Chapter 5

49 6 0
                                    

Jady's POV

Nagising ako na pagod na pagod ang pakiramdam. Nag-livestream kasi ako kagabi. Lagpas dalawang oras din. Masakit ang ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi ko na nga nagawang magbihis pa matapos ng stream ko kagabi. Marami namang nagbigay ng pera kaya mawawala rin 'tong pagod ko.

Kahapon dumating ang bago kong makakasama sa bahay. Sinundo ko si Nixera kahapon sa airport at nagulat talaga ko nang makita ko na s'ya sa personal. Aside from she's very tall, ang ganda n'ya rin. Halos wala s'yang makeup kahapon pero ang ganda n'ya pa rin. Maganda rin naman ako, pero mas maganda talaga s'ya sa lahat ng anggulo.

Kagabi, hindi ako nakapag-dinner. Nag-stream na agad ako dahil tatlong gabi na kong nagpapahinga. Sa trabaho ko pa naman maging inactive ka lang ng isang linggo, p'wede ng may umagaw sa mga manonood mo.

Pinilit kong bumangon dahil malakas ang tunog ng alarm na nagmumula sa cellphone ko. Kailangan ko na talagang bumangon. Pang-apat na beses ng tumunog 'yong alarm ko. Maghahanda rin ako ng almusal para sa 'min ni Nixera. Gutom siguro 'yon. Yayayain ko sana s'yang maghapunan kagabi kaso no'ng silipin ko s'ya sa kuwarto n'ya ay tulog na tulog na s'ya. Ayaw ko namang abalahin.

Nagbihis lang ako ng maluwag na damit. Masakit pa rin ang bandang puwetan ko. Matagal ko ng ginagawa 'to, pero sumasakit pa rin minsan. I overdid it again.

Lumakad ako palabas ng kuwarto ko at kumulo agad ang tiyan ko nang maamoy ang mabangong aroma ng sinangag. Napabilis ang lakad ko papunta sa kusina. Nanuyo ang lalamunan ko nang mas tumindi ang mabangong amoy. Oh gosh! The smell is waking up my stomach.

"Oh, you're awake. Good morning." Napatingin ako kay Nixera na nakasuot ng light green apron. May hawak pa s'yang sandok at nakapusod ang buhok n'ya. "Did you slept well? Because I had a nice sleep last night. The bed is wonderful. Totally worth it."

"Good morning din. Buti naman at nakatulog ka ng mahimbing." Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang linuluto n'ya. Sinangag nga iyon pero may kasamang hotdog, itlog, at gulay. Sigurado akong galing sa ref ko 'yong gulay at itlog pero 'yong hotdog, saan galing 'yon? "Where did the hotdog came from? Hindi ko matandaan kung bumili ba ko n'yan."

"I found it on your freezer. It has a note from someone named Ash. Your boyfriend? Girlfriend?" Nakangisi si Nixera habang nakatingin sa 'kin at ewan ko ba, parang na-conscious ako bigla sa itsura ko.

"Hindi, ah. Wala akong jowa." I chuckled a bit. "Ashanti or Ash is my best friend. Dala n'ya siguro 'yan no'ng pumunta s'ya rito kahapon. She was here before I went to the airport to pick you up."

"That's why, huh? By the way, sorry about using the kitchen without your permission. I am very hungry when I woke up this morning, so I thought of making breakfast for us."

"Salamat. Hindi mo na sana ko sinabay. Hindi naman ako malakas kumain." Napangiti ako nang tumalikod muna s'ya para haluin ang linuluto n'ya. Akala ko porke't mayaman at sikat s'ya ay hindi na s'ya marunong magluto.

"Oh, are you on a diet?" Tanong n'ya bago pinatay ang kalan. "You look buff."

"Ahm, oo. Madalas din akong mag-gym." Napakamot ako sa batok ko. "Kapag kumakain ako ng madami minsan natataranta ako dahil pakiramdam ko tumataba ako."

Humarap s'ya ulit sa 'kin. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman nang hagurin n'ya ng tingin ang katawan ko. May damit naman ako pero para akong hinuhubaran.

"You are cute," she chuckled. "And very sexy."

A hint of an unknown emotion was vivid in her eyes. Hindi ko alam ang ibig sabihin no'n, pero bumibilis ang tibok ng puso ko. What the hell is this? Gutom na talaga yata ako.

Impeccable Figures (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon