as a design. Ang elegante n'ya pa ring tingnan. Parang p'wede s'yang rumampa sa kahit saan.

Magkatabi kaming naglakad sa gilid ng kalsada. 

Nasa siyudad naman ang bahay ko, pero nasa parte talaga na malayo sa ibang kabahayan. Parang nasa isang subdivision kung tutuusin. Mas pinili ko 'tong bahay na 'to dahil malayo sa polusyon. Maraming mga puno sa paligid at hindi rin maingay. Mababa ang tiyansa na magkaroon din ng tsismosang kapit-bahay.

"Malapit na tayo sa bus station. Bihira ang mga tricycle at jeep na dumadaan dito. Nakakatakot ding lumakad sa gabi dahil mahaba ang kalsada tapos mapuno pa. I suggest you always bring a flashlight with you."

"Copy that." Nakita kong may linabas s'yang maliit na camera mula sa sling bag n'ya. Huminto s'ya sa paglalakad kaya huminto na rin muna ako. Tinapat n'ya ang camera sa mga puno. "Wait a second. Lemme take a picture."

Pinagmasdan ko lang s'ya habang kumukuha ng litrato. Nagulat ako nang humarap s'ya sa 'kin at nakarinig ako ng dalawang click.

"Nice expression." Ngumiti s'ya saka tinago ang camera. "You're really cute."

"Hoy, don't take pictures of me." I can't help but to pout. "Baka pangit ako riyan sa picture."

"Nah. I said you're cute so you are."

Mas nauna pa s'yang maglakad sa 'kin kaya sinundan ko na lang s'ya. Napansin kong alam naman n'ya ang daan. Straight lang naman kasi ang daan tapos tatlong liko lang ang kailangan naming gawin. "Nakabisado mo na agad ang daan?"

"Yeah."

Hindi ko na namalayan na nasa bus station na pala kami. Bumili muna kami ng ticket saka sumakay. Konti na lang ang sumasakay dahil tapos na ang rush hour. Marami lang naman ang sumasakay kapag bandang ala singko ng umaga hanggang alas otso ng umaga. Sa hapon naman ay medyo marami rin pero mas marami sa gabi dahil uwian na ng mga empleyado.

"Dito ka sasakay na bus kapag gusto mong makapunta sa Tanyag Captures. Hihinto ang bus na 'to sa bus stop na limang minutong lakad ang layo sa Tanyag Captures. Kapag wala kang makita na ganitong bus, doon ka sasakay." Tinuro ko sa labas ng bintana ang kulay pulang bus. "Medyo malayo ang lalakarin mo dahil mas malayo rin ang hihintuan no'n."

"Alright. How long will it take for me to get there?" Sumandal s'ya sa upuan. "Ayaw kong nale-late."

"25 to 30 minutes siguro kasama na 'yong paglalakad mo." Sumilip ako sa labas ng bintana. "Depende rin kung mata-traffic. May ibang drive na kaskasero kaya baka 20 minutes pa lang nandoon ka na."

"Do you always ride the bus?" She asked me. 

"No. Tuwing pumupunta ako sa gym naglalakad lang ako minsan. Nagta-taxi naman ako kapag naggo-grocery."

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon