Kabanata 4

33 8 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Grateful

"Gabi na. Wag kang magbiro. Bitawan mo ako." agap ko kaya ginawa niya naman pero halatang nang aasar pa ang mokong.




"Goodnight. Ayaw mo ba talagang tumabi sa akin?" aniya at tumatawa na naman.




"Pwede ba, wala ka talagang kwentang kausap. Matutulog na ako. If you need something gisingin mo ako. Madali lang naman akong magising. Tawagin mo  lang pangalan ko." agap ko pero nagsalita siya.


"Tumabi ka nalang kasi sa akin. I won't rape you. Pag sa couch pa kasi hindi ka magigising sa tawag ko, malayo."




"Allen, magigising ako. Sambitin mo lang pangalan ko, magigising ako." giit ko pero iba ang suhestisyon niya.






"Ilapit mo na lang couch mo sa kama ko. Para hindi na ako sumigaw."





"Oh sige ba." hamon ko sa kanya.




Nilapit ko nga ang couch sa kama niya. "I  will turn off the light." agap ko at tumango siya.




Nagising ako sa galaw ni Allen sa kama niya at nang minulat ko mga mata ko agad akong tumayo at hinawakan ang noo niya. Doon ko na naramdaman ang init niya kaya agad akong bumaba at kumuha ng maligamgam na panyo para sa noo niya. Kinuha ko rin ang gamot at tubig malapit sa kama niya.





"Allen. Ang init mo. Uminom ka muna ng gamot para maligyan kita ng maligamgam na tubig sa noo mo gamit ang panyo. Sabi ko na kasing magpa hospital na tayo." giit ko.





Ininom niya ang gamot kaya agad ko ring nilagyan ng panyo ang noo niya. I directly went beside him para punas punasan ang noo niya dahil ilang mga minuto pa nga lang umiinit na naman siya.




Bandang alas dos ng gabi ay tinutuknaw naman siya. Nilagyan ko na siya ng maraming kumot pero ng tumama ang kamay ko sa balikat niya mas naramdaman kong dun siya mas komportable kaya naman mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. I'm a doctor at alam ko kung bakit ganoon siya.





Inisip ko na lang na walang malisya ang lahat at kailangan niya ang tulong ko kaya tumabi ako sa kanya at nang lumapit na ako sa kanya pinabayaan ko siyang yakapin niya ako. Ramdam ko siya. Mahigpit ang yakap niya sa akin at sa totoo lang niyakap ko na lang rin siya ng sa ganun ay maibsan ang lamig na nararamdaman niya.




Madaling araw man at hindi  makapaniwala na nagawa ko talagang tumabi sa kanya ay nagising ako habang yakap niya at hinawakan ko ang noo niya. Medyo mainit parin siya at malamig ang pakiramdam niya kaya naman sa pangalawang pagkakataon pinabayaan ko pa rin siyang yakapin ako sa kama niya.




Kinaumagahan nagising akong nadatnan siyang nakatitig sa akin habang natutulog ako. Yakap ko siya at yakap niya rin ako. Pero sa pagkakataong ito mas mahigpit ang yakap ko sa kanya.




"Kamusta pakiramdam mo?" at bumitaw sa yakap ko na kanina pang mahigpit.





"I'm okay now. Thank you for allowing me to hug you. Thank you. I am grateful you are here taking care of me." aniya at ngumiti ako.





Kahit papaano mabait naman si Allen... na kahit madalas niya akong inaasar ramdam ko ang pagiging mabuti niyang tao.





"Thank you, Abelle." he said it habang mapungay ang mga mata.





"I should be the one saying that... you waited for me that night and I am grateful for that." tanging na sagot ko.




Tumango siya at nagtanong. "Uuwi ka na? We should have a breakfast first."




"That will do. Okay lang. Sigurado ka bang okay ka na? Ha?" agap ko.




"I am, Abelle. Wag kang mag-alala malakas na ako. Maasar na kita.'' aniya.






Tumango ako at bumaba. Tita saw me and she directly talk to me. "Sa taas ka natulog, hija?"




"Ahh... opo, Tita, pero sa couch lang." pagsisinungaling ko. Nakatabi ko si Allen kagabi and nothing happens. Tinabihan ko lang siya kasi tinutuknaw siya. It's a love for humankind. Yon lang yon.




"Ah.. ganun ba?" si Tita na parang na disappoint pa sa sagot ko sa kanya.






Tumango ako at ngumiti naman siya. " I will just prepare the medicine of, Allen. Okay naman siya pero kailangan niya pa ring uminom ng gamot, Tita. At tsaka po baka mamayang hapon na po ako uuwi."






"Okay. Thank you for taking care of my son. I bet you will be a good wife to him in the next few months." aniya at ngumiti na lamang ako.




"We should have our breakfast first." si Tita kaya tumulong na ako sa paghahanda. Pagkatapos namin noon ay bumaba na rin si Allen. This is my first time eating with the family of Allen. Katabi ko si Allen at patuloy kami nang nagtanong ang Dad niya.





"Do you have a good sleep, son? Alagang-alaga ka ni, Abelle. You should be grateful."



"I am, Dad. I am grateful to my future wife." si Allen kaya naman siniko ko siya sa ilalim ng mesa.






Tumingin sa akin si Allen na parang tinotoo niya nga ang sinabi niyang aasarin niya na ako. Inabot niya pa sa akin ang tubig kaya naman mas ngumiti ang dad at mom niya.




"Allen, nasa lamesa tayo. Umayos ka, sasapakin kita mamaya talaga." bulong ko pero pinagmasdan niya lang ako habang ngumingiti. That evil smile of him was teasing me kaya mas pinili kong sumubo na lang at makipag-usap sa parents niya dahil kung pagmasdan ko lang si Allen sa tabi ko, maiinis lang ako.







Nang hapon na iyon matapos ko ring mapainom ng gamot si Allen ay maging okay na rin siya. Hinatid niya ako sa bahay ng hapon yon... at nang pumasok siya para magmano sa mom at dad ko hindi ito agad nakauwi. Kinausap siya ng parents ko at heto ako sa tabi niya.




Madalas bumubulong siya sa tenga ko kaya nakikiliti ako at nang ginawa niya pa iyon ay nakita ni mom at dad, nakangiti.






I'm Into You (Aliser Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon