A/N
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Wedding
"Komportable na kayo sa isa't-isa. So, bakit niyo pa ba ipapadelay ang kasal ng one month huh? I am happy to see you two na masaya at hindi na nagkaka-i-langan. And Allen, Abelle took care of you? Am I right?" si Mama.
"Yes, Tita. Ah... yong sa kasal po ibigay niyo na lang po sa amin yong one month na iyon. I think mas maganda 'yon bago kami ikasal. Mas makikilala namin ang isa't-isa." Giit ni Allen kaya naman hindi na umangal pa si Mama at tumango na lamang kay Allen.
Nang hapong yon umalis si Allen. Nagpaalam siya kay Mom and Dad na kailangan niya na ring umuwi dahil may trabaho pa sa kompanya bukas. Nang gumabi na nagtext pa siya sa akin at dahil doon napa isip pa ako.
"Nanliligaw ako sayo, at kasabay nun ang pag-usisa mo sa totoong nararamdaman mo kay, Aiden. And your mom pressured us to get marry as soon as possible. Isn't it funny?" Text ni Allen.
Napa-isip din ako talaga sa sinabi niya. Sabi niya liligawan niya ako at walang pressure yon para sa kanya. Pero here I am... nalilito rin ako. I am bound to marry, Allen.... and he likes me for real. He admit that. Pero na sa isip ko parin si Aiden.
Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin sa kanya na gusto ko siya noon pa at ikakasal na ako. At kung ano man desisyon niya pagkatapos kung sabihin ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya, hindi ba't ginawa ko talagang second choice si Allen? Dahil kay Allen rin ang bagsak ko? If Aiden doesn't have any feelings for me and if I was really just here friend... and... he's still not moving on to his ex fiancée who died... siguro nga ginawa kong second choice si Allen. Ang sama ko naman kung ganoon.
Buong gabi ko iyon pinag-iisipan. I promised that I will marry Allen. Pero iba ang sinasabi ng pagkatao ko. I am still hoping na may nararamdaman si Aiden sa akin. Ilang taon na kaming magkatrabaho at higit sa lahat ilang taon na kaming magkasama. Aiden is a silent man... mysterious ika nga. Pero nung sinabi sa akin ni Allen ang lahat tungkol sa kanya, doon ko lang narealized ang lahat. He's mourning.
At kahit alam ko naman talaga sa sarili kong mahal niya pa ang babaeng yon at wala akong pag-asa, may parte sa akin na naniniwalang mahal niya ako. Pabalik balik ako sa kanan at kaliwa ng kama. Hindi ako mapakali dahil sa dami ng iniisip ko.
Iniisip ko kung bakit rin ako pumayag na ligawan ni Allen kung ganoong mahal ko si Aiden? Hindi ba't parang pumayag na lamang ako dahil iyon rin ang gusto ni Dad? Ang mapa-ibig ako kay Allen? I am allowing my feeling towards Aiden in this situation and at the same time sinusunod ko rin ang gusto ni Dad?
Naiinis ako sa tuwing iniisip ko iyon. Ang sama kong tao kung ipipilit ko ang dalawang bagay. I will think of this thoroughly. Kailangan kung humugot ng lakas para masabi kay Aiden ang lahat. Na bago mag isang buwan may lakas na ako ng loob na sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko because it would be selfish and reckless if I do things out of my control. Kung ano ang isasagot ni Aiden ay rerespituhin ko iyon.
Kinaumagahan maaga ako sa hospital, hindi na ako nagpasundo kay Allen. Sinabi ko lang kay Mom and Dad na tuwing hapon ako susunduin ni Allen.
"Good morning, Abelle." Sa tono pa lang ng boses kilala ko na. Si Aiden. Masaya at medyo excited sa trabaho.
"Good morning, Doc. Kamusta ka?" tanong ko habang sinasabayan niya akong maglakad sa loob na.
"I'm good. Bakit wala ka kahapon? Hmm?" aniya.
"Wala may emergency lang." I smiled at him pero nagulat ako ng huminto siya at tumingin sa akin. "Bakit?"
"Can I have a vacation time with you? I mean, may ginawa akong research about med. And gusto ko sana ay... let's stay at hotel. Gawin nating bakasyon. I need your expertise para sa research na ginagawa ko. Don't worry ako ang magbabayad ng hotel. I just need your help, please?" anito.
Huminto ako saglit at napa-isip. Pwede ba ako? Baka hanapin ako ni Mom and Dad. Pero sasabihin ko lang siguro na I need time to rest. And staying in a hotel might help me to relax. Yon na lang siguro ang magiging alibi ko.
"Ah... sure. Kailan ba?"
"The next days, I guess? Parehos nating off yon? So, I'll pick you up that day. Thank you, Doc. I'll treat you later. Let's have a dinner mamaya. Sabay na tayong umuwi. For now, let's focus on our patient." aniya at niyakap ako ng mahigpit at bumulong ulit. 'Thank you so much."
Iniwan niya akong gulat sa ginawa niya at hindi makapaniwala. Did he just hug me? Did he does sweet seconds kanina? Did he just... really ask me to have a dinner again with him?
Binaliwala ko saglit ang nararamdaman kong excitement kanina at nagfocus sa trabaho kaso lang ng lunch na tumawag si Mom sa akin.
"Yes, Mom?" sabi ko sa linya.
"Let's have a dinner tonight. Isama mo si Allen. Text him. Okay?" aniya
"Mom, set that other night. I have a friend of mine who's going out with me tonight. Importante iyon. Just please set that the other night. I promised I would be there that night. Wag lang po ngayon." giit ko.
"Why? Is that too important, Abelle?"
"Mom, yes. Sige na po, ngayon lang to. Promise. Bukas na lang po."
"Oh, sige. Gagabihin ka ba ngayon?" si Mom.
"Opo, but don't worry my friend will drive for me. Itetext ko nalang rin po si Allen. I'll hang up it now , Mom. I love you." Binaba ko na ang tawag agad para matapos na.
I texted Allen pero ilang minuto ng walang reply sa akin. Nainip ako kaya tinawagan ko, sinagot niya naman.
"Hmm... I get it. Just be careful. Don't worry hindi naman ako magsusumbong sa parents mo, Belle." Paunang salita niya.
"Belle?" tanong ko.
"I'll call you Belle from now on. Bakit may problema?" anito.
"Wala naman. So, yeah. I will have dinner tonight with your cousin and you don't have to pick me up."
"Hmm..." tanging sagot niya. Malungkot ba siya?
"Okay, then, I'll hang up now. Thank you."
BINABASA MO ANG
I'm Into You (Aliser Series 3)
RomanceIvy Abelle Aster kept his love ever since. Crush niya na noon ang isang Aliser. Aiden Damian Colen Aliser, who is also keeping his love from the person whom he believes is still alive. Pero nag-iba ang lahat ng dumating ang isa pang Aliser. Ang Alis...
