Chapter 41

22 3 2
                                    

Jady's POV

Nasa fifteen hours pa raw ang biyahe namin papuntang France. Katabi ko si Glenn at nasa harap naman namin si Nixera. Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Nixera. Feeling ko kasi kanina pa s'ya naiinip. May balak na naman kasi 'tong babaeng 'to, pero 'di n'ya magawa.

"Ganito pala 'yong pakiramdam kapag nasa eroplano, Kuya, 'no? Unang beses nating makasakay tapos sa private pa," excited na excited na sabi ni Glenn. "Buti na lang pala at pumayag akong sumama sa kasal nila Ate Ashanti."

"P'wede tayong gumala ng konti pagkatapos ng wedding ceremony," nakangiti kong tugon. "Pahinga mo na rin 'to dahil mahirap sa college."

"Thank you sa pagsama mo sa 'kin, Kuya."

"Wala 'yon. Deserve mo rin naman 'to."

Gusto ko rin talagang ipakita na hindi pabaya ang kapatid ko. Akala kasi ni Ashanti na puro lakwatsa at gastos ang ginagawa ng kapatid ko dahil palaging humihingi ng pera. Mahirap lang naman talaga sa college dahil marami talagang gastos. Idagdag pa na mas mahirap na 'yong mga subjects nila.

"Jady," Nixera called me. Tiningnan ko s'ya at nakatingin pala s'ya sa 'kin mula sa kinauupuan n'ya. "Can you sit beside me? I have something to tell."

P'wede naman akong tumayo na agad, pero tiningnan ko muna si Glenn. Baka kasi may mga gusto pa s'yang ikuwento. "Okay lang na lumipat ako."

"Go lang, Kuya," Glenn replied. "Usap na muna kayo."

Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Nixera. "Ano ba 'yong sasabihin mo?"

"I'll go back to the Philippines earlier than everyone else," madiin n'yang sabi. "Maybe after the ceremony, I'll already take the plane. Don't worry because I will still arrange you and Glenn's flight back to the Philippines. Mauuna lang akong umuwi to assess some matters."

"Sayang naman. 'Di ka makakasama sa 'ming gumala."

"Bago ako pumunta sa Pilipinas, nasa France ako," natatawa kong sabi. "You can go ahead and enjoy with your brother."

"P'wede ko bang malaman kung anong aayusin mo?"

"It's something that will also shock you," she chuckled. "I think you will also love what will happen."

Napangiti ako ng kusa kasi mukhang masaya naman s'ya. Akala ko naman may problema kaya mauuna s'yang umuwi, pero dahil mukhang maayos naman ang mood n'ya, 'di na ko masyadong magtatanong. "Okay. Aabangan ko 'yan, ah. Ingat ka kapag nauna kang umuwi."

"Huwag mo kong mami-miss masyado," she whispered before smirking. "Ingat din kayo ni Glenn. I'll hire some guards for the two of you."

Hindi ko alam kung anong unang sasagutin. Nasanay na rin kasi ako na halos lagi kaming magkasama.

Mami-miss ko kaya s'ya?

"Guards? Gastos na naman 'yon. Kaya na namin 'to ni Glenn." Sumandal ako sa upuan at tumitig sa upuan na nasa harap ko. "Ako yata ang mami-miss mo kaya ka ganiyan, eh."

"I will miss you," hindi n'ya na binulong 'yon. "Let's go on another vacation next month."

Naramdaman kong uminit ang magkabila kong pisngi. "Puro na lang gastos ang naiisip mo. Saka bakit mo naman ako mami-miss?"

"Bakit naman hindi?" She smirked at me. "You like the fact that I will miss you that's why you're asking, 'no?"

"Ewan ko sa'yo." Umiwas na lang ako ng tingin. "Kung anu-ano na namang sinasabi mo."

"You didn't disagree with what I said." She poked my cheek. "Mas mami-miss kita lalo n'yan, Jady."

"Tumigil ka na nga," pagsita ko sa kaniya. "You are just saying that."

Baka ang mami-miss n'ya lang ay 'yong katawan ko.

"Nope." Nagulat ako nang halikan n'ya ang pisngi ko. "I'll genuinely miss you."

Mabilis akong tumingin sa likod para tingnan si Glenn. Pareho pang nanlalaki ang mata naming magkapatid nang magkatinginan kami.

••••

Tahimik lang kami ni Glenn mula nang makalapag sa airport hanggang sa makarating kami sa hotel room namin. Mamaya makikita ko na sila Ashanti at Riana. May dinner kasi mamaya kasama pa ang ibang guests para sa wedding ceremony bukas.

Nakahiwalay ang kuwarto ni Nixera sa kuwarto namin ni Glenn. Ang iba pa kasing tao na mag-i-stay sa mga katabi naming kuwarto ay mga guests din.

"Kuya, hindi pa ba talaga kayo mag-jowa ni Nixera?"

Nagulat naman ako sa tanong nitong si Glenn. Biglaan na lang kung magtanong.

"Hindi. Wala kaming relasyon."

"Wala bang relasyon 'yong hinalikan ka na sa pisngi? Hindi pa 'yon patago, ah. Hinalikan ka n'ya kahit nandoon ako." Lumapit si Glenn sa 'kin. "Maybe she's already readying me kasi magiging kayo rin naman sa future. Magkakaroon na ko ng Ate."

Hinampas ko ang braso ni Glenn. "Baliw ka, ah. Hindi nga kami mag-jowa."

"Hindi pa sa ngayon," natatawang sabi ni Glenn. "Boto naman ako kay Ate Nixera. She's a nice person kahit may pagka-playful ang personality n'ya."

"Hindi mo pa naman gano'n kakilala si Nixera."

"Ayaw mo ba sa kaniya, Kuya Jady?"

Tumalikod ako para ipasok sa closet ang mga damit namin ni Glenn. "Hindi ko s'ya ayaw, Glenn. Kung ayaw ko sa kaniya, hindi n'ya naman marerentahan 'yong kuwarto sa bahay."

"Gusto mo ba s'ya?"

"Hindi ko alam," I sighed. "Bakit mo ba ko tinatanong ng mga ganiyan?"

"Mukha kasing gusto ka n'ya, Kuya. Iba kasi talaga 'yong way ng pagtingin n'ya sa'yo kahit kumakain lang tayo ng magkakasabay. Ang attentive n'ya pa pagdating sa'yo. Gano'n ba 'yong hindi ka gusto?"

"Iniisip mo lang 'yan," pagtanggi ko. "Paano naman ako magugustuhan no'n? You know her job, how famous she is internationally and just look at her, she's someone na halata namang hindi ako magugustuhan."

"Hindi ka gusto pero nag-rent pa talaga ng private plane para sa 'tin? Hindi ka gusto, pero hinayaan kang mag-stay sa room n'ya kahit binabayaran n'ya 'yong renta roon? Hindi ka gusto kahit inaaya ka sa bakasyon? Hindi ka gusto kahit nagluluto palagi para sa'yo? Hindi ka gusto, pero kapag dumadating s'ya sa bahay, ikaw agad ang hinahanap? Gano'n ba 'yong hindi gusto?"

"You are just overthinking things." Umupo na ko sa kama. "Malayo talagang magustuhan ako ni Nixera."

Glenn sighed. "You need to read between the lines, Kuya. Pakiramdam ko nahahalata mo na rin naman, pero ayaw mo lang na maniwala."

How can I believe her actions if she's not saying everything directly?

I'm afraid.

I'm afraid with the fact that she's only like that towards me, so she can have sex with me.

TinTalim

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon