Chapter 8

38 5 3
                                    

Jady's POV

"Shit, ang sakit ng ulo ko," usal ko pagkabangon na pagkabangon ko pa lang. Umikot agad ang paningin ko. My goodness, hindi na talaga ako iinom ulit.

Napatayo agad ako nang makitang nasa loob na ko ng kuwarto ko.

Wait, si Nixera ba ang nagdala sa 'kin dito? Fuck! Nakakahiya naman. First day n'ya rito kahapon tapos ang nadatnan n'ya agad, lasing na version ko. Sana naman hindi s'ya ma-turn off at bigla na lang umalis.

Napatampal na lang ako sa noo ko. Ang bigat ko pa naman. Mas matangkad si Nixera sa 'kin, pero dahil sa laki nitong katawan ko, siguradong nahirapan s'ya sa 'kin. Kailangan ko ng bumangon para magluto ng almusal. Nakakahiya talaga!

Naghilamos na muna ako at nagbihis. Amoy alak ako. I need to sober up. Hilong-hilo pa rin ako. Sumasakit din ang tiyan ko dahil sa gutom.

Bumaba na ako at tumingin-tingin sa sala. Malinis na. As in malinis na malinis. Base sa natatandaan ko kagabi ay sobrang daming kalat sa mga sofa at sa lamesa, pero wala na lahat ng mga 'yon. Nakakahiya talaga kay Nixera. S'ya na nga ang nagluto kagabi tapos s'ya pa ang naglinis ng kalat.

Dumiretso ako sa kusina at amoy ng bagong lutong pancakes. Nakita ko kaagad ang isang plato na puno ng pancakes. May maple syrup at chocolate syrup din sa lamesa. Binili rin ba namin 'yon kahapon?

"Good morning." Napatingin ako sa likod ko. Nagulat ako dahil sobrang bango ni Nixera. Basa ang buhok n'ya at nanunuot sa ilong ko ang ginamit n'yang sabon sa pagligo. "You want some coffee to ease your hangover?"

"Oo, pero ako na ang magtitimpla. Nag-almusal ka na ba?" Kumuha ako ng isang mug at mabilis na nagtimpla ng black coffee. Kailangang mainitan din muna ang tiyan ko bago ako kumain ng almusal. "Pasensya na kung ikaw pa ang naglinis dito, ha? Lasing na kasi ako kagabi. Sana hinintay mo na lang akong magising para ako na lang ang naglinis. I know that it's tiresome for you."

"I didn't wake you up because you were sleeping so soundly. Also, ako na ang naglinis at nagluto dahil bored ako. Late ka ng nagising." Tinuro n'ya ang wall clock dito sa kusina. "It's already ten in the morning."

"Sorry talaga!"

"It's fine. Eat your breakfast now." Inabutan n'ya ko ng tinidor. "Nothing's a big deal. I enjoyed the party last night, anyway."

"Salamat naman at natuwa ka," I smiled. "Ano palang inalmusal mo? Mukhang bagong luto pa kasi 'yong pancakes."

"Ininit ko 'yong tirang fried pork chops." Binuksan n'ya ang chocolate syrup at binuhos sa isang pancake. "Come on, now. Eat a lot. Forget your diet. I prepared that for you."

"Thanks for the meal." Hiniwa ko ang isang pancake. Natuwa ako lalo dahil may umagos na konting chocolate mula sa pancake. Chocolate stuffed pancakes! "Wow, kaya mo ring magluto ng ganito? You should be a chef also."

"Got some sugar on your tongue, huh?" She smirked. "Just eat it. I like cooking, but using it to earn will never be applicable. I'm a stubborn fuck, so my dishes are also bad when I'm in a bad mood."

Sumubo na agad ako. Mainit-init pa ang pancake. The chocolate melted inside the pancake. It tastes so good!

"My diet is not going back to its previous pace if you will always cook meals like this."

"That sounds good to my side." Umupo s'ya sa tabi ko. "Can you tour me around the house today? Teach me the ways. I don't want to cause any trouble."

"Sure. Bibilisan kong kumain." Susubo na sana ako nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa tiyan ko. "B-Bakit?"

"Your body is well-toned. Hindi ko alam kung bakit ka pa nagda-diet. Look at your muscles. You can drag anyone to bed with this kind of body."

I flinched when she squeezed my tummy. "I-I'm not into those kinds of stuff, 'no."

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon