Chapter 1

71 8 6
                                    

Jady's POV

"Baklaaaaaa, alis na ko!" Sigaw ni Ashanti na nasa may pintuan na habang dala-dala ang mga bagahe n'ya.

Si Ashanti ang bruha kong best friend. Magkasama kaming nakatira sa bahay pero ngayon ay aalis na s'ya. S'yempre hindi free ang pagtira n'ya rito. Rinerentahan n'ya 'yong isang kuwarto rito kaso nga, lalarga na s'ya. Lalarga meaning mag-aasawa na. Matatali na sa fiancée n'ya.

May bahay na kasi silang matutuluyan. Gusto nilang ma-settle na lahat ng gamit nila roon bago pa ang kasal. Two months from now ang kasal nila at s'yempre, kasama ako. Sa ibang bansa sila ikakasal at tuwag-tuwa naman ako dahil libre ni Ashanti ang plane ticket ko.

"Mami-miss kita, bestie," I said with a pout. "Good luck sa lahat ng desisyon n'yo ng girlfriend mo."

Ngumiti naman s'ya ng matamis. "Salamat, bestie. Finally, mapapakasalan ko na ang pinaka magandang babae sa buhay ko."

I know how hard it is for Ashanti and Riana, her girlfriend, to get married here in the Philippines. Pareho kasi silang babae. Kahit nga noong nasa dating stage pa lang sila hirap na hirap na sila dahil galit ang parents ni Ashanti nang malaman nila na lesbian ang unica hija nila. Kaya nga rin s'ya ang rumenta sa isang kuwarto rito sa bahay ko for two years dahil ayaw n'ya roon sa bahay ng mga magulang n'ya.

"I wish you all the best." Yinakap ko s'ya. "I know that you're going to be happy with her."

"I am happy with her." Yinakap n'ya rin ako saka tinapik ang likod ko bago bumitaw. "Aalis na talaga ako, bestie. Ayaw kong pinaghihintay ang girlfriend ko."

Masaya ako para kay Ashanti. Riana and her are responsible enough to get married at the age of 28 and 29. Nakabili na nga sila ng bahay, oh. Pareho pang bongga ang trabaho nila. Kaya nilang buhayin ang isa't-isa kaya walang makapipigil sa kanila.

"Ingat ka," sabi ko nang mahatid ko na s'ya sa gate ng bahay ko. Nasa labas ang kotse n'ya at ready na talagang umalis. "Alagaan mo ang sarili mo."

Matamis na ngiti ang tinugon n'ya sa 'kin bago tinapik ang balikat ko. "Ramdam kong malapit ka na ring ikasal."

Napangiwi naman ako sa sinabi n'ya. "Gaga ka. Ayaw ko pa. Hindi pa tapos sa pag-aaral ang kapatid ko."

Tumawa lang s'ya bago pumasok sa kotse n'ya. Kumaway na lang ako habang nakatitig sa papalayo n'yang sasakyan.

Magaan ang loob ko nang pumasok ako sa bahay. Siguradong magiging malungkot dahil mag-isa na lang ako pero may papalit naman agad kay Ashanti. Pinost ko kasi na pinaparetahan ko 'yong iniwang kuwarto ni Ashanti. Two days ago ko pa 'yon pinost. Sana lang at may rumenta na agad. Extra income din kasi para sa 'kin ang pagpaparenta no'ng isang kuwarto.

'Yong bagong rerenta, magiging housemate ko rin s'ya. Ibig sabihin p'wede s'yang mag-lamyerda sa loob ng bahay. Pero s'yempre bago ako pumayag sa nagbabalak rumenta no'ng kuwarto, may interview muna. Lahat din ng kailangang IDs ay hinihingi ko. Mahirap ng maloko sa panahon ngayon. Baka serial killer pa ang makasama ko rito sa bahay.

Hindi naman malaki ang bahay ko. Nabili ko 'to three years ago at pinaayos ko lang ng paunti-unti. May dalawang palapag lang. Nasa unang palapag ang kuwarto na paparentahan ko at nasa ikalawang palapag naman ang kuwarto ko.

Humarap ako sa laptop na nakapatong sa coffee table dito sa sala. Inaabangan ko nga kasi kung may magse-send na ba ng form and other requirements. Baka may gusto ng rumenta roon sa kuwarto.

Napabuntong-hininga ako nang makitang wala pa rin. May mga nag-like na sa post ko, pero wala pang nagme-message sa 'kin. Hindi ko kailangan ng mga papuri nila para roon sa kuwarto. Kailangan ko ng rerenta!

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon