A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Timing
"Thank you so much for saying yes to help me. Actually, hindi naman siya importante talagang research. May gusto lang akong malaman through this study. Thank you kasi pumayag ka, Abelle." aniya habang sumusubo sa kinakain.
Nang sinabi niya iyon sa akin ay mapungay ang kanyang mata. Lumalabas dimples niya sa bawat salita na nagmula sa bibig niya. Kung alam mo lang Aiden... gusto na kita noon pa. Tumigil ako sa pagsubo muna at pinagmasdan siya. Nga lang ng tiningnan niya rin ako agad kong ginalaw ang pagkain ko at ngumiti na lamang sa kanya.
Marahan siyang sumusubo ng pagkain niya habang nakaw tingin naman ako sa kanya. Alam mo Aiden ng nalaman kong may ex-fiancée ka pala nasaktan ako para sayo pero.... magiging totoo ako sa sarili ko, iniisip ko talaga chance ko iyon para mas malapitan at makilala kita. Of course, I wasn't happy that someone died and that's your fiancée. Kahit sa mga mga mata mo nakikita kong sobrang lungkot mo.
Pinagmamasdan ko parin siya kahit uminom lang ng tubig. Kalaunan nakuha ng atensyon ko ang vibration ng phone ko. It was Allen.
"Just answer it. It's okay." si Aiden na nakangiti sa akin.
"Hello? Sabi ko na sayo kanina you don't have to pick me up. Its okay, Allen. Don't worry mag-iingat ako." Paunang salita ko.
"Ahm... hindi pa ba kayo tapos?" aniya na parang may ibang iniisip.
"Hindi pa. Were still eating and nag-uusap. Bakit ba?" agap ko.
"Ahm... wala lang. Anong Ginagawa mo ngayon?" aniya na mas pinapahaba pa ang usapan naming dalawa.
"Kausap ka syempre. Pinaglalaruan mo ba ako, Allen?"
"Hindi ah. Bakit bawal na ba talaga akong tumawag?" aniya.
"Bakit may sasabihin ka ba?" sagot ko habang bumabalik ang tingin sa lamesa namin ni Aiden. Pinagmamasdan niya rin ako pero nakangiti. Hindi siya naiinip.
"Hmm..." si Allen.
"Mamaya ka nalang tumawag pag-uwi ko. I'm hanging up."
Binaba ko ang tawag at bumalik sa lamesa namin ni Aiden. "Sorry, my friend called me. May sasabihin daw siya sa akin mamaya."
Tumango ito kaya ng natapos kaming kumain ay hinatid niya ako sa bahay. Hindi pa ako agad lumabas sa kotse niya. Nag-usap kami.
"Thank you for treating me sa dinner. Don't worry tawagan mo lang ako kung kailan ang specific date natin para matulungan kita. Thank you so much, Doc." agap ko pero nagulat ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.
Bumilis ang tibok ng puso ko at niyakap na rin siya. Matagal bago niya ako binitawan kaya na isip kong baka ito na ang timing ko pero nangingibabaw sa aking na saka na lang kapag kasama ko siya sa vacation na sinasabi niya, tutulungan ko raw siya sa research niya.
"I'm so grateful... Doc Abelle. Goodnight." Aniya at hinalikan ako sa pisngi.
Pumasok ako sa loob ng bahay na dala dala ang ngiti. But immediately agad ko ring tinawagan si Allen. Sabi niya may sasabihin siya pero nang tumawag ako he's not picking it up. Inulit kong tawagan siya pero message lang ang natanggap ko mula sa kanya.
"I don't have anything to say, I was just messing you. Gusto mo siya, Belle. Nagseselos ako. I admit it. I hope you wouldn't mind if I ask you also to go out with me. I just wanted to say na nanliligaw rin ako. Hinihintay ko ang timing mong maka amin ka sa kanya. But please don't get hurt... mas doble ang sakit na nararamdaman ko kung sakaling madurog ka. Have a goodnight. Sleep well... pagod ka."
-Allen
Nang nabasa ko iyon nag-iba ang tibok ng puso ko hindi ko maunawaan. Why does this man keep on checking me? At bakit mas mahalaga sa kanya ang kaligayahan ko kaysa ng kanya? Bakit pinaparamdam niya sa akin na sobrang gusto niya ako?
Tinawagan ko siya dahil naguguluhan narin ako sa kanya pero hindi niya sinasagot. Naiinis ako kaya nagtext ako sa kanya.
"Allen, mag-usap tayo. Sagutin mo ang tawag ko!"
Pero lumipas ang mga minuto sa paghihintay ay hindi pa rin niya iyon sinagot. Bumaba ako para uminom ng kape at tapusin muna ang report ko tungkol sa pasyente ko kaso nga lang iba ang parin ang iniisip ko. Si Allen!
Midnight came kaya humiga na ako sa kama pero hindi ako makatulog dahil iniisip ko si Allen. Sa totoo lang ng nakilala ko si Allen mas nagustuhan ko siya bilang kaibigan. Hindi naman talaga siya ganoon kasama at mayabang gaya talaga ng sinasabi ko lagi.
I tried calling him again kahit alam kong midnight na. At nang hindi talaga ako tumigil... at nang sinagot niya agad akong napaahon sa kama ko at naupo.
"I still called you... alam ko pang gising ka. Mag-usap tayo." banayad ko yong sinabi sa kanya pero parang hindi siya nagsasalita at patuloy na pinapakinggan sermon ko.
"Allen! Ano nga kasi sasabihin mo? At anong ba iyong pinagsasabi mo huh?"
Ayaw niyang magsalita kaya medyo naiinis na rin ako.
"Sige, wag ka ng magsalita! Wag mo na akong sunduin bukas, wag na tayong magkita!"
Pinalis ko ang luha ko sa pisngi dahilan ng galit at inis ko sa kanya.
"I don't wanna talk to you. I'm still jealous. Ang babaw at walang tayo, Belle... pero nasasaktan ako. I really don't know about this but he was hugging you. You like him right? No, the term is you love him, right?"
"Anong problema mo?!" agap ko at nakainom ng tubig dahil sa mga sinasabi niya.
"I know you like him first. Naging malinaw karin sa akin tungkol sa nararamdaman mo para sa kanya kaya wala akong karapatan magalit at magselos. I did say... I'm willing to wait pero gago.... nagseselos talaga ako sa kaniya." aniya kaya hinawakan ko na ang puso ko.
Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba. Tiklop na ang bibig ko at napa-higa ako sa mga sinabi niya. Itong si Allen kung ano talaga ang nararamdaman niya.... sinasabi niya agad... this man is so honest. Bakit ko pa ba ito nakilala? No, the term is bakit siya pa ang nakatagpo para pakasalan ko? Ang tanga tanga ng tadhana para paglaruan ang puso at destiny ko.
"This is why I don't wanna talk to you... dahil sa tuwing sinasabi ko ito.... ayaw mo ng magsalita, Belle." aniya at parang umiiyak sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
Roman d'amourIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...