Chapter 10

37 3 0
                                    

Jady's POV

"Jady? Jady!"

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Coach Mhar.

"W-Why?" Binaba ko muna ang dumbbell na hawak ko para humarap kay Coach Mhar. "Mali ba ang ginagawa ko?"

"No, but you're staring at nowhere," sabi n'ya saka ako inabutan ng towel. "May problema ba? Kinakausap kita, pero hindi ka naman yata nakikinig."

"Sorry." Pinunasan ko ang pawis ko at nagbuga ng malalim na hininga. "I'm just a bit distracted. Pasensya na talaga."

"Let's stop here for today. Lagpas isang oras ka naman ng nag-e-exercise." Tinapik n'ya ang balikat ko. "Gusto mo bang maglakad-lakad tayo mamaya?"

Napaiwas ako ng tingin kay Coach Mhar. I can't look at him for such a long time. Ang gwapo-gwapo kasi talaga n'ya. I can really admit that I have a crush on him. Ang bait n'ya pa sa 'kin.

"Ako lang ba ang trainee mo ngayong araw?"

"Yeah. My schedule is pretty spacious, so what do you think? Let's hang out for a bit."

Sigurado naman akong wala sa bahay si Nixera dahil simula na ngayon ng trabaho n'ya kaya mag-isa na naman ako pag-uwi ko. At the same time ayaw ko rin munang harapin si Nixera. She kissed me! Without my permission! I never kissed a girl aside from my mother, but she did that in just one swoop.

"Sige, gala tayo. Saan mo gustong pumunta?"

Malaki ang ngiti n'ya nang tumugon. "May bagong bukas na mall. P'wede tayong kumain at mag-shopping ng tuloy-tuloy! May discount pa ang mga binebenta nila ngayon."

I chuckled after hearing that.

Kuripot kasi talaga si Coach Mhar. Malaki naman ang sahod n'ya, pero nagtitipid pa rin s'ya. Buti na lang at may dala kong extrang pera. Kailangan ko pa kasing mag-send ng pera sa e-wallet ng kapatid ko para may panggastos s'ya.

"Sige. Mag-shower lang muna ako, ha?"

Dumiretso na ko sa shower area. Nanlalagkit na kasi ako dahil sa pawis. Gusto ko ring mahimasmasan kahit pa paano. Kanina ko pa kasi iniisip si Nixera at ang ginawa n'ya. This is troublesome on my side. Siguro para kay Nixera ay simple lang 'yong ginawa n'ya, pero big deal 'yon para sa 'kin!

Hindi naman talaga normal 'yong basta na lang s'yang manghahalik. Hindi ako sanay sa gano'n. I'll talk to her later. I should talk to her.

Nagbihis na ko ng bagong damit matapos kong mag-shower. Kinuha ko na ang bag ko sa may locker area. Palabas na ko ng locker area nang mapansin ko sa may pintuan si Zian.

"May date ka, bakla?" Tumaas ang isang kilay ni Zian. "Mga ngitian n'yo ni Mhar, ha. Ang suspicious n'yo na."

Kumunot naman ang noo ko. "Para kang si Ashanti, eh. Lahat na lang pinaghihinalan. Mabait lang talaga si Coach Mhar sa 'kin."

Lumapit sa 'kin si Zian at kumapit sa braso ko. "Pogi naman si Mhar, may maayos na trabaho, tapos maganda pa ang katawan. Bet mo 'yong mga gano'n, 'di ba?"

I sighed. "Lahat naman 'yon meron din ako kaya imposibleng may lalaking magkagusto sa 'kin. Wala rin akong balak na ma-in love."

"Nako, shut up. Kapag in love ka na, wala ka ng magagawa. Dalawa na lang 'yan. Maiihi ka sa kilig o kaya mauubusan ka ng tubig sa katawan kakaiyak." Iginiya ako ni Zian palabas ng locker area. "Well, puro kilig lang naman ang nararamdaman ko sa 'min ni Rita. Hay, mahal na mahal ko talaga ang girlfriend ko."

"Nag-aaral pa ang kapatid ko, Zian. Kung magjojowa ako, mahahati ang atensyon ko." Tinanaw ko si Coach Mhar. "Saka oo, gwapo naman talaga si Coach Mhar, pero hindi naman s'ya nagkakagusto sa kapwa n'ya lalaki. Barakong-barako nga s'ya, oh."

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon