Kabanata 11

42 7 0
                                    

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Date


Pagkatapos kung mag-impake sa lahat ng gamit ko ay agad ko ulit tinawagan si Allen. Napa-upo ako sa edge ng kama at pagkatapos ay agad na di-nial ang number niya.




"Hello?" aniya





Napangiti ako na parang tanga. Hindi ko alam na sa bawat bigkas niya ng mga salita ay napapangiti ako sa tuwing naririnig ko iyon.





"Belle?" ulit niya dahil nga iba na naman nasa isip ko.





"Ah... Allen.. uwi na tayo?"





"Kala ko ba matagal pa kayo ng crush mo?" agap niya na medyo ikina inis ko pa talaga. Ang babaw.






"Hindi na! Tapos na kami. Papa-iwan na lang daw siya. Marami pa siyang gagawin. Wag ka na magtanong. Antayin kita sa labas?"






"Okay pero dahil tapos ka na pwede bang wag mo na tayong umuwi? Let's have a date. Nanliligaw ako. Hindi ba?"





"Hmm... ikaw bahala ka." hindi na ako nagpahalata sa kanya. Ayaw ko talaga na malaman nya na umamin na ako at tapos na ako kay Aiden.





Siguro nga mahabang panahon kong nakilala si Aiden at naging magkatrabaho pa kami. Pero masaya ako na umamin na ako at kahit alam ko namang wala siyang gusto sa akin... ginawa ko parin ang gusto ko. Walang pagsisisi iyon.





Allen, hinding hindi ako papahalata sayo. Let's see kung saan tayo dadalhin ng mga nararamdaman natin. Kakapit ba ako kung isang araw marealized kong dahil sa mahabang pasensya at pagmamahal mo... mahulog ako sayo... ng sobra?



Let's wait for our fate...




Agad na akong bumaba at kita ko na sa malapitan si Allen, nakangiti. "Gentleman?" tanong ko. Paano ba naman agad niyang kinuha ang gamit ko at nilagay sa likod ng kotse niya.



"I am as always." aniya at kinindatan pa ako. Halatang inaasar na naman ako sa galawan niya.




"Kinikindatan mo pa ako ha. Taas ng kumpyansa sa sarili ah." pagbibiro ko pero nagkibit balikat siya sa akin at lumapit.





"Hmm... bakit?" gulat ako ng ginawa niya iyon kasi talagang ang lapit na namin sa isa't-isa.


"Fixing your seatbelt. Kalma, I'm a gentleman." pangalawang pang-aasar niya na iyon sa akin.





"Ako na." agap ko pero tapos niya ng maayos ang seatbelt ko.




Agad niyang pinaharurot ang sasakyan at tuluyan na nga kaming nakaalis doon. Nasa gitna na kami ng daan at ng tinignan ko ang side mirror talagang traffic nga talaga. Ang daming nakahintong sasakyan sa likod.



"Should we have a music?" aniya sa gitna ng traffic. Tumango naman ako.





Nang binuksan niya... tumugtog yong a thousand years ni Christina Perri. Tumingin ako sa kanya at ngumiti na lang. Hudyat na iyon na lang ang patugtugin.



"Hmm.... a thousand years... pero hinaan lang natin para rinig natin ang labas," agap ko at siya naman tong tumango.





Paunti-unti kaming nakakaabante sa traffic. Hanggang sa nakawala na nga. Ilang minuto din kami sa biyahe. "Saan mo ba ako ide-date, Mr. Aliser?" tumingin ako sa kanya.




"Let's eat here. Food at Paradise." agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Dito na pala yon?






Sabay kaming pumasok, dala ko ang chanel na bag ko at maingat niya akong hinawakan. Gosh! Hindi ako lumpo. But I knew it... he's a gentleman.





"Let's take a seat." aniya. "I have to talk to my friend here, she's a chef ... I think boyfriend niya pinsan ko, give me a minute." tumango ako sa sinabi niya at umalis na siya.




Kalaunan dahil wala pa siya at dumating na iyong inorder niya para sa amin hindi naman ako nagreklamo dahil sa mukha pa lang ng pagkain ay masarap na. I waited him dahil yong food namin nandito na, siya na lang ang wala.




I was bored at hindi ko ginalaw ang pagkain. Nag Cellphone na lang ako. Inantay ko siya at
ang ilang minuto ay dumating na nga siya.



"Hindi ka pa kumain?" aniya.





"Date ba 'to? Pinaghintay mo ng ilang minuto ang nililigawan mo? Nawalan na ako ng gana." tiningnan ko siya kaso lang nagawa niya pang ngumiti.




"Anong nakakatawa huh?" hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako sa kanya. Dahil ba iyon sa tagal niya o dahil nagugutom lang naman talaga ako.



"Sungit mo naman." aniya at nagawa pang ilapit ang mukha sa akin at pinagmasdan ako.




Doon ko napagtanto na parang lumalambot ang puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon? Tanga ba ako? Wala naman akong nararamdaman sa kanya diba o do I have feeling for him na hindi ko lang alam?




"Hmm... bakit di maka-sagot?" aniya.





"Ahh... kumain na tayo." tinapos ko na ang usapan namin at sabay kaming kumain pero sa bawat subo ko ay iniisip ko pa rin iyon.




Pagkatapos naming kumain ay pinakilala pa ako ni Allen sa di umano'y kaibigan niya, kakilala.




"This is chef Arra," si Allen sa akin. "And this is my girlfriend, chef Arra." aniya kaya pumalag ako.




"Hindi ah!" nagtataka tuloy iyong chef. "Anong girlfriend?!" dagdag ko pa.




"Sorry chef ah... ang sungit lang niyan, ayaw niya rin akong maging kaibigan. Ayaw niyang maging girl-friend ko siya." Si Allen, huli na ng narealized ko ang biro niya.




Tumawa ang chef at inalok na lang ako ng kamay niya upang bumati. Tinanggap ko iyon at ngumiti nalang dahil sa pinangagawa nitong si Allen.





"I'm Abelle, chef Arra. I'm his friend not his girlfriend to clarify." Ngumiti ako at tumango ito sa akin at agad rin naman kaming nagpaalam sa kanya.





"See you at a time, Allen, Miss Abelle." aniya at hinatid pa kami sa labas.




Nang nakaalis na kami ay agad kong sinapak ang mokong na ito. Pero bago iyon na appreciate ko ang roses na binigay niya sa akin.




"Ikaw ha! Wag ka nga gawa gawa ng storya. Nakakainis ka." I rolled my eyes pero ninakawan niya ako ng halik... halik sa pisngi.




"Wala akong masamang sinabi, lahat ng iyon ay katotohanan, you are my girl-friend. Hindi ba?" aniya kaya naman aamba na sana akong bubugbugin siya kaso lang nagsalita siya.




"Sige nga, ituloy mo. Hahalikan na talaga kita sa labi. Seryoso ako, Abelle. Nanghahalik talaga ako." banta niya kaya inis akong ibinaba ang kamay ko at patuloy siya sa pagmamaneho. Mokong na ito!





Nakasimangot ako habang nagmamaneho siya. "Pupunta tayo sa AAC. I'll show you the company, madadalaw mo pa Dad mo." tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo sa kanya.




"Belle?" aniya





"Hmm..."





"Hanggang ngayon.... gusto mo parin si Aiden?" tanong niya kaya agad akong nag patay malisya.




"Hey.... why are you not answering?" aniya.






"Ah... bakit?" kunwaring hindi ko narinig.






"Sabi ko hanggang ngayon gusto mo pa ba si Aiden?" aniya kaya marahan akong tumango sa kaniya.






"Hmm... still, I'll make you fall in love with me. I'll win your heart." aniya. Taas ng confidence.




I'm Into You (Aliser Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon