A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Truth
Nagpaalam na sa akin si Allen na aalis at susunduin niya na lang ako mamaya. Tumango lang ako sa kanya at binigyan niya naman ako ng halik sa noo.
Inaayos ko naman ang lamesa ko para may makapasok na na pasyente pero habang nag-aayos ako ay nasa may pinto na pala si Aiden.
He was looking at me like he was about to say something pero nagpipigil.
"Oh... andiyan ka pala, Doc Aiden."
"Can we talk?" aniya.
"Oo naman. Have a seat." Umupo kami sa sofa.
Ngayon ko lang siya nakita na seryoso pero kalmado naman. Tumitig siya sa akin at nagsalita na.
"Abelle... gusto kong magkwento sayo. About my past. Because I want you to at least understand me... and I want us to be still friends. I don't want awkwards and I don't want you get mad." aniya. Tumango naman ako at nakinig muli.
"Hindi naman ako galit at nauunawaan kita. Hindi ako nagtatampo ah. Baka kasi iniisip mo 'yon."
"I'm glad na hindi ka nagtatampo." Aniya at ngumiti naman ako.
"Abelle, when you confess to me sa hotel, hindi ko talaga alam na may gusto ka sa akin. I was your senior back then. I appreciate that you have like me but here's my story." umayos siya ng upo at nagsimula ng magsalita.
"I was in love with someone else. I've been with her for three years. I ask her to marry me and she said yes. That was the most precious time I have. I'm so in love with her, so in love, Abelle. Hanggang ngayon hindi ko alam... sobrang sakit. She was on flight... wala e... nagcrash daw. Hindi ko nakita ang bangkay niya. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Is she dead? Or is she alive? She could have been my wife but nothing happen because of that accident." ito ang unang beses na nakita kong tumulo ang luha ni Aiden.
I was grateful na wala na masyadong pasyente habang lumalim ang usapan namin ni Aiden.
"Aiden, you can cry. I'm here... listening." Niyakap ko siya habang ramdam ko ang lungkot niya. Now I clearly know.
"Kahit na... sinasabi ng isip ko na wala na siya, Belle, sinasabi ng puso ko nandiyan lang siya. She's waiting for me to find her. I've never been in a relationship after her... I am so in love with her and I could not afford to lose her but I couldn't find her until now. Tatlong taon na siyang nawawala." aniya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya kaya niyakap ko na lang siya.
Patuloy siya sa pagkwento at inaalo ko siya para maibsan ang lungkot niya. Naiintindihan ko siya... naiintindihan ko ang lungkot niya.
"It's okay, Aiden. Alam kong kaya mo ito. I'm not mad and were still friends. I confess because I also wanted to clear things from myself. I'm your friend, Aiden. Nauunawaan ko talaga ang nararamdaman mo, Aiden. Nandito lang ako. Nakikinig sayo bilang kaibigan mo." nakayakap parin siya sa akin kaya tinatapik ko ng marahan ang likod niya.
Ilang minuto din bago ko siya napakalma kaya naman ng medyo okay na siya agad ko siyang nginitian at nagsalita.
"You're such a gentleman and respectful man, Aiden. Kaya siguro naging crush kita. Napaka tapang mo at napaka swerte ng babaeng mahal mo. Kaya lumaban ka ha? Mahahanap mo siya. Kaya mo ito at lagi lang akong nandito. Kaibigan mo ako. Anything you need, I will try my best to help you." Niyakap ko siya at nagbukas muli ang pinto ng office ko dahilan para makita kong muli si Allen. He was shocked when he saw me hugging Aiden. He closed the door and left.
"Thank you for listening to me, Abelle. I'm sorry if I could not love you romantically. And I'm sorry dahil ang manhid ko naman para huli ng malaman ang nararamdaman mo." aniya at bumitaw na sa yakap.
"Gusto lang kita, hindi rin ako sure kung minahal ba kita. But don't worry, Aiden, okay lang ako. Isa pa masaya ako ngayon. Sobra. I was child then when I like you but changes are there. I like you back then. You were smart, gentleman and of course you are handsome. Sino bang hindi magkakagusto sayo." I smiled as he smiled at me.
"So were good? Hindi ko lang kaya. Ayaw kong mawalan ng kaibigan. Akala ko kasi iniiwasan mo talaga ako because you were mad at me." aniya.
"Of course not." Tipid kong sagot.
Iniisip ko si Allen baka kasi umalis. Ano kaya ang iniisip nun.
"Is my cousin really courting you? I would love to see you happy with him. He's a good man, Abelle. He is." Anito.
"He's courting me. And I was bound to marry him, Aiden. He was gentleman. He never forced me for anything and rather helped me to decide whether I could marry him or not. Pero sa isang sa ilang buwan na kinilala ko siya... he's actually compelling and he's sweet. Mapagpasensya and wala lang, ang kulit. Tapos mas nakilala ko pa sya ng lubusan sa loob ng isang buwan, bago ako ikasal sa kanya. Hindi ko alam but he's making me fall for him which is very effective." hindi ko namalayan na ngumingiti na pala ako.
"You're fixed marriage then, but I think you're in love, Abelle. You are. Ngayon lang kita nakitang sobrang saya. Kaya pala napapansin kong may something sainyo noong kumain tayo sa isang fast food na kainan. Swerte naman ng pinsan ko." anito.
"Side with me then. Wag mong kakampihan yon kapag mag-aaway kami." Tumango siya and we laughed both.
"Hapon na. Off ko na. Its five, Aiden. Uuwi ka na?" Tanong ko habang niyakap siya ulit.
"Ahh... yes. Hatid na kita?" Aniya.
"Hindi na. Susunduin ako ni Allen. If you need anything magsabi ka lang Aiden ah. I will find ways to help you find her. Nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap. Magtiwala ka sa puso mo. Kung nararamdaman mong nandyan lang siya, then believe with it." Niyakap ko siyang muli.
"Thank you, Abelle." aniya kaya naman hinatid ko na siya sa labas.
Nang nakabalik narin siya sa rrsting room niya agad akong lumabas sa hospital kung nandoon pa ba si Allen pero wala na. Nakatanggap ako ng message mula sa kanya.
"Just text me kung tapos na kayo, Belle. Susunduin kita." Text niya. Ramdam ko ang pagiging cold nito kahit sa message niya lang.
Agad ko ng kinuha ang bag ko at sumakay ng taxi patungong AAC. Hintayin mo lang ako Allen... may sasabihin ako.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
RomansaIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...