Puppy Love - 3

47 1 0
                                    

Today is the day. Balik school na kami.

"Good morning world" sabay inat inat. Ops! Para atang good mood ako ngayon ah. Tsss. Bahala na. Dapat maganda ang araw ko ngayon. I'll try to be in a good mood kahit na tahimik ako't laging bored.

Maaga akong nagising kasi panigurado akong dadaan dito si Pat. Yun pa.

Pumunta na akong cr para maligo na. After 15 minutes eh tapos na ako. At tapos na akong magtoothbrush. Kaya pumunta na ako sa walk in closet. Kinuha ko na yung damit na binili ni Pat for me. Pheeew!

"For the first time in forever!" sabi ko sa sarili after makita ang sarili sa salamin. Then kinuha ko na ang converse shoes na binili ko.

Bagay nga naman pala sa akin 'to. Konting pulbo lang naman ito. Magandang maganda naman talaga ako neto.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.

"Miss Tiffany, kakain na po." sabi nang isang maid.

"Ah. Sa school na po ako kakain." at palabas na nang pinto. "and paki sabi kang Manong Ramon na ihahatid niya kami ni Pat. Thanks!" walang ganang utos ko sa maid namin.

Wala pa si Patty eh. Matawagan nga.

** Patty Panget Calling **

"Uy, san ka na?"

"Andito pa ako sa bahay. Bakit?."

"Pakibilisan mo nga! Sabi mo kahapon eh hindi ako magpa-late, ikaw nga tong mabagal eh."

"Ayy teh, maaga pa naman. May time pa tayo. At kakain pa ako eh."

"Wag ka ng kumain. Sa school na tayo."

"Libre mo 'ko? Haha."

"Oo na. Oo na. Dali na jan. Hinihintay ka namin ni Manong Ramon."

At ini-end ko na ang phone ko.

Lumipas ang 5 minutes.

"Pheew! Kapagod maglakad. Tara na bes!" Langya!

"Soos. Ang lapit nga lang eh. Isang bahay lang ang namamagitan saming mga bahay.

"Eh kapagod pa rin eh."

"So hindi ka na maggo-good morning sa akin?" At tinaasan ko siya nang kilay.

"Ay! Nihindi mo nga ako sinabihan ng good morning sa phone call mo kanina eh. Tinarayan mo pa ako. Tss." at nag-act pa na malungkot. Tss. "Pero ano bes, tara na't pumasok. Weeeehooo! Kambal talaga tayo sa damit ngayon at ang ganda mo pero mas at pinaka maganda ako kesa sayo!" komento niya at unang pumasok sa loob nang sasakyan. Walanghiya talaga kahit kelan.

"Anyways bes, I am so proud of you kase maaga pa kaya. " ngiti niya sa akin.

"So? Anong nakaka proud dun ha?" at sinarado ang back door ng car.

"Excited ka no? Aminin! Yiiie! Ang aga pa kase eh. Usually kasi eh, pag-andito ako sa inyo nasa bed ka pa at tulog mantika. Iba ka ngayon. Hmmm! Nakakapagtaka nga naman. Hahaha. Yiiie." at sabay tusok sa tagiliran ko. Walang hiya. Hindi naman masamang maaga pumunta sa school ah. Tss

"Ah so kung maaga makapunta excited agad? Manong, ibalik niyo nalang ho ako sa bahay. Magpapalate ako!" sarcastic na sabi ko kay manong na tumatawa lang.

"Oy, wag kang maniwala jan manong Ramon. Bes naman, di na mabiro. Sungit mo talaga. Tss. Haha. Pero proud talaga ako sa'yo. Maaga tayo makakapunta eh. So proud of you!" at aakmang iha-hug ako.

"Wag ka! Suntukan nalang. Tss!"

"Parang hug lang eh. Geh na, pagbigyan mo na ako. Lalab bes! Hahahaha" Napaka ewww niya talaga.

After mga 15 minutes.

"Andito na po tayo Miss Tiffany at Miss Pat." sabi ni Manong Ramon sa amin.

"Salamat po Manong Ramon. Ingat sa pagbalik." tumango ako kay manong habang pababa. Bago ako tuluyang bumaba ay may tinanong sa akin si manong.

"Hindi kita susunduin mamayang lunch?" tanong ni manong.

"Ay wag na po kayong mag-abala pa manong. Magpahinga nalang kayo sa balay or manood ng palabas." Ngitian ko si Manong Ramon at siya'y tumango lang sa akin.

Unang bumaba si Patty sa akin at sobrang saya niya.. Tss! Gutom na ako.

"Pat, cafeteria na muna tayo. Treat na kita."

"Yeheeey! Sana everyday na ito Lord. Thank you naman at naging anghel si bes ko." Pagdadasal niya habang naglalakad kami papunta sa school gate namin.

"Ayy, KKB nalang pala. Ge!" at tumalikod sa kanya at papasok na sa gate.

"Nooooooo! Bes naman. Hahaha. Mahal mo ko eh so tara, breakfast sa caf. Food here we come. " at hinabol ako. Tsss. Remind me nga kung pa'no ko ito naging bestfriend.

Pagkarating namin sa main building ay madami-dami na ring students. May nakikita akong nagkaka-mustahan. Tapos yung iba ay nagha-hug pa kase miss raw nila ang isa't isa. Tsss, di naman sa malayo ang 2 months vacation eh. At yung iba nagchi-chismisan na sila. Tss. Define high school?

Nakarating naman kami sa cafeteria and may mangilan-ngilan rin na naroon na.

Pumili na kami nang breakfast namin.

"Ate, rice with egg and bacon sa akin. At water in bottle po ate. At itong chocolate moist cake na rin po." sabi ko sa kanya. "Pat, anong sa'yo?" nasa may likod ko kase siya at hawak phone niya. May katext ata.

"Tulad nalang nung sa'yo bes." sabi niya nang hindi nag-aangat ng ulo. Importante siguro. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Ate, katulad lang po kami nang order. Pero Vanilla cake ang sa kanya." nag-abot ako nang 500 hundred pesos sa cashier at yung isang kasama niya ang kumuha ng mga orders namin. Binigyan na ako ng sukli at tapos na rin kunin ang orders kaya ready to eat na. Kinuha ko ang tray ko at si Patty na ang bahala sa kanyang sarili. Malaki na yan eh.

Umupo kami sa malapit lang na table.

"Bes, excited na ako this year. Kase feeling ko maraming mangyayari eh. Ikaw ba bes, excited ka na rin?" Ngeek. Excited akong makagraduate. Yan ang gusto ko.

"Feeling mo lang yan uy. Tss. Alam mo naman sagot ko dba? Alam mo naman na walang kasing boring ang high school ko." sagot ko nalang sa kanya nang walang ka gana-gana.

"Eh bes, dapat kase open ka sa ibang tao. Alam ko may club ka kase gusto mo ang club na yan pero hindi naman ka pinapansin nang iba kase akala nila sobrang strict mong tao. Dapat kase ibahin mo yang ugali na yan. Wag ka kaseng anti-social na tao. Like DUH! Last year mo na ito sa high school. So make it memorable. At isa pa raw, pag nasa college ka na, iba na ang feeling. Nasa high school kase ang pinaka masayang memories. So you'd better to experience at least being friendly or to socialize with others. Okay bes?" mahabang speech na sabi niya sa akin. Owwwwwkaaaay.

"Ikaw na. Andami mong alam eh."

"Hehehe! Ganun naman talaga. At isa pa, lahat yun totoo no."

"Bakit? Sabi ko bang mali ka?"

"Eyyy, hindi. Hahaha. Inunahan lang kitang sabihin. Hahaha"

"Defensive ka lang eh. Tss."

Kumain nalang rin kami at nag-antay nang ilang minuto pa. Usap usap lang pero minsan tatahimik si Patty kase na sa phone ang buong attension niya.

"Bes, let's go na. Para makahanap tayo nang saktong pwesto sa gusto natin." sabi ni Pat sabay kuha nang gamit niya.

At ako rin, kinuha ko na ang small back pack ko since hindi pa naman talaga magsisimula ang lecture this day. First day pa kaya ano. So isang notebook and isang ballpen nga lang laman netong bag ko at tsaka, comb and powder na rin. You know, girl thing kahit na medyo boyish ako. Kelangan ko rin nang konting pampaganda.

Umakyat na kami kase na sa may 3rd floor ang room nang 4th year and also 3rd year.

The name of our school is Alice Academy and yes, medyo pang mayaman ito. Dito ako pinag-aral kase bukod sa mayaman parents ko (parents at hindi ako ;D) ay isang stock holder naman ang pamilya ko sa school na ito. So yeah.

Paakyat na kami sa room namin which is Class 4A. There are 2 sections sa 4th year, isa ang amin (syempre :p) at Class 4B.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon