A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Kasinungalingan
Bago paman kami gumawa ng milagro ay agad akong bumangon sa kama at pinatayo si Allen sa kama ko.
"Umuwi ka na, gabi na." hinila ko siya but he was just teasing me.
"Ayaw mong gawin natin? Hmm?" aniya at lumapit sa akin at tinutukan ang namumula kong mukha.
"Ano ba! Sige na, umuwi ka na." agap at nahila ko na siya palabas ng kwarto ko.
"Ayaw mo ba talaga?" aniya ulit alam ko namang namimikon lang siya.
"Kung makapagsalita akala mo naman kung kaya talaga. Alam ko no. Ayaw mong ma disappoint si Dad gayong alam ko namang gustong-gusto ka niya para sa akin."
Sinabi ko iyon sa kanya dahil alam ko naman na sobrang nirerespeto niya talaga si Dad. Naiintindihan ko naman kung bakit gusto siya ni Dad. Allen was really a gentleman. Alam ko naman kung bakit gusto nila sa Allen para sa akin. Wala ka naman talaga kasing hihilingin kung si Allen.
"So... inaamin mo na gusto talaga ako ng dad mo? Hmm? Baby?"
"Oo na. Actually, kahit si Mom. Lumalaban kayo iyon sayo. Gusto ka niya para sa akin. Ano bang ginawa mo sa kanila ha?" tinitigan ko siya na para bang namimintang ng ano.
"Gusto nila ako para sayo kasi alam nila kung gaano ako ka seryoso sayo at kung gaano kita ka mahal. Yon lang yun. Hindi mo ba nakikita?" aniya.
Nang sinabi niya iyon parang nasaktan ako. Oo, sauna pa lang kahit na nararamdaman ko namang seryoso si Allen parang ayaw ko siyang ibigin. Nagbulag bulagan ako dahil din siguro mas gusto pa ako kay Aiden nun. Pero nang nagtagal hindi ko rin naman nakayanang humindi sa kanya, kay Allen.
"Alam ko. Takot lang akong mahalin ka pero sinabi ko na gusto kita." sabi ko habang nakatitig lang sa kanya.
Nang sinabi ko iyon, nakangiti na naman siya, abot tenga. "Tara na ihahatid na kita sa labas. Kinikilig ka no?" tanong ko.
"Oo." walang preno niya talagang sinabi.
"Hindi mo talaga kayang pigilin ang mga sagot mo no?" agap ko habang natatawa pero hinalikan niya lang pisngi ko.
Hinatid ko na si Allen sa labas habang na sa loob na siya ng sasakyan niya. "Sige na. Mag-ingat ka, love." I kissed his cheeks. Ayan na naman siya di na naman mapawi ang ngiti sa labi niya.
"Okay, goodnight baby." aniya at tuluyan ng naka alis.
Pumasok na ako sa bahay. Nagtungo ako sa kwarto ko dahilan para mapa-isip ako. Hindi ko na sabi kay Allen na aalis ako bukas at sa ikalawang araw pa ako makaka-uwi. Mahabang biyahe sigurado ang lalakbayin namin ni Doc Aiden.
Natatakot lang naman akong sabihin sa kanya na aalis akong kasama si Doc Aiden paniguradong iba na naman iisipin nun. Napakaseloso pa naman ng lalaking iyon. Gusto ko ang pagiging seloso niya pero ayaw kong mag-away kaming dalawa.
Iniisip ko lang iyon, kinakabahan na ako. Pero hindi pwedeng hindi ko sasabihin sa kanya na aalis ako bukas dahil magtataka iyon. Wala si Mom and Dad kaya kung sakaling mag-explain si Allen sa kanila kung nasaan ako at kailan ako makakuwi, paniguradong hindi na sila magtataka kung nasaan ako.
Kaya naman naisip ko na sasabihin ko na may seminar ako sa Aklan at may kikitain na pasyente. Paniguradong mauunawaan niya naman iyon basta hindi niya lang malaman na kasama ko si Doc Aiden.
Natatakot mang tawagan siya pero wala na akong oras. Gumagabi na rin kaya kailangan kong sabihin sa kanya, na wala ako bukas at hindi niya na kailangang sunduin pa ako. Sasabihin ko na lang na nakalimutan kong sabihin sa kanya kanina.
I dialed his number and he picked it up.
"Love? Tulog ka na?" malambing ko iyong sinabi sa kanya.
"No, baby. You want to talk?" aniya. Ang lamig ng boses ng lalaking ito.
"Ahm... yes. May sasabihin ako. Wag kang magagalit ah?" agap ko.
"Hmm... ano ba iyon, baby?"
"Wag mo na akong sunduin bukas dito ah? May seminar at kikitain akong pasyente sa Aklan. Nakalimutan kong sabihin sayo kanina e. Sa pangatlong araw pa ako makakuwi, love."
"Bakit hindi mo iyan sinabi yan kanina, Belle?"
"Galit ka? Nakalimutan ko kasi. Sorry na po." I'm trying my best not to laugh at myself.
"Sana sinabi mo kanina para mas nagtagal ako sa bahay niyo. Tatlong araw kitang hindi makikita mamimiss kita." aniya sa kabilang linya.
"Babalik din ako, love. Promise pag-nakauwi na ako magda-date tayo."
"Okay." Nagdadalawang isip at parang napilitan na lamang. "Mag-iingat ka palagi. Tumawag ka sa akin para hindi ako mag-alala. Ako na magsasabi sa Mom and Dad mo." aniya kaya naman napangiti ako.
"Oh sige na. Matulog ka na love, may trabaho ka pa bukas. Maaga din akong aalis. Goodnight, love. "
"Goodnight, baby." aniya sa akin.
Napabuntong hininga ako sa kagaguhan na ginawa ko. Gumawa ako ng kasinungalingan. Paano ba naman umiiwas ako sa gulo. Paniguradong mag-aaway sila ni Doc Aiden.
Bahala na nga sana lang maging okay ang lahat. Ayaw ko kasi na kamuhian ni Allen ang pinsan niya. Ang pangit kasing pakinggan.
Humiga na ako sa kama at hindi makapaniwala sa mga ginawa kong kasinungalingan. Belle, naghahanap ka talaga ng away sa ginagawa mo. Wag kang papahuli kundi talaga mahihirapan kang ayusin ang lahat ng ito. Bulong ko sa sarili.
Wala naman talaga kasi akong choice, alangan namang umayaw ako kay Aiden. I said I will help anything para lang mahanap ang babaeng mahal niya, para mahanap niya na ito. Tapos ngayong kailangan niya ako, aayaw ba ako? Syempre parang hindi naman tama. Ito naman ang una at huli ko ng gagawin no.
My phone vibrated, akala ko tawag yon pala message.
"Hi, Doc Abelle. Wag na tayong magkita bukas. Susunduin kita at five on time. Maaga talaga tayo bukas. Sorry at napa-bukas pala agad. I directly put on leave sa schedule nating dalawa. Salamat sa pagpayag mong sumama sa akin. Gusto ko sana na makilala mo rin siya." message ni Doc Aiden
"Oo naman walang problema. Maghihintay ako sayo dito sa bahay. Goodnight, Doc Aiden." reply ko.
Biglaan talaga ang pag-alis namin ni Aiden. Akala ko pa nga sa lunes na pa pero hindi na. Tutulungan ko siyang mahanap ang babaeng mahal niya at tsaka, oo, gusto ko rin siyang makilala. Masaya talaga ako para kay Doc Aiden. Kung ako nga sa posisyon niya hindi ko siguro makakayanan ang lahat ng pinagdaanan niya.
What they have is a never ending love. Nakaka-amazed lang.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
RomanceIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...