Kabanata 7

21 8 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Problema

Kinaumagahan sinundo pa rin ako ni Allen. As usual nagpapaalam pa rin siya sa parents ko na aalis na kaming dalawa. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa kotse niya pero tahimik parin kaming dalawa.



"Ka-kumusta ka?" tanong ko sa kaniya para mawala ang tahimik naming aura kahit kinakabahan ako.



"I'm okay and you?'' aniya kaya tumingin na rin ako sa kanya.




"Good," umayos ako sa upo dahil kailangan ko rin siyang kausapin tungkol sa vacation na sinasabi ni Aiden.




"Ahm... nga pala baka bukas ang alis ko," tumingin siya sa akin na parang hindi naniniwala... basang basa niya iniisip ko.





"Ah... namin ni Aiden. Sa hotel kami magbabakasyon with fun... tutulungan ko kasi siya sa pinag-aaralan niyang research ngayon. My alibi to my parents is.... papahinga lang ako doon."





"Tita and TIto will not believe you. Tell them kasama mo ako. Hindi sila papayag niyan at isa pa magtataka sila. Don't worry kung sakaling puntahan nila tayo ako na ang magsasabing huwag na maiistorbo tayo. I'll make sure of that. Just tell me kung saang hotel. I'll book for myself. Wag kang mag-alala hindi ako nanggugulo. I'll behave and iiwas ako sa inyong dalawa." aniya at seryoso siya sa sinasabi niya.




"Pero... paano kung pupunta nga talaga si Mom and Dad, Allen?"





"Hindi sila pupunta. Don't say kung saang hotel and then bago ka umalis... I will talk to them na kunwari sinusundo na kita para makapag vacation tayong dalawa." aniya.





"Pero.... paano kung maniwala na talaga sila na gusto natin ang isa't isa huh? Paano kung baka pilitin pa nila tayo dahil sa ginawa nating dalawa?" agap ko.




Tumingin siya sa akin nang dumating na kami sa hospital pero nag-usap parin kami sa loob ng sasakyan niya.





"Gusto kita pero ang iba ang gusto mo. I respect that, Belle. Kung maniwala man sila yon ay dahil totoo ang nararamdaman ko para sayo. Just trust me. Ako na ang kakausap sa dad at mom mo. Just don't tell them kung saang hotel."




Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo sa kanya. Aamba sana akong yayakap sa kanya pero nailang ako kaya hindi ko na ginawa.





Pumasok ako sa trabaho ng araw na iyon. Hindi ko rin alam pero ng araw na iyon ang bilis ng oras kaya naman bago ako umuwi nagkausap pa kami ni Aiden, sabi niya bukas na kami aalis. And I'll told him na ako na ang pupunta sa hotel na sinasabi niya. Na hindi niya na kailangang sunduin ako dahil medyo mala-late ako. That was my alibi at okay naman siya doon. Ang totoo naiisip ko iyon para sabay na lang kami ni Allen na magtungo roon sa hotel na sinasabi ni Aiden.






Ayaw ko namang sobrang mahirapan pa si Allen, ako na nga ang may kailangan nito, ako pa ang mag pagpapahirap ng sitwasyon naming dalawa. Bago niya pa ako sunduin... ay itenext ko na rin siya na sabay na kaming tutungo sa hotel na sinasabi ni Aiden total ideya niya naman na kailangan niya ring magpabook doon para hindi kami mahalata ng parents ko. Sinundo niya ako sa hapong yon at nag-usap rin kami.





"Nakausap ko na Mom and Dad mo. Susunduin kita bukas dito gaya ng napag-usapan." aniya.






"Hmm... Salamat, Allen." agap ko at tumango lang siya.





Simula kahapon ramdam ko na.... na mas naging seryoso si Allen at maingat sa akin. Hindi niya na ako masyadong inaasar at nagiging strikto at seryoso ang aura niya palagi. Hindi na niya ako inaasar na parang ganun talaga ang ugali niya noon pa. Pero nung nakilala ko siya mahilig siyang mang-asar kaya kakaiba siya nitong mga nakaraang mga araw. Parang may problema.





"Salamat sa pagsundo at paghatid, Allen. Salamat sa lahat." agap ko at tumango siya at umalis na.





Wala si Mom and Dad sa hapon na iyon at ang sabi ng kasambahay namin may lakad pa sila ni Dad kaya magagabihan. Mag-isa akong nagdinner kaya nang matapos ako agad akong nagtungo sa kwarto ko at naisipang tawagan si Allen.




"Hello?" Paunang salita ko dahil sinagot niya rin naman ito agad.




"Belle?" aniya sa akin.





"Hmm... ah... bukas pala dito na tayo sa bahay mag-agahan. Pagluluto kita, ano bang gusto mo? tanong ko sa kanya.




"Anything." aniya.





Kahit mga salita niya ay tipid narin simula kahapon. Naninibago ako sa kanya dahil nag-iba na ng konti si Allen akin... yong pakikitungo niya ay tipid lang sa akin.





"Hmm... sige... ibababa ko na. Thank you ulit, Allen." hindi na siya sumagot pa kaya binaba ko na ito agad.





Maaga rin akong tulog at kinabukasan ay nabasa ko ang message ni Aiden sa akin midnight ng gabi.






"See you tomorrow, Abelle. Goodnight."







Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagluto na ng adobo at kaldereta. Naglagay din ako sa tupperware nun.... hinihintay ko lang na dumating si Allen.






Nag-antay ako kay Allen.... tatawag na sana ako pero nakatanggap ako ng message mula sa kanya.






"Nasa parking area na ako ng bahay niyo. Kumain na ako. Its okay, wag ka ng magluto bago kapa malate at mainip kakahintay pinsan ko. Hindi na ako papasok. I'm here, waiting. Kung hindi ka pa nakakain, eat first. Don't get pressured. Okay lang. No need to rush."





Sa message niyang yon halatang hindi niya siguro kaya na makita ako sa umagang ito. Kahit sinasabi ko naman sa kanya na ipagluluto ko siya pero halatang umiwas siya sa akin. Nawalan ako ng ganang kumain kaya naman nilagay ko na lang iyong niluto ko lahat sa tupper at nilagay sa ref.  Dinala ang ibinaon na luto sa dalawang maliit na tupperwares at lumabas na.





Agad akong nagtungo sa parking area ng bahay at naroon nga siya kausap ang isa sa mga drivers namin. Nakatanaw siya sa akin dahilan ng pagpapaalam niya sa isa sa mga drivers namin. Pinagbuksan niya ako, kinuha ang gamit na dala ko at nilagay sa likod.





Kahit na sa parking area pa kami... hindi ko na matiis kaya nakapagsalita talaga ako.




"May problema ka ba sa akin, Allen?'' agap ko na ikinagulat niya.





I'm Into You (Aliser Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon