Puppy Love - 1

111 1 1
                                    

Nakarating kami sa mall. Ang daming tao. Sabagay, karamihan sa school eh bukas na ang pasukan. Siguro nag eleventh hour namili ang mga ito.

"Kain na muna tayo." sabi ko kay Pat. Gutom na kasi ako eh. Bigla bigla kasing mag-aya nang galaan. Tsss. Eh hindi pa man din ako nakakakain.

"McDo tayo?" Tanong niya.

"Ayoko nga dun. Sure akong maraming tao dun ngayon. Tanghali na kaya." sabi ko kasi sure naman talaga akong maraming tao ron ano.

"Eh Jobee nalang kaya tayo?"

"Ginagamit mo ba utak mo? Pati dun maraming tao. Sure na sure ako. Jollibee is the most popular fastfood nowadays. Get it?"

"Haaay! Oo na. Ikaw na magaling. You're so genius bes. Hiyang hiya yung brain ko sa iyo eh. Itong korona ko oh. Sayo na" - Pat sabay hand gesture sa akin na parang ilalagay niya ang imaginary crown sa ulo ko.

"Baliw ka talaga kahit kelan." sabay lakad ko at niroll ang eyes sa kanya habang naghahanap nang makakainan.

"Mahal mo naman ako eh. Hahaha!" nakasunod lang sa akin si Pat sa may likoran ko. Tssk.

"Ewww. Wag kang ganyan. Nasusuka ako." lakad pa rin kami. "Food court nalang kaya tayo?" bigla kong sabi sa kanya na hindi pa rin tumitingin.

"Ano ka ba naman! MAS MARAMING TAO DUN. San napunta utak mo bes? Hahaha!" sabay tawa. Tss.

"Oo na. Mas magaling kana." Tss. Ini-emphasize talaga.

"Tara dun oh. Sa Greenwich nalang tayo. Wala tayong choice eh." sabi niya papunta sa may Greenwich kaya't sinundan ko nalang siya.

Pumasok na kami.

"Ano gusto mo?" tanong pa niya.

"Ikaw na bahala. Kakain naman ako kahit ano eh." sabi ko

"Overload 4 nalang tapos lasagna?" tanong niya

"Ok." tipid kung sagot.

"And upgrade my drink to Chocolate Pearl." dagdag ko pa.

Si Pat na pumila since tamad ako at pumunta ako sa may bakanteng upuan. Yung pang dalawahan lang ang pinili ko.

Habang hinihintay ko si Pat, kinuha ko na muna ang phone ko. Maglalaro na muna ako.

Hmmm. Temple run nalang. Ang panget kasi nung ibang games ko sa phone. Sa computer mas maramibg games ko doon. Mahilig ako maglaro nang crossfire.

Di ko namalayan na nandiyan na pala sa harapan ko si Pat.

"Muntanga lang!" - sabi ni Patty. Sabay tawa niya. Tsss. Ano pinagsasabi neto?

"Napano ka?" kunot noo kong tanong sa baliw na ito habang binabalik ko ang phone sa aking bulsa.

"Eh kasi nga po, kanina pa ako dito pero wala ka sa sarili mo. Kinakausap nga kita pero parang wala kang marinig. Ano ba iniisip mo? Baka nag-iisip ka sa crush mo ano, kasi magkikita na kayo bukas. May crush ka na ha, di mo na sinasabi. Sino yan? Dali. Shareeee ka na.." Nakangisi niyang sabi sa akin habang nilalagay ang dala niyang number sa harapan ko. Gutom na ako.

"Sino naman? Wala akong crush no. Wala namang kasing gwapo sa paningin ko maliban ni daddy and kuya's ko. Tssk!" sabi ko.

"Sooos! Dapat magka crush ka rin bes pag may time." - sabi ni Pat sabay tango niya.

"Katamad magkaroon ng crush. Sayang panahon." sabi ko nalang sa kanya.

"Anong katamad? FYI bes, ang pagkakaroon nang crush ay isang paghanga na kahit hindi mo siya boyfriend eh pinapakilig ka pa rin. May reason ka para pumasok everyday dahil may crush ka dahil inspired ka. Yan sabi nila eh. Kaya nga excited na akong pumasok bukas eh. Baka kasi may transferee and magkaka-crush na naman ako. Hihihih" sabi niya na kinikilig pa. Tssk

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon