Puppy Love - 16

37 1 0
                                    

It's 10:30 in the morning at patungo kami ngayon sa mall. Kami lang girls ang pupunta since ang mga lalaki eh wala naman hilig sa mga salon-salon na yan.

Yep, everyone did agreed about this so-called Operation Transformation of Patricia Sue Tan for her goddamn EX boyfriend who dump her for some ugly squid face except, of course, si Zach. Lol But anyways, hindi rin naman ako mag-eenjoy to be with them eh. I think pupunta ako sa bookstore and sa music store to search new books to read and new song to enjoy. Alam rin naman nila yun na hindi rin naman talaga ako mag-eenjoy sa operation nila ngayon. To think of na medyo boyish ako, ay hindi medyo, boyish talaga ako at wala akong alam sa mga ganyan kaya better to leave it to the other 3.

"Sure ka Tiff hindi ka sasama sa amin?" Tricia asked.

"Nah girls, she won't come. Alam niyo naman siya, hindi mahilig sa ganito. You know." Patty said to them. Alam na alam talaga niya kung ano ang hindi ko gusto at mga gusto ko. Lol she know well. Ano pa nga ba at naging bestfriend ko siya.

"Hahaha. Yeah right. Sige, text ka namin later kapag tapos ka na or kapag ikaw ay nabored na kakahintay dahil sa matagal kami matatapos, pumunta ka na lang. Alam mo naman kung saang floor dba?" sabi sa akin ni Alex.

"Ganun ba talaga yun katagal? Hmm, yep. Don't worry about me girls. Alam ko kung saan kayo. Worry about her than me." tinignan ko si Patty na sad pa rin hanggang ngayon. Oh well, ang hirap nga nang situation niya. "Pat, maganda ka naman eh. Magpaganda ka pa lalo ha. Sige, una na ako. See you later." nagseparate na kaming lima. Hindi naman siguro matagal na matagal sila matapos sa transformation nila dba?

Argh. Wala akong alam sa mga ganyan. HIndi ko yan nagagawa ever at hindi ko gagawin. Naman, iba ako ano. Kung anong meron ako ngayon, yun na yun. Pero malay mo one day magagawa mo yan "Shut up" I said to my subconcious. Anong magagawa? Niwala nga akong boyfriend ano or manliligaw. Hahaha. Asa naman na mangyayari yan sa akin. Dah!

Ganyan ba talaga nagagawa ng love na yan? Kung masaktan ka magtra-transform or kung hindi transformation ang ginagawa, magpapakamatay. May narinig na kase akong story na nagpakamatay dahil iniwan raw siya ng taong mahal na mahal niya. Grabe naman ata yun. Hindi naman ata tama ang ganyan. Tama nga siguro ang kantang "Too Much Love Will Kill You". Haaay! Some people should think that there are still lot of people around the world. Hindi lang isa ang pwedeng mahalin habang buhay. Or baka naman hindi nila kilala ang salitang MOVE ON ano? Tss.

Naglakad ako patungo sa bookstore. Nasa ground floor kase yun ng mall na ito eh. Nang makarating ako sa store ay tumuloy na ako. Marami rami din ang nandito. Hmm! Ano nga ba ang gusto ko? English book or ang tagalog? Pwede rin naman both eh. Marami ba akong bibilhin or konti lang? Wala na kase akong nababasa eh kase tapos ko naman lahat nang mga yun. Bahala na nga, kahit anong makita ko, yun na yun.

Pumunta ako sa english section. Kahit ano ang nakukuha ko.

"Ugly Love?" binasa ko ang book. Hmm, I'll take it. Another one, Looking For Alaska by John Green. One of the famous author nowadays. Wow, sumikat siya dahil sa TFIOS. Well, I kinda love that one. Hindi mo alam kung sino ang mauuna sa kanilang mawala. Tsk. Kinuha ko na ang libro ng hindi binabasa ang likod nang libro. The Little Prince? Kinuha ko na rin. The more the merrier diba? May nakita akong trilogy. It's already pack into 3 so it means makakasave ako kesa naman isa isa ko bilhin. The Legend Trilogy by Marie Lu. Okay na ito, for now. Babasahin ko na muna ang mga ito and buy a new one.

Pumunta naman ako sa section ng mga tagalog. Wattpad. Famous website for readers and writers. Hmm, wala naman akong account sa wattpad eh. Dun rin nila nakuha ang mga librong ito. What to read for my own language? The King of Jerks? Nice, kunin ko na. The Break Up Planner? Kunin ko na rin. The New Boss Is My Husband? Yep, kunin na rin yan. A Wife's Cry? Yep, kunin na rin yan.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon