Kabanata 9

23 7 0
                                        

A/N

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Birthday

Nag door bell ako sa room number ni Aiden at ng mapagbuksan niya na ako ng pinto doon ko na siya kinantahan. He blew the candles of it and immediately hug me.



"Thank you, Abelle. Hindi ko na alam kung paano kita mapasasalamatan. Sa lahat ng nangyari sa akin may isang kaibigan akong nariyan para sa akin." aniya.




"Shall we eat? Baba na tayo? Prepared na ang lahat. Let's enjoy this night, Doc Abelle." tumango ako sa sinabi niya. Bumaba na kaming dalawa sa kung saan prepared na nga ang lahat pati decoration ng birthday ni Aiden.


Hindi ko alam na birthday niya talaga ngayon at wala siyang makaksama sa mismong araw na ito dahil wala ang kanyang mga magulang. Paano na lang kaya kung buhay pa ang fiancée mo, Aiden? Siguro hindi ganyan ka lungkot ang mga mata mo.



Kung sana lang ay buhay siya... masaya ka siguro ngayon. Mas madalas sana naming makikita ng dimples mo at ngiti ng mga mata mo. Mas kikislap pa sana ang mata mo kapag kasama mo siya. Alam kong desrve mo iyon. Hindi ko man alam ang lahat ng nakaraang mo pero sana kung ano man ang pinagdaanan mo ngayon... makakayanan mong labanan lahat ng sakit nito.




Kung kaibigan ang tunay na nararamdaman mo para sa akin.... kahit pa hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko sayo... rerespetuhin ko parin iyon. Baka nga kasi yong babaeng 'yon ay bahagi ng buong pagkatao mo.




Hiling ko lang na sana pagkatapos ng pag-amin ko sayo... manatili pa rin tayong magkaibigan. Hindi ko rin naman kasi kayang diktahan ang puso ko na hindi ka magustuhan pero ngayon birthday mo... mas masaya ako na ako ang kasama mo.





Kung ano man ang mangyari pagkatapos ng lahat ng ito magiging masaya pa rin ako para sayo. I wish you a happy heart... yong kaya ng magmahal muli.... yong  healed na sa lahat ng pinagdaanan niya... yong bukas na sa lahat ng possibilities... yong mabalik ng ang pinaka ikaw.





Aiden, masaya akong nakilala kita. Mabuti kang kaibigan. Happy Birthday. Bulong ko na lamang sa isip ko.





"Abelle? Okay ka lang? Ang lalim ata ng iniisip mo? Let's eat. Its dinner time. Hindi ka ba nagugutom?' sunod sunod niyang mga tanong sa akin.



"Ah... wala. Masaya lang akong ako ang kasama mo ngayon. Masaya ako para sayo. Happy birthday, Doc Aiden."





Ngumiti siya sa akin at patuloy na sa pagkain. Tulala minsan sa harap niya ay sobrang saya ko lang talaga na kasama ko siya ngayon at mas unti unti ko pa siyang nakikilala.





"It's seven pm. Sama ka sa akin? Let's go to the cottage. May party doon. Let's enjoy the night. Let's drink but we should not drink too much." aniya sabay tawa.





"Sure. Pwedeng uminom pero konti lang. Pwede rin magparty pero maglakad lakad tayo sa may hotel. Pwede ring mag-swimming?" agap ko.





"Kaya mo? Hindi ka lalamigin?"aniya.






"Wag na nga lang... parang doon pa lang hindi ko na kaya." tumawa ako kaya napatawa na rin siya.





Nang matapos kami ni Aiden sa dinner ay bumalik muna kami sa room number namin. Pupuntahan niya lang daw ako sa room ko kung pupunta na kami. Noong oras na iyon tinawagan ko na lang rin si Allen.




"Hello? Kamusta ka? You can get out, Allen. Mabobored ka diyan. It's okay. Gabi rin naman."




"It's okay. Lalabas ako mamaya. Enjoy." aniya.



"Hmm.... okay... ikaw mag-enjoy ka rin at tsaka alam mo bang birthday ng pinsan mo ngayon?"




"Hmm... I greeted him early. I sent my gift yesterday."




"Alam mong birthday niya? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"





"Ayaw kong magpatalo. Liligawan parin kita gaya ng sinabi ko at gusto kong ako ang kauna-unahang lalaking makakatanggap ng regalo mula sayo. Hindi naman siguro masama iyon? Hindi ba, Belle?"





"Ewan ko sayo. Bahala ka nga. Sige na ibababa ko na. Enjoy the night, Allen."





Sa gabing yon pinuntahan nga ako ni Aiden sa room number ko at inikot namin ang lahat sa hotel. Uminom kami pero hindi kami magpaka-lasing.


Umupo kami ni Aiden sa may pang dalawahang  upuan sa dulo banda ng disco light area. Para din hindi kami maingayan masyado at marinig namin ang isa't- isa. Magkatabi kami at umupo na nagtatawanan.





"Cheersss!" bulalas naming dalawa.




Ilang oras ng pananatili doon ay umalis na kami ni Aiden at nagtungo sa may swimming pool at sabay naming ibinabad ang paa namin doon.



"Doc Aiden?"





"Hmm?" aniya




"Kumusta ang puso mo? Masaya ka ba ngayon?" hindi ko na napigilang magtanong dahil kahit gabi na kita ko parin sa mga mata niya ang lungkot. Aamin pa ba ako sa nararamdaman ko sa kanya? Parang alam ko na ang sagot.





"Hmm... yong puso ko? Ikaw pa ata ang unang nagtanong niyan sa akin. Yong puso ko okay naman siya." neutral niyang sagot kaya hindi na ako nagpumilit pang usisain ang lahat. Alam kong malungkot siya. Ayaw ko ng dumagdag pa.





"Ang bilis naman ng oras. It's midnight at paunti-unti na rin ang tao. Are you sleepy? Balik na tayo sa rooms natin, Abelle?"anito at alam kong nangangahulugan yong parang gusto niya ng magpahinga sa sobrang lungkot na nararamdaman niya.





I'm sorry Aiden... hindi kita matulungan sa kung ano man ang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Lalapit ba ako ng tuluyan sayo kahit alam kong masasaktan ako o para lang sa iniisip kong may pag-asa talaga ako ?




"Hmm.. inaantok na rin ako. I think we should go back." agap ko kaya sabay kaming nagtungo na para makabalik pero ramdam kong lasing na siya kaya naman inalalayan ko siya ma maihatid sa room niya.




Hindi magpapakalasing pero nagawa niya.... siguro dahil sa lungkot.






Nilagyan ko siya ng kumot at unti-unti na nga siyang nakatulog pero nagsalita pa siyang muli, narinig ko iyon at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.





"Elissah" aniya habang tumutulo na ang mga luha ko.




"Happy birthday, Aiden." tanging nasambit ko at iniwan na siyang tulog.






I'm Into You (Aliser Series 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon