Puppy Love - 19

31 0 0
                                    

Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Pagod ako kahit na konting oras lang ang pinunta ko sa mall. Dahil na rin ito sa mabigat na bag ko at sa daming tao kanina. Ang hirap umusad nang dirediretso kase maraming tao.

Nilagay ko lahat nang mga librong binili ko sa bookshelves. Sa parteng puro pangbago lang ang nakalagay. Isang way ko iyon para malaman na hindi ko pa iyon nababasa.

Ini-on ko ang laptop sa may study table. Gusto ko lang muna magsurf at magdownload ng mga bagong movie. Maghahanap na rin ako nang kantang ika-cover namin ni Pierre bukas.

Napaisip pa rin ako sa lalaki kanina. Si Blue Andrew Anderson. Tss. Weird stalker.

Naglog in ako sa aking facebook na matagal tagal ko nang hindi binibisita. Hindi rin naman ako mahilig sa social media kaya hindi ko gaano ito pinapansin.

May mga notifications ako, dalawang private message at tatlong friend request. Una kong binuksan ang FR. Ini-add ako ni Zach. That ugly monkey. Tss. Naalala ko na naman ang mga text niya kanina at nung nasa may bookstore kasama yung babaeng nakilala ko, si Jessica. Naroon pala siya sa restaurant pero hindi ko naman siya mahagilap sa mga mata kong nanunuri.

Ini-accept ko ang request niya. Total kilala ko rin naman siya. Ang dalawang nag-add sa akin ay si Travor at Niko. Ini-accept ko na rin iyon dahil kaibigan ko naman sila.

Tinignan ko ang mga notifications kong puro tagged names at tagged pictures lang ang naroon. Binalewala ko na iyon at tumungo sa aking messages. Nakita kong si Zach at ang pinsan kong nasa America ang nagmensahe sa akin.

Zachary Tyler Lopez:

Why you're not accepting my FR?

What's up?

Well you accept it. Dammit.

Yun lang ang mga tinipa niya. Ilang araw na pala iyon kaya pala naiinis ang isang ito.

Nagtype na rin ako.

Tiffany Dawn Perez:

Well, I'm sorry kung ngayon ko lang ini-accept. I am not fond of surfing everyday in fb. And please, don't curse at me.

Sinend ko ang mensahe ko sa kanya. Offline naman siya kaya hindi rin naman niya agad mababasa iyon.

Ini-open ko ang sa pinsan kong nagmessage. Nangangamusta lang siya sa akin. Kaya nireplayan ko na siya na okay lang ako at kinamusta ko na rin naman siya.

Nagscroll lang ako sa news feed ko. Nakita ko ang new post ni Tricia kasama sila na masayang nagsa-shopping at may picture pa sila sa loob nang salon. Nilike ko iyon at nagscroll pa pababa.

May nagpop up na message sa akin. Si Zach.

Zachary Tyler Lopez: You home already?

Nagtaas ako nang kilay sa mensaheng nabasa ko. So what? Akala ko ba offline ito.

Tiffany Dawn Perez: Yup.

Tipid lang ang reply ko. Nakita kong nagtitipa siya kaya hinintay ko iyon.

Zachary Tyler Lopez: So early to get home. Bakit di ka na sumama kina Patty nagshopping?

So what kung hindi na ako sumama? Tss. I rolled my eyes kahit na hindi rin naman niya nakikita.

Tiffany Dawn Perez: None of your biz.

Nakita kong mabilis siyang nagtype.

Zachary Tyler Lopez: You're my business. Anyways, is he your boyfriend?

Tsk. Hindi ko na lang siya nireplayan at naglog out na. Pakealam ba niya? Tss.

Naghanap agad ako nang mga movie'ng idadownload ko. May mga bagong movies na bago pa lang ipinalabas sa mga cinehan. Puro rin lang naman CamRip kaya ayoko na muna sa mga ganun. Mahirap maghanap nang magagandang movie ngayon dahil sa maraming puro galing sa cinehan ang mga kuha.

High School Puppy Love(ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon