Chapter 17

33 3 9
                                    

Jady's POV

Nakatingin lang ako kay Nixera habang nagluluto s'ya ng dinner. Sabi ko sa kaniya ako na ang magluluto, pero s'ya na raw.

Kagagaling n'ya lang sa trabaho. Sobrang aga n'yang umalis sa bahay kanina. Tinext n'ya ko no'ng nakarating na s'ya sa workplace n'ya kaya alam ko. Wala pa yatang ala syete ng umaga ay nandoon na s'ya.

Pag-uwi n'ya naman ay may dala-dala na s'yang ingredients para sa dinner. Medyo nahiya pa nga ako dahil ang naisip ko lang na lutuin para sa hapunan ay ginisang kangkong na may tokwa. I mean, mukhang hindi naman pihikan si Nixera pagdating sa pagkain kaya iyon ang naisip ko.

She's cooking Chicken Curry for tonight's meal. Ang bango-bango no'n. Hinahanap-hanap na yata ng panlasa ko ang luto n'ya. Hindi na kasi ako kumakain ng marami kapag sa labas ako kumakain o kaya sarili kong luto ang nasa hapag.

"I'm focusing here, Jady. Are you trying to seduce me with your stares? Because if it's a yes, it's working."

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. "Na-a-amaze lang naman ako sa pagluluto mo. I'm not trying to do anything funny. Ikaw lang ang nag-iisip n'yan."

"I'm horny again because of you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nixera. Wala talagang preno ang bibig n'ya. "You should do something for me after dinner."

"I have a stream later." Pinilit kong alisin ang utak ko sa sinabi n'ya kanina. "Konti lang din ang kakainin ko."

"Alright. I will not tease you anymore." Pinatay na ni Nixera ang kalan. "Don't forget to remind me about your friend's wedding. I might forget about it because of my busy schedule for work these past few days. I think our schedule will stay like this for three more months."

"I will remind you." Tumayo na ko at tinulungan ko na s'ya sa paghahanda ng lamesa. "Thank you talaga. Mababawasan na ang gastos nila Ashanti."

"Don't think that I'm so good because of that." Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kamay n'ya sa pisngi ng pwet ko. "I can already imagine what are the freaky things we can do inside the private plane."

I blushed. "N-Nixera!"

"I'm being honest. Don't you like it when I'm saying the truth?" She chuckled. "I almost had sex with someone inside a plane during my flight back here in the Philippines, you know."

Napangiwi ako nang parang may kung anong tumusok sa dibdib ko. It hurts. For some reasons, my mouth tastes bitter.

"Oh, really?"

"Yeah, I'm glad I stopped before I even started. Baka pagsisihan ko lang kung nagkataong may nangyari talaga." Nailang ako nang mapansin kong nasa likod ko na si Nixera. She's rubbing my back. "I'll be really glad to do my unfinish business inside the plane with you."

Akala ko kung ano ng gagawin n'ya. Kumuha lang pala s'ya ng mga kubyertos.

Hindi ko magawang kumalma tuwing magkalapit kami. Idagdag pa 'yong kinuwento n'ya kanina. Is she that adventurous to almost did something inside an airplane?

"Is it a guy?" Wala sa sarili kong ulas.

"Hmm?" Ngumisi si Nixera at huli na nang mapansin kong nakayapos na s'ya sa baywang ko. "The one I almost hump and dump in the plane?"

"Y-Yes," nahihiya kong tugon. I'm shy to ask her, but I'm curious. "Lalaki ba?"

"No, it's actually a woman. She came at me first, though. She's quite a pervert, I guess."

Kahit pa sinabi n'yang babae 'yon, hindi pa rin nawawala ang mapait na timpla sa loob-loob ko. Bakit ba ko may nararamdamang ganito? It's unusual for me to feel something like this.

"I'll watch your stream later so eat up." Ngumanga ako dahil kumutsara na s'ya ng ulam at linapit 'yon sa bibig ko. "You need energy for your show. Give me a nice one, so I can have steaming hot wet dreams about you."

Agad na nag-init ang pakiramdam ko dahil sa kung ano-anong sinasabi n'ya.

Ano ba 'tong ginagawa mo sa 'kin, Nixera?

Nixera's POV

"Why are you here today, Nixera?" Nagtaka ako sa tanong sa 'kin ni Margo. "Get some rest, you punk. You've been working nonstop since you got here."

"But, we have tons of work to do, right?"

"Oh, you didn't receive the notice?" She showed me her phone for me to see a message from the higher-ups that I'm allowed to rest for a week. "You put up so much effort in your first month with us. Hindi naman kalabisan na bigyan ka ng pahinga. After all, you're a multi-awarded and well-renowned photographer. Sobra-sobra pa ang kita ng Tanyag dahil sa appearance mo."

Hindi ko na pinansin ang iba pang sinabi ni Margo. "I can really go home now?"

"Oo nga." Mahinang natawa si Margo. "Enjoy your rest."

"O-Okay?" My brows furrowed in confusion. "I'll get going now. See you again next time."

"Sure. Take care."

I went out of the building with my forehead creased. I didn't bother to pry more about it because I also need rest. Lagi ko na lang sinasabay sa paghahanap sa babaeng 'yon ang trabaho ko. I now think that it was a bad idea to work in Tanyag while looking for her. It's too exhausting plus the hot weather here in the Philippines is not helping me.

Kinuha ko na lang ang phone ko para i-text si Jady. I wanna hang out with him today. It's still too early. Maybe he's in the gym.

To Jady:

Hey, where are you?

From Jady:

In the gym, why?

To Jady:

Send me the address.


I smiled when he actually sent the address of the gym just because I asked for it. I thought he was going to ask why I want the address.

Pinili ko na lang na mag-taxi papunta roon sa gym. As I said, the weather in the Philippines is not that good for someone who isn't used to it.

Nakarating na ko sa gym and it doesn't look so bad. The outside appearance is nice. Photos will come out good if a photoshoot is going to be held here.

I needed to talk to the receptionist before I enter. She even asked for my ID for security purposes.

The way she looks at me is pretty unpleasant. She's blinking too much and smiling so wide. Hindi naman s'ya gano'n sa nauna sa 'kin. Being as charming as I am is tiresome.

Dinala na ko sa floor kung na saan mismo ang gym. So this is the gym owned by Zian, huh? Cozy and filled with men.

"Nixera, ikaw ba 'yan?" Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko roon si Zian. "Grabe, imposibleng magkamali ako. Sa sobrang tangkad mo kapapasok mo pa lang, napansin na agad kita."

"Hello, Zian. It's been a while." I smiled a bit. "How are you and your girlfriend?"

"We're doing just fine in our jobs and in our relationship." Ginantihan n'ya ko ng malapad na ngiti. "Nandito ka ba para maging gym member? The process is easy and—"

"Sorry to cut you off, but I'm here to pick up Jady." I roamed my eyes everywhere. "Where is he? I'm planning to kidnap him for today, so I could have his time all by myself."

Napansin kong medyo nanlaki ang mata ni Zian. "O-Okay. Dito ka lang, ha? Tatawagin ko lang s'ya."

"Sure thing. Take your time."

Zian's POV

Naloloka ang braincells ko! Ano 'yong narinig ko ngayon-ngayon lang? May hindi ba sinasabi sa 'kin ang baklang 'yon? Anong ibig sabihin ni Nixera?!

Jusko, hindi p'wedeng nahuhuli ako sa tsismis!

Mabilis akong naglakad papunta sa puwesto ni Jady at Coach Mhar. Nagtatawanan pa 'yong dalawang damuho. Sumusugod na rito 'yong jowa ni Jady.

"Jady!" Kinalabit ko kaagad si Jady. "Nandito si Nixera."

Tumaas ang isa kong kilay nang mamula ang pisngi ng baklang 'to. "B-Bakit daw?"

"Aba, malay ko." Hinatak ko si Jady patayo saka binulungan. "Gaga kang bakla ka, ha. Mukhang ginagamit mo na pati 'yang harapan mo."

"Huh? Anong sinasabi mo?"

Hinampas ko s'ya ng mahina. "Ako pa talaga ang pagtataguan mo, ha? Sabi ni Nixera sa 'kin kanina gusto n'ya sa kaniya lang daw ang oras mo ngayong araw. Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Kapag mag-housemate ba required na may ginagawang kababalaghan?"

Nakita ko namang mas lalong namula si bakla. "I-It's not like that. It's just... I can't explain it here."

"Jady, may problema ba? Ano bang meron Sir Zian?" Napairap ako nang nakisali pa sa usapan si Coach Mhar. Busy pa ko sa pagsagap ng balita rito, eh. "Are we done for today's exercise?"

"Uuwi na si Jady, Coach Mhar." Palihim kong tinulak si Jady. "May urgent lang s'ya na kailangang gawin."

"Gano'n ba? Text me again for our next session, Jady, ha? I'll wait for your message." Ngiting-ngiti pa si Coach Mhar habang nakatingin kay Jady.

"Oo naman. Sa susunod na lang—"

Nagulat ako nang makita kong nasa harap na namin si Nixera. Grabe, mas matangkad pa s'ya kay Coach Mhar. May konting takong pa 'yong sapatos n'ya kaya kahit lalaki kaming lahat, well lalaki sa appearance, nanliliit pa rin kaming tatlo sa height ng babaeng 'to.

"What's taking you so long, Jady?" Napangisi ako nang makita ko kung paanong kaswal lang na hinawakan ni Nixera si Jady sa baywang. "We're heading out now. Get your things. We're off to somewhere."

"N-Nixera."

"Oh, I was rude for a moment there." Nixera offered a handshake to Coach Mhar. "I'm Nixera Wei. Jady's housemate."

"Ikaw pala 'yong naikuwento n'ya sa 'kin no'ng nakaraan." Pinunas muna ni Coach Mhar sa damit n'ya ang dalawang kamay bago s'ya nakipagkamay kay Nixera. "I'm Mhar, Jady's gym instructor and fitness coach."

"I see. That's why he has such a sexy body."

Tahimik lang ako habang nanonood sa kanila. Ang tindi ng tensyon na nararamdaman ko. Parang scene sa drama!

Tiningnan ko si Jady at pulang-pula pa rin ang mukha ni bakla. Gaga na 'to. Lagot sa 'kin 'to next time. Pipilitin ko s'yang sabihin lahat ng 'di n'ya sinasabi. He should spill all the tea while it's still hot.

"Nag-abala ka pa talagang puntahan dito si Jady, Nixera, 'no? Go have fun, you two."

Tiningnan ako ni Jady at parang nanghihingi pa ng tulong si gaga pero nginisian ko lang s'ya.

"See you around, Zian," sabi ni Nixera bago n'ya hinatak si Jady paalis.

Hmm, they look cute together. Parang kami lang ni Rita ko.

Nako, mukhang sa kuweba rin pala ang bagsak ni Jady at hindi sa espada.

Jady's POV

"Nixera, w-wait." Hindi ako makahinga ng maayos kanina habang nag-uusap si Nixera at si Coach Mhar. Pinipisil kasi ni Nixera 'yong tagiliran ko. I felt so tingly. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

"We're going to shop for your new clothes." Nakalabas na kami ng gym at naghihintay na lang ng taxi. "Where is the best place to buy a car? It sucks to commute always. I need to buy one as fast as I can."

"Nixera, may problema ba?" Hindi ko na napigilang tanong. She looks so restless. "Bakit wala ka sa trabaho mo ngayong araw?"

"They gave me a whole week to rest." Nag-init ang mga pisngi ko nang tingnan ako ni Nixera saka s'ya ngumiti. "I want to spend my whole week with you. Is that okay?"

Napalunok ako dahil sobrang ganda ng ngiti n'ya.

"O-Okay lang naman basta sabihin mo kung saan tayo pupunta."

"Today, we're just going to go shopping." Pumara na ng taxi si Nixera. "Tomorrow we could go to the beach, swim in the sea, play some pool, and have sex."

Nagpanting yata ang mga tainga ko sa huling narinig ko sa mga sinabi n'ya. "Nixera, nasa public tayo!"

Pinagbuksan n'ya ko ng pinto sa may backseat ng taxi. "But you know that you didn't hate the idea, hmm?"

Mas lalo yatang nag-init ang mga pisngi ko. Parang kamatis na siguro sa sobrang pula ang mukha ko.

When will Nixera stop this play?

Tahimik na lang akong pumasok sa taxi at umupo. I don't want to ask more questions. I will not get answers here.

Umupo na sa tabi ko si Nixera. An electrifying chill ran down my spine when she whispered in my left ear.

"If you're thinking about when I am going to stop this, I don't have any plans. It's written all over your face that you're having wrong ideas. Brush that off and enjoy the week with me."

TinTalim




Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon