A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Gentle
Alam kong galit sa akin si Allen. He wasn't expecting that hug. I know he's mad at me. Hindi na ako ng reply sa kanya at sumakay nalang ng taxi at pumunta sa AAC.
I arrived there safely. Agad akong pumunta sa office ni Dad at Mom.
"Hi, Mom, Dad. Hapon na po. Hindi pa po ba tayo uuwi?" Sabay mano ko sa kanila.
"Uuwi na. Hindi ka sinundo ni Allen?" Si Mom.
"Ah... hindi ako nagpasundo. Ah... Ma, Pa sasabay na ako sa inyo pauwi."
"Nag-away ba kayo ni Allen?" Si Dad.
"Hindi po."
Hindi naman talaga kami nag away pero alam kong galit yon. Kailangan ko pa palang puntahan yon sa office niya.
"Sumabay ka na sa kanya. Nasa kabilang office lang sya. Sasama din sya sa atin dahil may pag-uusapan kami." Si Dad.
"Okay po."
No choice kaya naman, pinuntahan ko na.
May secretary sa labas kaya naman nagtanong muna ako kung busy ba.
"Is he busy, Miss?"
"Ah... hindi po. Fiancee niya po kayo diba? Pwede na po kayong pumasok agad. Kabilin bilinan niya sa amin na kapag may mahalagang tao na kailangan siyang makausap, papasukin po agad." anito kaya naman tumango na ako.
Nasa harap na ako ng pinto nito pero hindi ko kayang buksan. Pinagmamasdan na nga ako ng sekretarya niya.
I decided to open it by starting to hold the door knob pero nagbukas iyon bigla.
Nagkatinginan kami ni Allen. Naka salamin ito ng itim, seryoso at mukhang nagmamadaling lumabas.
"I'm on my way to pick you up. Hindi ka nagrereply. Nandito ka na pala." aniya sa akin. Hays ang cold.
"Hmm... hindi na kita inabala pa." Tumingin ako sa baba.
"Get inside." aniya kaya pumasok na ako sa office niya.
"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko habang umupo sa couch niya.
"Hmm... we'll wait for your Mom and Dad."
Tumango ako sa kanya. Pinagmamasdan ko nalang ang view sa office niya. Kitang kita kasi ang mga ulap at ang mga buildings din sa ibaba.
Pumasok ang sekretarya ni Allen. Kaya nakuha ang atensyon ko.
"Sir Allen, sabi ni Ma'am Ester, nauna na daw po sila. Sumunod na lang daw po kayo." aniya.
"Okay. Thank you." si Allen. Tumayo na ako at inantay ako ni Allen na unang lumabas sa office niya.
Nasa loob na kami ng sasakyan niya at nagmamaneho na siya. Sa sobrang tahimik na walang gustong mag salita mula sa aming dalawa para kaming kinain ng lupa.
Dumating kami sa bahay ng walang imikan. Na tapos na kaming kumain pero wala parin kaming imikan dalawa. Buti na lang hindi na nagtanong si Papa.
Nasa veranda sila, nag-uusap. Pasimple akong nagmamasid sa kanila, actually gusto ko siyang makausap talaga.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
Storie d'amoreIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...