A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Ulan
"Bakit ka napa-tawag? Gabi na kaya." Agap ko ng naramdaman kong gumalaw sya sa kama niya.
"Wala lang. I was just observing kung hinihintay mo tawag ko?" Anito. Ang feeling talaga.
"Hoy! Ang kapal mo ha! May gusto ka sa akin no?" Pang-aasar ko.
Matagal ito bago sumagot sa akin kaya natahimik din ako sa linya. Pero nang hindi sya nagsalita mas lalo akong nangamba, may nasabi ba akong mali?
"Ahm... joke lang naman." Nagsalita na ako at sumagot naman ito agad.
"Ikaw may gusto ka ba sa akin?" Tanong nito. Nagulat ako at medyo natagalan sumagot.
"Hindi no! Alam mo naman kung sinong gusto ko. Pinsan mo." Diretso ko yong sinabi sa kanya at diretso rin itong sumagot saakin.
"Paano ba iyan gusto din kita." Sagot niya.
Kinabahan ako sa sinabi niya but at the same time feel ko inaasar niya lang ako.
"Hoy! Pwede ba wag kang magloko. Hindi nakakatawa ah. Kakainis ka!"
"Hindi naman ako nagluluko." Tipid niyang sagot.
"Kung inaasar mo-"
"Hindi kita inaasar, Abelle. Gusto talaga kita." Seryoso niya yung sinabi.
"So, sinasabi mo bang agad mong nagustuhan ang fiancée mo? E, paano na lang kung hindi ako ang naging fiancee mo tapos pakasal ka sa iba? Wag mong sabihing..."
"Luckily, ikaw sya. Ikaw ang fiancée ko." Anito.
"Pwede ba! Matutulog na ako."
"Teka lang, Abelle. Wala naman akong sinasabing dahil gusto kita kailangang gustuhin mo na rin ako. Walang ganoon. Kung anong nararamdaman ko di mo na kailangang suklian o hindi mo yon kailanman obligasyon. Ang akin lang, magiging asawa mo ako. Paano ba iyan? Mapipilitan kang pakasalan ako. And don't think that I am taking that advantage. Wala din akong choice. I was bound to marry you." Anito.
"Hindi ko rin alam, Cullen." Sagot ko at umayos ng upo sa kama.
"Don't call me, Cullen. It's Allen. People call me, Allen."
"Yon nga nakapagtataka why they are all calling you, Allen. Malayo naman sa Cullen Jake Aliser." Sagot ko at narinig kong suminghap siya sa kabilang linya.
"Bakit?" Tanong ko.
"You memorized my name. "Anito.
"Hindi no! Hindi ko alam ang middle name mo."
"I'll tell you, then. It's Davish." He spoke. Sweet and warm.
"You don't have to tell me." Sagot ko.
"I have to, you're about to marry me. Pero iba ang gusto mo. I'll talk to your parents and my parents. Sasabihin ko munang isang buwan pa, isang buwan pa bago ang kasal. I'll help you. I'll give you time to think about your feeling towards, Aiden. Kung mahal mo talaga siya you have to talk to your parents regarding our wedding. Wag na natin paabutin pa na ikakasal ka na sakin bago mo marealized na mahal mo talaga si Aiden. But just a reminder, don't get hurt. Thats it. Goodnight." Si Allen at tuluyang ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
RomansaIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...
