Chapter 31

19 1 0
                                    

Nixera's POV

"Good morning," pagbati ko sa mga tao nang makarating na ko sa park kung saan kami kukuha ng pictures para sa Brooch. "It's nice that I'm early."

"Sobrang aga mo nga, eh. Sabi ko kahit alas otso na dumating ang mga photographer, eh," sabi ni Margo. "Wala pang ala syete, oh."

"I, at least, want to help in setting up later." Linabas ko na ang camera ko. "I'll take some pictures. Call me when you need help. I'll do my best."

Lumapit ako sa mga bulaklak na nakatanim dito sa park. I would love to take some pictures of Jady here. This vibrant place will suit his pretty face and nice presence.

I took a lot of pictures. I even took pictures of the other people who are roaming around the park.

Looking at the red roses reminds me of her. I need to find her as soon as possible.

I miss her.

Jady's POV

"Coach Mhar, sure ka ba rito? Bakit ako pa ang sinama mo?" Nagtataka talaga ko kung bakit ako sinama ni Coach Mhar sa mall. "Ano ba ang gagawin natin?"

"I need you to help me in choosing a dress." Napakamot pa sa batok n'ya si Coach Mhar. "Please? Ililibre na lang kita ng lunch."

"Are you going to give it for someone?"

"Yeah, for someone that I really like. Hindi ako magaling pumili ng regalo para sa babae, eh." Pumasok kami sa isang department store. "Wala talaga kasi akong p'wedeng isama bukod sa'yo. Kakilala kasi ng iba kong kaibigan 'yong babaeng gusto ko. Madaldal pa naman 'yong mga 'yon."

"Are you going to confess to her?"

Kung gusto ko pa rin siguro si Coach Mhar kagaya noon, maiinggit siguro ako, pero masaya ako ngayon para sa kaniya. Matagal na rin kasi s'yang single kaya nga nagustuhan ko s'ya. Walang sabit, gano'n.

"I'm planning to." Ngiting-ngiti si Coach Mhar. "Mag-iisang taon ko na rin kasi s'yang kilala. She thought that we're just friends, but I want to take it to another level."

"Gagalingan ko sa paghahanap para makatulong ako sa confession mo." Tinapik ko ang balikat n'ya. "Good luck."

"Ang tagal na simula nang huling mag-confess ako kaya kailangan ko talagang galingan at pagsikapan." May linabas s'yang papel. "Sinulat ko rito 'yong paborito n'yang kulay, size n'ya na 'di ko alam kung tama ba, saka kung ano 'yong mga design na gusto n'ya."

"It's nice that you know her for a long time. It's hard to choose a gift when you know to little about the person." Tiningnan ko ang isang purple hoodie na may cute cat design since nakalagay sa papel na hawak ni Coach Mhar na mahilig sa pusa 'yong babaeng tinutukoy n'ya. "She doesn't like dresses, right?"

"Oo. Mas gusto n'ya 'yong casual and comfortable clothes lang."

Tiningnan ko ang isa pang purple na damit. Oversized shirt 'yon na may cartoonish girl design. "What do you think about this one?"

"That's cute." Muntik akong matawa nang makita kong namumula s'ya. "This will look good on her."

"You look so in love." Pinakita ko sa kaniya ang isa pang purple na damit na iba naman ang design. "Bukod sa damit may iba ka pa bang balak bilhin para sa kaniya?

"I am planning to buy books. Fantasy novels ang gusto n'ya kaya iyon ang pinag-ipunan ko. Ten thousand pesos ang dala ko para lang sa mga libro." Kinuha n'ya ang isang oversized shirt na maganda ang tela at cute ang design sa harap at likod. "This is cute."

"Tingnan mo rin 'yong presyo. Huwag kang kuha nang kuha. Kailangan may budget ka pang matitira para sa ibang bagay." I checked the price tags. "Okay naman pala 'to. Pero huwag kang magbibigay ng sobra-sobra sa kaniya. Kailangan konti lang muna para naman 'di s'ya ma-overwhelm at ma-pressure kapag nag-confess ka na."

••••

Pabagsak akong umupo sa sofa nang makauwi na ko sa bahay. Gabi na ko nakauwi dahil sa pagsama kay Coach Mhar. Nakakatuwa na sobrang ma-effort s'ya sa paghahanap ng regalo.

Nang makahinga na ko ng maluwag, napansin kong ang tahimik ng bahay. Everything is clean, but I can only hear the sound of my breathing.

Wala si Nixera ngayon. I wonder what she's doing right now.

Tawagan ko kaya s'ya? Pero anong sasabihin kong dahilan kung bakit ako tumawag?

Bumuntong-hininga ako at basta na lang tinawagan ang numero ni Nixera. Itatanong ko na lang sa kaniya kung anong oras s'ya makakauwi para kapag nagluto ako, alam ko kung gaano karami ang kailangan.

"What a surprise. You're the first one who called this time." She sounds so cocky from the other line. "Na-miss mo ko?"

"Anong oras ka uuwi?"

"Miss mo na nga ako. Bukas pa ko uuwi. I'll stay in a hotel." Ang dami kong naririnig sa kabilang linya maliban sa boses n'ya. Mukhang busy pa rin sila kahit ganitong oras na. "Kumain ka na ba? Do you have a stream later?"

"I'm too tired to stream." Ang tagal naming naglakad-lakad ni Coach Mhar. Naubos ang energy ko. "Naubos energy ko kanina."

"Bakit naman?" The tone of her voice changed. "What did you do?"

"I was with Coach Mhar. I—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Nixera. "Why were you with him? He is that buff guy from the gym, right?"

"Sinamahan ko lang s'yang bumili ng regalo." Bakit parang kailangan ko pang mag-explain sa kaniya? "Almost all guys in the gym are buff, Nixera."

"Kumain ka na ba? I want to eat with you." Naging malumanay na ulit ang boses n'ya. "Kapag hindi na ko busy, ipagluluto kita ng marami."

She sounds like a girlfriend with her words, but other thoughts are sending bitter things to my chest.

"Kapag hindi ka na busy kailangan na nating bumili ng mga damit para sa kasal ni Ashanti."

"Damn, ayaw mo na ba sa luto ko?"

Natawa ako dahil ang bilis namang magbago-bago ng mood n'ya. Siguro nakanguso na s'ya ngayon. "Hindi naman. Pinapaalala ko lang sa'yo."

"I want to lick and kiss your body right now." Napatampal ako sa noo ko. "I want to stay in bed and do things with you."

Nahihiya akong sabihin, pero since si Nixera naman 'to, hindi naman siguro masama.

"B-Bumawi ka na lang kapag hindi ka na abala riyan sa trabaho mo."

TinTalim

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon